You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
DAMPIG ELEMENTARY SCHOOL
Adams-Pagudpud District

EPP-INDUSTRIAL ARTS 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Bilang Bilang DOMAINS
Pamantayan sa
ng % ng
Pagkatuto R U A A E C
Araw Aytem
1. Natatalakay ang mga
kaalaman at kasanayan sa
pagsusukat
1.1 nakikilala ang mga
kagamitan sa pagsusukat 1,2,3
8 20% 8 7,8
1.2 nagagamit ang 4,5,6
dalawang sistemang
panukat (English at
metric)
EPP4IA-0a-1
2. Naisasagawa ang 9,10
pagleletra, pagbuo ng 11,12
8 20% 8
linya at pagguhit 13,14
EPP4IA-0b-2 15,16
3. Natatalakay ang
kahalagahan ng kaalaman
19,
at kasanayan sa "basic 20,
8 20% 8 17,18 23, 22
sketching" shading at 21
24
outlining
EPP4IA-0c-3
4. Naisasagawa ang
wastong pamamaraan ng 29,
25,26
basic sketching, shading 8 20% 8 30, 32
27,28
at outlining 31
EPP4IA-0d-4
5. Nakagagawa ng 8 20% 8 33 34,35 36, 39,
sariling disenyo sa 37, 40
pagbuo o pagbabago ng 38
produktong gawa sa

kahoy, ceramics, karton,


o lata (o mga
materyales na nakukuha
sa pamayanan)
EPP4IA-0f-6
TOTAL 40 100% 40 20 4 6 6 4 0

Prepared by:

JONAHLYN V. PANCHO
Teacher I
Checked and reviewed by:

ARSENIA A. SUNIGA TARCILA O. AGRADE


School Guidance Coordinator Master Teacher I

NOTED:

HAZEL V. ABAD
Head Teacher I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
DAMPIG ELEMENTARY SCHOOL
Adams-Pagudpud District

EPP-INDUSTRIAL ARTS 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Itiman ang titik ng tamang sagot.

1. Gusto mong bumili ng tela pang uniporme. Anong kagamitan na panukat ang gagamitin ng sales lady
upang makabili ka ng tela na gusto mo?
A. Zigzag Ruler B. Tape Measure
C. Iskwalang asero D. Meter Stick

2. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng kahoy pang poste para maitayo niya ang kulungan ng manok. Ang
sukat ng posting kahoy ay 4 pulgada x 4 pulgada x 8 piye. Ang gagamiting kagamitang panukat ay _____.
A. Ruler B. trianggulo
C. Iskwalang asero D. push-pull rule

3. Geodetic Engineer ang tatay mo. Isa sa mga kagamitan nito ang panukat sa paggawa ng mga maliliit na
linya sa drowing. Ano ang tawag sa kagamitang ito?
A. Protractor B. trianggulo
C. Tape measure D. T-square

4. Mananahi ang lolo mo, may magpapatahi ng pantalon sa kanya. Bago niya ito tahiin gagawa muna siya ng
pattern upang hindi siya magkamali at tama ang sukat nito, Kung gagawa siya ng pattern anong
kasangkapan ang gagamitin niya?
A. Push-pull rule B. tape measure
C. Iskwalang asero D. protractor

5. Gusto mong alamin ang iyong Body Mass Index (BMI) anong panukat ang gagamitin sa pagkuha ng taas
(height).
A. Protractor B. T-square
C. Push-pull rule D. ruler

6. May dalawang sistemang pagsusukat, ang Sistemang English at ang Sistemang Metric. Alin sa
sumusunod
na sukat ang Sistemang English?
A. kilometro B. millimetro C. sentimetro D. pulgada

7. Kung ang 1 yarda ay katumbas ng 3 piye/talampakan, ilang piye o talampakan ang katumbas ng 3 yarda?
A. 11 B. 9 C. 10 D. 8

8. Bukod sa gamit sa paggawa ng tuwid na guhit, ang ruler ay ginagamit din sa pagkuha ng maikling sukat.
Kung ang haba ng ruler ay 1 piye na may 12 pulgada, ano ang katumbas ng 2 piye?
A. 75 pulgada B. 24 pulgada
C. 50 pulgada D. 42 pulgada

9. Anong uri ng letra ang nasa ibaba?


A. Gothic B. Script
C. Roman D. Text

10. Anong uri ng letra ang ipinapakita sa ibaba?

A. Gothic B. Script
C. Roman D. Text

11. Anong uri ng letra ang ipinapakita sa ibaba?

A. Gothic B. Script
C. Roman D. Text

12. Anong uri ng letra ang ipinapakita sa ibaba?

A. Gothic B. Script
C. Roman D. Text

13. Alin ang ginagamit sa pagleletra sa Kanlurang Europa noong unang panahon at kung minsan ay
tinatawag
na “Old English”?
A. Gothic B. Text C. Roman D. Script

14. Ang linyang _____________ ay nagpalakita ng axis o gitnang hugis simetrikal tulad ng washer, gear at
rimatse.
A. Linyang panggilid B. Linyang panggitna
C. Alpabeto ng linya D. Walang drowing

15. Ang __________________ ay nagpapakita ng larawan o kabuuan ng proyektong gagawin.


A. Linyang panggilid B. Linyang panggitna
C. Alpabeto ng linya D. Working drowing

16. Ito ay linyang pinakamakapal at pinakamaitim na guhit.


A. Linyang panggilid B. Linyang panggitna
C. Alpabeto ng linya D. Working drowing

17. Ito ang simple at dali-daling pagguhit gamit ang lapis at papel. Halimbawa ay kung may biglaang
sumagi
sa isip na disenyo ay maari mo itong iguhit gamit ang lapis at papel.
A. Basic sketching B. Basic outlining
C. Basic shading D. Basic drawing

18. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuskos ng lapis upang maging maitim o madilim ang bahaging
hindi
naaabot ng liwanag sa isang krokis.
A. Basic sketching B. Basic outlining
C. Basic shading D. Basic drawing

19. Ang mga sumusunod ay mga uri ng produkto na ginagamitan ng basic sketching, shading, at outlining
MALIBAN sa isa.
A. tocino B. portrait C. painting D. landscape

20. Ito ay uri ng negosyo na gumagawa ng iba’t ibang uri ng mga kagamitan na yari sa kahoy.
A. Portrait and Painting shop B. Animation and Cartooning
C. Building Construction and Design D. Furniture and Sash Shop

21. Anong uri ng negosyo ang gumagawa ng mga layout at nag-iimprenta ng mga magasin, diyaryo, libro, at
iba pang babasahin?
A. Printing Press B. Portrait and Painting shop
C. Animation and Cartooning D. Furniture and Sash Shop

22. Piliin ang HINDI wasto ang pangungusap.


A. Ang Sining ay kasanayan upang maging libangan
B. Kailangan sa sining ay may kahiligan sa kulay.
C. Ang sining ay isang kasanayan at mapagkakakitaan din.
D. Lahat ng tao ay may kakayahan sa sining kaya lahat ay magaling gumuhit

23. Alin sa mga hanapbuhay ang hindi kasali sa gumagamit ng basic sketching, shading, at outlining.
A. Ilustrador B. Tattoo Artist C. Pintor D. Tindera

24. Alin sa mga sumusunod na negosyo ang HINDI ginagamitan ng basic sketching, shading, at outlining?
A. uniporme B. pagdidisenyo sa tasa
C. pananahi ng mga damit D. pagguhit ng larawan sa isang aklat

25. Alin ang anyo ng shading na gumagamit ng maliliit na bilog?


A. scumbling B. smudging C. stippling D. crossing

26. Alin ang mabilis na isinasagawa na parang gumagawa lang ng tsek paulit-ulit sa isang espasyo upang
kumapal at umitim.
A. smudging B. stippling C. scumbling D. crossing

27. Alin ang isang anyo ng shading na gumagamit ng linyang pahiga at patayo?
A. crossing B. smudging C. scumbling D. stippling

28. Marami ang nagnanais na maging isang propesyonal na mangguguhit. Bago mangyari iyan, kailangan na
ang isang baguhang mangguguhit ay______________________________.
A. mayaman B. magsanay sa paghawak ng lapis
C. maganda ang mga kamay D. laging kumukopya sa gawa ng iba

29. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita nang tinatawag na “grip high” bilang isa sa mga
principles ng basic sketching?

A. B. C. D. Wala sa pagpipilian

30. Isa sa tatlong principles ng basic sketching ay ang tinatawag na “fixed wrist” o maayos na pulso. Alin sa
mga larawan ang nagpapakita nito?

A. B. C. D. Wala sa pagpipilian
31. Ito ay tumutukoy sa paghawak ng lapis sa paraang perpendicular o patayo tungo sa direksyon ng linyang
iguguhit. Alin sa mga larawan ang nagpapakita nito?

A. B. C. D. Wala sa pagpipilian

32. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng tama MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Sa basic sketching ay walang sinusunod na principles.
B. Dapat tama ang pagkakahawak ng lapis habang isinasagawa ang sketching.
C. Bago ang pagsasagawa ng sketching, kailangan simulan ito ng mga ehersisyong pangkamay.
D. Kung nais mong maging mahusay na mangguguhit kailangang gawin ang mga batayan sa basic
sketching.

33. Kilala sa tawag na “Puno ng Buhay” dahil sa mahalaga at nagagamit ang bawat bahagi nito.
A. niyog B. rattan C. narra D. anahaw

34. Alin sa mga sumusunod na produkto ang HINDI gawa sa karton?


A. Robot na gawa sa karton
B. Mesa at silya na gawa sa kahoy
C. Bahay kubo na gawa sa lumang karton
D. Laruang sasakyan na gawa sa iba’t ibang uri ng karton

35. Alin ang ginamit sa paggawa ng kubo, basket, bilao, sandok, at alkansiya?
A. kahoy B. karton C. kawayan D. lata

36. Si Mang Norman ay kilala bilang isang mahusay na karpintero sa Barangay Maunlad. Sa anong gawaing
pang-industriya nahahanay ang kanyang gawain?
A. gawaing-elektrisidad C. gawaing-kahoy
B. gawaing-metal D. gawaing pang-industriya

37. Alin ang kinakailangan sa pagdidisenyo ng proyekto o produktong gawa sa iba’t ibang materyales?
A. kakayahan C. talent
B. malikhaing pag-iisip D. lahat ng nabanggit

38. Ano ang magandang dulot ng pagiging malikhain?


A. Maaari mong ipamalaki ang iyong mga gawa
B. Makakagawa ka ng mga palamuti sa tahanan
C. Maaari mo itong gawing negosyo at pagkakakitaan
D. Lahat ng nabanggit

39. Sa pagbuo ng proyekto na mula sa kahoy, gagamit tayo ng iba’t ibang kasangkapan. Alin dito ang
makatutulong para masunod ang panuntunang pangkalusugan at pang-kaligtasan?
A. Gumawa sa tamang lugar.
B. Gumamit ng guwantes at apron.
C. Panatilihing malinis at maayos ang kagamitan.
D. Lahat ng pagpipilian ay tama.

40. Ang mga sumusunod ay ang mabubuting naidudulot ng paggawa ng mga produktong gawa sa kahoy,
ceramics, karton at lata maliban sa isa. Alin dito ang hindi?
A. Maaaring mapagkakakitaan
B. Makapagbibigay ng libangan at trabaho
C. Makatutulong sa pansariling kapakanan
D. Makaiiwas sa mga masasamang bisyo, droga, at barkada
ANSWER KEY: EPP-INDUSTRIAL ARTS 4

1. D
2. D
3. C
4. B
5. B
6. D
7. B
8. C
9. A
10. D
11. B
12. B
13. D
14. B
15. D
16. A
17. A
18. B
19. A
20. D
21. A
22. D
23. D
24. A
25. A
26. A
27. A
28. A
29. C
30. B
31. C
32. A
33. A
34. B
35. C
36. C
37. D
38. D
39. D
40. C

You might also like