You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
TIMOTEO A. REYES SR. MEMORIAL ELEM.SCHOOL
Morong, Rizal
WEEKLY WORKSHEET IN EPP 4
Name: Quarter: 3
Grade: Week: 1-8
Section: Date: June 7-July 9, 2021

WEEK 1-2: (ICT) Entrepreneurship

ENTREPRENEURSHIP
Ano ang Entrepreneurship?
Ang Entrepreneurship ay tumutukoy sa paggawa at pagpapalago ng negosyo o ng mga negosyo upang kumita rito. Sa
modernong panahon, ang entrepreneurship ay tinutukoy rin bilang isang hakbang upang masmapaunlad ang mundo sa
pamamagitan ng paglutas ng malalaking suliraning hinaharap nito.
Ang entrepreneurship ay isang sining at kakayahan sa pagnenegosyo. Ang pagnenegosyo ay hindi
madaling gawain subalit makatutulong ang kaalaman sa iba’t ibang salik na dapat isaalang-alang sa
pagnenegosyo.
Ano ang kahulugan ng Entrepreneur?
Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na “entreprende” na nangangahulugang
isagawa. Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
Dapat magkaroon ang isang nagnanais maging entrepreneur ng determinasyon, kaalaman sa negosyo, at marketing skills upang
ang produkto ay maging kapakipakinabang, serbisyo at maganda,at kumikita ang negosyo.
Ang entrepreneur ay ang may-ari o ang namamahala ng isang negosyo kung saan ang paraan upang siya ay kumita ay
sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran ng may pagkukusa. Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal na may kakayahan sa
pagsasaayos, pangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
Katangian ng isang Entrepreneur
May iba’t ibang katangian ang isang entrepreneur. Ito ay ang sumusunod:
1. Mayroong determinasyon
2. May kaalaman sa negosyo
3. Nagtataglay ng marketing skills
4. Nangangasiwa nang maayos sa negosyo
5. Nakikipagsapalaran sa negosyo
6. May malasakit sa negosyo
7. Mahusay na pakikipagkapwa
8. May tiwala sa sarili
9. Marunong tumanggap ng opinyon ng iba
10. Matiyaga

Kahalagahan ng isang Entrepreneur


Ang isang entrepreneur ay may mahalagang tungkuling ginagampanan. Ito ay ang sumusunod:
1. Ang mga entrepreneur ay nakapagbibigay ng mga bagong hanapbuhay.
2. Ang mga entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto sa pamilihan.
3. Ang mga entrepreneur ay nakapaghahatid ng bagong teknolohiya, industriya , at produkto sa pamilihan.
4. Ang mga entrepreneur ay nakakatuklas ng makabagong paraan na nagpapahusay ng mga
kasanayan.
5. Ang entrepreneur ay nangungunang pagsamahin ang mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, at puhunan
upang makalikha ng produkto at serbisyo na kailangan sa ekonomiya ng bansa.
Paraan sa Pagtatayo ng Negosyo
Pagprodyus ng isang produkto galing sa pinagkukunang-yaman, at pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng kabayaran.
Mga Negosyo na Matatagpuan sa Pamayanan
1. Tahian—ito ay negosyo kung saan gumagawa ng mga damit, basahan o anumang produktong gawa sa tela sa
pamamagitan ng makinang panahi.
2. Sari-sari Store—ito ay isang maliit na tindahan ng mga pangunahing bilihin ng mga tao sa isang pamayanan.
3. Karinderya– tindahan ng pagkain kung saan kumakain o bumibili ang mga tao sa pamayanan o lugar.
4. Barbershop—negosyo na nag-aalok ng gupit sa buhok.
5. Vulcanizing Shop—negosyo kung saan ginagawa o inaayos ang mga sira ng sasakyan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang teksto sa ibaba upang masagot ang mga tanong na kaugnay dito.
Ang Tindahan ni Mang Nanie
Dito sa aming nayon sa Brgy. Concepcion, ang kadalasang ikinabubuhay ng mga taga rito ay ang pagtatanim ng mga
halamang gulay tulad ng talong, sitaw, okra, at kalabasa. Kasama rin rito ang pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka, baboy at
ang pag-aalaga ng tilapia. Isa na rito si Mang Nanie na may ari ng isang sari-sari store sa may kanto ng Sabang sa nasabing
barangay. Isa sa mas pinagtutuunan niya ng pansin sa kanyang mga hanapbuhay ay ang pag-aalaga ng baboy. Maaga siyang
1
nagtutungo sa kaniyang mga alaga upang siya mismo ang mag-asikaso ng pagpapakain at paglilinis ng mga kulungan nito.
Tunay na napakasipag at matiyaga ni Mang Nanie sa pag-aalaga sa kaniyang mga hayop. Dahil sa unti- unti nang lumalago ang
kaniyang babuyan, kinailangan niyang kumuha ng mga tauhan upang maging katuwang niya sa pagpapalago ng kaniyang
negosyo. Sa ganitong paraan ay nakatutulong siya sa mga tao na magkaroon din ng hanapbuhay. Bukod sa pagtitinda niya ng
mga karne ng hayop sa kanilang tindahan ay nagdadala na rin siya sa palengke ng karne upang mas madagdagan pa ang
kaniyang kita.
Sa ganitong paraan din ay nakikilala ang lugar ng Concepcion sa isa sa mga maaaring mapagkunan ng karne ng baboy.
Dahil na rin sa karamihan ng kaniyang ibinebenta na karne ng baboy nag-isip na rin siya ng iba’t ibang maaaring maging
produkto na mula sa kaniyang mga alagang hayop, sa tulong ng anak niya gamit ang makabagong teknolohiya. Nakapagbebenta
na rin siya ng kaniyang mga produkto sa pamamagitan ng pag-o-online at pagpo-post nito sa facebook.
Tunay na kung magiging masipag at matiyaga lamang ang isang tao, ay matutupad niya ang kaniyang mga pangarap sa
buhay at maaari pa siyang makatulong sa kaniyang kapwa sa pagbibigay dito ng hanapbuhay.
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Sino ang may ari ng tindahan?
______________________________________________________________
2. Saang lugar nakatayo ang kaniyang tindahan?
______________________________________________________________
3. Ano-ano ang malimit na ikinabubuhay ng mga taga-Barangay Concepcion?
______________________________________________________________
4. Ano-anong mga produkto ang nabanggit sa kuwento?
______________________________________________________________
5. Ano ang katangiang taglay ni Mang Nanie batay sa kuwento?
______________________________________________________________
6. Sa mga nabanggit na alaga ni Mang Nanie, alin ang mas binigyan niya ng panahon upang mas
mapalago at mapagyaman ito?
______________________________________________________________
7. Paano nakatulong ang makabagong teknolohiya sa hanapbuhay ni Mang Nanie?
______________________________________________________________
8. Ano-ano ang katangian ni Mang Nanie bilang isang entrepreneur?
________________________________________________________________
9. Bakit mahalaga sa isang entrepreneur ang malaman ang mga pangangailangan ng tao sa isang
komunidad?
_______________________________________________________________
10. Bilang isang mag-aaral, ano ang katangian na maipapakita mo bilang isang nagnanais na
entrepreneur?
_______________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Kung ikaw ay mabibigyan ng pagakakataon na magkaroon ng sariling negosyo tulad
halimbawa ng tindahan, sa paanong paraan mo ito mapauunlad? Isulat ang inyong sagot sa iyong sa ibaba.
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________

WEEK 3-4: (HE) Paghihiwa-hiwalay ng basura sa bahay

Ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay isang uri ng maling gawain na patuloy na nangyayari sa ating kapaligiran.
Ang pagbaha, pagdumi ng ilog, paglaganap ng sakit ay ilan lamang sa nagiging epekto ng maling pagtatapon ng basura. Upang
maiwasan ang anumang problema na sanhi ng basura, dapat tayong gumawa ng solusyon o paraan upang malutas ang suliraning
dulot nito. Ang pagiging responsible sa pagtatapon ng basura ay isang malaking tulong upang mapanatiling malinis ang ating
kapaligiran at ligtas ang sinuman sa anumang karamdaman na dulot ng mga basura.
Narito ang ilang dapat gawin upang masolusyunan ang problema sa mga basura.
1. Dapat matutong pangalagaan at pahalagahan ang ating kapaligiran.
2. Paghihiwahiwalay ng basurang nabubulok at di-nabubulok.
3. Pagre-recycle upang mabawasan ang dami ng basura.
4. Pagtulong sa proyektong pangkapaligiran na inilulunsad sa inyong pamayanan.
5. Maging disiplinado sa lahat ng oras lalo na sa palagiang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan.
Wastong Paraan ng Paghihiwalay ng Basurang Nabubulok at Di-Nabubulok
1. Maglaan ng wastong lalagyan para dito.
2. Paghiwahiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Ito ang tinatawag na waste segregation.
3. Ang mga basurang di nabubulok ay maaaring gamitin muli o i recycle ang iba naman ay maaaring pagkakitaan sa
pamamagitan ng pagbebenta katulad ng bote, papel, bakal at iba pa.
4. Ang mga basurang nabubulok ay maaaring ilagay sa compost pit.
5. Iwasan ang pagsusunog ng basura.
6. Siguraduhing may takip ang mga basurahan upang hindi ito pamahayan ng mga langaw, ipis at iba pang insekto.

2
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magtala ng mga sampung uri ng basura na matatagpuan sa loob at labas ng inyong bahay.
Tukuyin kung ito ay nabubulok, di-nabubulok o magagamit pa.

Nabubulok Di-Nabubulok Magagamit pa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sa iyong sagutang papel isulat kung ano ang iyong
nararapat gawin sa sitwasyon.
1. Ang iyong kaibigan ay kumakain ng taho habang kayo ay magkausap. Nang maubos na nya ang
laman ng basong plastic ay inihagis niya ito kung saan. Ano ang sasabihin mo sa iyong kaibigan?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
2. Ang iyong nakababatang kapatid ay kumakain ng biskwit na pasalubong ng inyong tatay. Nakita mo
na isiniksik niya ang balat sa ilalim ng inyong sofa. Ano ang nararapat mong gawin?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
3. Naglagay ng dalawang basurahan ang iyong kuya. Ito ay para sa basurang nabubulok at di-nabubulok.
Nakita mo ang iyong bunsong kapatid na nagtapon ng balat ng saging sa basurahan para sa dinabubulok. Ano ang sasabihin mo
sa iyong bunsong kapatid?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Magtala ng limang kahalagahan na naidudulot ng ng wastong pagsasagawa ng


paghihiwahiwalay ng basura.
1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________

WEEK 5-6: (AFA) Kaalaman sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Sa aralin na ito ay matutunan mo ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang
pagkakakitaang gawain

Tingnan ang larawan sa itaas. Alam mo ba kung anong uri ng halaman ang mga ito?
Ang uri ng mga halaman sa larawan ay ang tinatawag na halamang ornamental. Ang halamang
ornamental ay ang mga halaman na pinatutubo at ginagamit bilang palamuti o pampapaganda ng lugar.
Dahil sa taglay na ganda ng mga bulaklak at dahon ng mga halamang ornamental, ito ay kalimitang itinatanim at pinalalago sa
mga hardin o kaya naman sa mga tanawin (landscapes) upang magbigay ng dagdag ganda sa isang lugar o tanawin. May mga
halamang ornamental na namumulaklak, hindi namumulaklak, baging, palumpong, at medisinal.

Mga Uri ng Halamang Ornamental

3
Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay malaking tulong na puwedeng pagkakitaan ng pamilya. Patuloy ang interes ng
mga tao sa mga halamang ornamental dahil nakakapagpaganda ito ng tanawin sa iba’t ibang lugar tulad ng loob at labas ng
bahay, parke, restaurant, hotel, resort, atbp. sa pamamagitan ng paglalandscape tulad ng mga ipinapakitang larawan sa ibaba.

Sa paghahalaman ay may mga pamamaraan na kailangan nating isaalang-alang gaya ng pagiging


matiyaga sa:
• pagdidilig araw-araw
• paglalagay ng abono
• paglagay sa lugar na nasisikatan ng araw
• pagbubungkal para madaling masipsip ang tubig at makahinga ang mga ugat,
• paglilinis o pagtanggal ng mga damo upang di maagawan ng sustansya ng lupa
• paglayo o pag-iwas sa mga mapaminsalang hayop.

Gawain sa Pagkatuto 1: Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang pangalan ng halamang ornamental na makikita sa bawat
larawan.

Gawain sa Pagkatuto 2: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang masayang mukha 
kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha  kung mali.
______ 1. Maaring pagkakakitaan ang mga halamang ornametal.
______ 2. Ang paghahalaman ay hindi nababagay sa siyudad o urban.
______ 3. Mahirap gawing palamuti ang halamang ornamental.
______ 4. Maaaring makita ang halamang ornamental kahit saan lugar.
______ 5. Ang halamang ornamental ay hindi puwede sa loob ng bahay.

Gawain sa Pagkatuto 3: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay ang mga halaman na pinatutubo at ginagamit bilang palamuti o pampapaganda ng lugar. Ang
mga ito ay nagtataglay ng magagandang bulaklak o dahon.
a. halamang ornamental c. damo
b. gulay d.puno
2. Ito ay uri ng halamang ornamental na may makukulay na bulaklak.
a. halamang baging c. halamang namumulaklak
b. halamang medisinal d. halamang di-namumulaklak
3. Ito ay uri ng halamang ornamental na ginagamit na panggamot sa may sakit o karamdaman.
a. halamang baging c. halamang namumulaklak
b. halamang medisinal d. halamang di-namumulaklak
4. Ito ay uri ng halamang ornamental na gumagapang.
a. halamang baging c. halamang palumpong
b. halamang medisinal d. halamang namumulaklak
5. Sa paanong pamamaraan mo masisiguro na magiging malusog at mataba ang iyong halamang
ornamental?
I. Pagdidilig araw-araw
II. Paglalagay ng abono
III. Pag-iwas sa pagbubungkal upang hindi magalaw ang halaman
IV. Paglilinis o pagtatanggal ng mga damo sa paligid ng halaman
a. I at II b. II at III c. I, II, IV d. Lahat ng nabanggit

WEEK 7-8: (IA) KAGAMITAN SA PAGSUSUKAT


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang : (a) nakakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat; (b) makapagtatalakay ng mga kaalaman
at kasanayan sa pagsusukat

4
Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang tamang sukat ng isang bagay. Mahalaga na matutunan natin ang
tiyak na laki, haba at kapal ng isang disenyo o proyekto lalo na sa paggawa ng mga bagay na nais natin. Halimbawa na ang
pagbuo ng plano ng bahay, gusali, pamilihan, pagguhit ng larawan, paggawa ng mga muwebles tulad ng mesa, upuan, kabinet,
paggawa ng bintana, pinto at marami pang iba.
May iba’t ibang kasangkapang panukat ayon sa kapal, lapad, at haba ng isang bagay. Mayroon ding ginagamit sa mga
guhit at linya, mga gamit panukat sa arko o digri ng isang guhit.
Halina’t basahin natin ang isang maikling kwento ni Kai-kai, ang batang karpintero!
“Tay! Tay! hali kayo rito, napakaganda ng nagawang drowing ni Papay Jef, siguro po ay maganda din ang magiging
itsura nito pag ito’y nagawa na gamit ang kahoy” , buong pagmamalaking balitani Kai-kai. “Tama ka Kai-kai, lalo na kung ito’y
may tamang sukat gamit ang mga kagamitan sa pagsususkat”, manghang banggit ng tatay habang tinitignan ang drowing ni
Papay Jef.
“Wow Tay!, ito po ba yung mga ginagamit ninyo sa pagsukat sa paggawa ng lamesa nung nakaraang linggo?”,patanong
ni Kai-kai, “Oo anak” sagot ng kaniyang tatay.
“Gusto mo bang malaman kung anu-ano ito?” sambit ng kanyang tatay habang may kinukuhang tsart sa likod ng
pintuan.
“Narito ang ilang kagamitan sa pagsusukat at ang gamit nito”.
Mga Kagamitan sa Pagsusukat at Gamit Nito
Protraktor-Ito ay ginagamit sa pagkuha ng digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.
Ruler at Triangle-Ang ruler at triangle naman ay ginagamit sa pagsusukat ng mga linya sa pagdodrowing
at iba pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.
Zigzag Rule-kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na piye, at panukat ng mahabang bagay. Halimbawa,
pagsusukat ng haba at lapad ng bintana, pintuan at iba pa.
Pull-Push Rule- Ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na dalawampu’t limang (25) pulgada hanggang isang daang
(100) talampakan. Ang kasangkapang ito ay may iskala sa magkabilang tabi. Ang isa ay nasa pulgada at ang isa ay nasa metro.
Iskuwalang Asero-Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay. Halimbawa, gilid ng
kahoy, lapad ng tela, lapad ng mesa, at iba pa
Tape Measure-Ito ay isang kasangkapan sa pagsusukat na ligtas at madaling gamitin kahit ng mga
bata, magaan at maaaring dalhin kahit saan. Maaari itong gamitin sa mga pakurbang bahagi dahil ito
ay nababaluktot. Maaari nitong sukatin ang laki at ang distansya sa pagitan ng dalawang bagay.
T-Square-Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mahabang linya kapagnagdodrowing. Ginagamit din ito
na gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowingna gagawin.
Meter Stick-Ito ay kasangkapang ginagamit sa pagsukat ng mga bagay na mas malaki kaysa sa piraso ng papel.
“Napakadami po palang kagamitan sa pagsususkat tay, gusto ko pong makilala at magamit ang
bawat isa”, tuwang-tuwang sabi ni Kai-kai

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang mga sumusunod na kagamitan na maaring gamiting panukat ni Kai-kai ayon tsart
na ipinakita ng kanyang tatay sa kwento. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
___________1. tuwid na guhit o linya sa papel
___________2. pabilog na hugis ng isang bagay
___________3. taas ng pinto
___________4. kapantay ng ibabaw na bahagi ng mesa
___________5. laki at distansiya sa pagitan ng dalawang bagay
___________6. pagsukat ng mga bagay na mas malaki kaysa sa piraso ng papel
___________7. mahabang linya sa pagdodrowing
___________8. pagsusukat ng maliliit na bagay

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.
a. Pull-push rule c. Protraktor
b. Ruler at triangle d. Zigzag rule
2. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot sa 6 na piye at panukat ng mahahabang bagay tulad ng haba at
lapad ng bintana.
a. Meter stick c. Pull-push rule
b. zigzag rule d. T-square
3. Aling kagamitan ang ginagamit na panukat ng tela?
a. medida c. T-square
b. triangle d. Ruler
4. Ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa drowing at iba pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.
a. T-square c. Medida
b. Triangle d. Protractor
5. Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowing ngagawin.
a. iskwala c. T-square
b. meter stick d. Zigzag rule
6. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sA iginuguhit na
mga linya.
a. meter stick c. medida
b. protractor d. Pull-push ruler
7. Ginagamit sa pagsukat ng mga bagay na mas malaki kaysa sa piraso ng papel at kahoy.

5
a. Meter stick c. Pull-push rule
b. Triangle d. Iskwala

Magsulat ka sa iyong sagutang papel ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang sumusunod na prompt
Nauunawaan ko na ___________________.
Nabatid ko na ________________________.
Kailangan ko pang matuto nang higit pa tungkol sa __________________________.

Kung tapos na ay lagyan ng tsek:

Week 1 Week 5
Week 2 Week 6
Week 3 Week 7
Week 4 Week 8

Lagda at pirma ng magulang, petsa

You might also like