You are on page 1of 13

UNANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5

IKATLONG KWARTER (LINGGO 1-2)


SY 2019-2020
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

KAALAMAN PAG-UNAWA APLIKASYON PAGSUSURI SINTESIS/ EBALWASYON KABUUAN


LAYUNIN/KASANAYAN
PAGLALAPAT

19. Nakapagpapakita ng mga kanais-


nais na kaugaliang Pilipino
19.1 tumutulong/lumalahok sa
bayanihan at palusong
19.2 magiliw na pagtanggap ng
mga panauhin
ESP5PPP-IIIa-23
20. Nakapagpapamalas ng
pagkamalikhain sa pagbuo ng mga
sayaw, awit at sining gamit ang
anumang multimedia o
teknolohiya. ESP5PPP-IIIb-24
21. Napananatili ang pagkamabuting
mamamayang Pilipino sa
pamamagitan ng pakikilahok
ES5PPP-IIIb-25

Prepared by:

ROSARIO D. CARANZO
Teacher III Noted by:

ELMAR D. MAGALANG
Principal II
UNANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKATLONG MARKAHAN

A. Isulat ang tama o mali.


1. Tumutulong lamang kung may kapalit na kabayaran.
2. Tumulong nang kusang-loob.
3. Isapuso lagi ang pakikipagtulungan sa kapwa
4. May kagantihang naghihintay para sa taong matulungin.’
5. Tumulong lang minsan at huwag nang sundan.

B. Lagyan ng tsek √ kung ang pangungusap ay naglalarawan ng magiliw na pagtanggap ng


panauhin at ekis × kung hindi.
6. Ipaghanda ng meryenda ang mga panauhin sa inyong tahanan.
7. Paupuin at asikasuhin kapag may panauhin sa tahanan.
8. Pagsarhan ng pinto ang mga panauhin.
9. Kapag may dumating na panauhin ang iyong kapatid, hindi mo na ito kailangang asikasuhin.
10. Pakitinguhan nang maayos ang mga panauhin sa ating paaralan.

C. Basahin ang mga sitwasyon at piliin ang titik na nagpapakita ng pagkamalikhain na paglinang
sa talento.
11. Nagpatulong sa iyo sa paggawa ng saranggola ang iyong nakababatang kapatid. Gusto mo
siyang tulungan ngunit nanghihinayang ka sa perang ipambibili mo ng papel de hapon. Ang
pera ay pwede nang pambaon ninyong dalawa sa pagpasok sa paaralan. May nakita kang
mga lumang dyaryo sa inyong bakuran. Ano ang gagawin mo?
a. Yayain na lamang ang kapatid na maglaro ng lumang dyaryo
b. Ipagbebenta ang lumang dyaryo upang magkapera.
c. Gagamitin ang lumang dyaryo upang makatipid
d. Hindi na lamang tutulungan ang kapatid
12. Napansin mo na hindi gaanong mataba ang napunta sa iyong lupang pagtataniman ng gulay
para sa iyong proyekto sa paaralan tungkol sa paghahardin. Kinabukasan pagpasok mo sa
paaralan ay napansin mong sa isang gilid ng bakuran ng paaralan ay may tumpok ng mga
nabubulok na dahon na naipon. Paano mo maipapakita ang pagkamalikhain sa paglutas sa
iyong suliranin sa paghahardin?
a. Kukunin ang tumpok na bubulok na dahon at ihahalo sa lupang pagtataniman upang
tumaba ito.
b. Hahayaan na lamang upang hindi tumubo ang pananim
c. Makikipagpalitan ng lugar na pagtataniman sa kaklase.
d. Bibilhan ng abono upang gumanda ang pananim
13. Pambato ka ng iyong paaralan sa tuwing may paligsahan sa pag-awit. Ngunit kapag nasa labas
ka ng paaralan, hindi mo na nagagamit ang husay mo sa pagkanta. Minsang nagsimba ka sa
kapilya sa inyong lugar, napansin mo na walang koro na kumakanta sa misa. Paano mo
maibabahagi ang iyong talent sa pag-awit?
a. Await ka ng mahina lamang sa iyong kinatatayuan
b. Mananahimik ka na lamang sa isang tabi dahil nahihiya ka.
c. Wala kang gagawin dahil hindi naman nila alam ang talento mo
d. Pupunta ka sa upuan ng koro at await upang maibahagi ang angking talento
14. Maraming natirang piraso ng kahoy sa ginawang mesa ng iyong ama. Habang tumutulong ka
sa pagliligpit, bigla mong naisip na malapit na ang kaarawan ng iyong bunsong kapatid at ito
ay mahilig maglaro ng laruang kotse. Naisip mo siyang bigyan ng regalo. Ano ang gagawin
mo?
a. Ibabalot ang mga kahoy at ireregalo sa kapatid
b. Ibibigay sa kapatid ang mga piraso ng kahoy bilang regalo
c. Magpapatulong ka sa bunsong kapatid nag gawing laruang kotse ang mga kahoy.
d. Igagawa ng larauang kotse ang kapatid na yari sa kahoy bilang regalo sa kapatid
15. Nagkaroon ng malakas na bagyo sa inyong bayan ilang araw pa lamang ang nakakalipas.
Pinasok ng baha ang loob ng inyong paaralan kasama na ang silid-aklatan. Nang bumuti na
ang lagay ng panahon, natuklasan ng librarian na maraming aklat ang inabot ng baha. Dahil
mag-isa lang sa silid-aklatan ang librarian, naisipan ninyong magkakamag-aral na tumulong
para muling magamit ang mga aklat. Paano ninyo ito maisasagawa ng hindi maaabala ang
inyong klase?
a. Magpapaalam sa guro na tutulungan ang librarian
b. Hindi na lamang tutulungan ang librarian upang di maabala ang klase
c. Pupunta sa silid aklatan tuwing bakanteng oras upang matulungan ang librarian
d. Sabihin sa guro na huwag na lamang magturo upang matulungan ang librarian.

D. Lagyan ng masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na


mukha kung hindi.
16. Laging makikiisa sa programa ng pamahalaan.
17. Umiwas sa mga gawaing pambayan.
18. Makibahagi sa pagpapaunlad ng inyong barangay.
19. Hindi dapat maniwala na ang pagkakaisa ay pag-unlad.
20. Handang tumulong sa mga kapwa mamamayan.
IKALAWANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKATLONG KWARTER (LINGGO 3-4)
SY 2019-2020
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

KAALAMAN PAG-UNAWA APLIKASYON PAGSUSURI SINTESIS/ EBALWASYON KABUUAN


LAYUNIN/KASANAYAN
PAGLALAPAT

22. Nakasusunod ng may masusi at


matalinong pagpapasya para sa
kaligtasan
HAL.
22.1 paalala para sa mga panoorin
at babasahin pagsunod sa
mga alituntunin tungkol sa
pag-iingat sa sunog at paalala
kung may kalamidad
ESP5PPP-IIIc-26
23. Nakapagpapakita ng
magagandang halimbawa ng
pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran
23.1 pagiging mapanagutan
23.2 pagmamalasakit sa
kapaligiran sa pamamagitan
ng pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran
ESP5PPP-IIId-27

Prepared by:

ROSARIO D. CARANZO
Teacher III Noted by:

ELMAR D. MAGALANG
Principal II
IKALAWANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKATLONG KWARTER

A. Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon? Piliin ang titik ng tamang sagot sa
pamimilian.
1. Naiwan kang mag-isa sa bahay ng biglang lumindol.
2. Nakita mong pinaglalaruan ng nakababata mong kapatid ang posporo.
3. Nakita mong nagbabasa ng malalaswang babasahin ang iyong kaklase habang hinihintay ang
umpisa ng inyong klase.
4. Hindi nakikinig ang iyong kaklase habang ipinaliliwanag ng inyong guro ang mga alituntunin
para sa kaligtasan pag may kalamidad.
5. Sa hindi sinasadyang pagkakataon nakita mo ang iyong nakatatandang kapatid na nonood ng
malalaswang panoorin sa youtube.

a. Isusumbong sa nanay ang nakitang ginagawa ng nakatatandang kapatid upang mapagsabihan na


hindi ito nakakabuti.
b. Pagsabihan ang kaklase na mali ang kanyang ginagawa at maari siyang mapahamak sa tinataglay
niyang ugali
c. Isumbong sa guro ang ginagawa ng kaklase upang mapagsabihan na mali ang kanyang ginagawa
d. Sawayin at pagsabihan ang kapatid na delikado ang kanyang ginagawa, maari itong makasunog
ng kanila ng bahay
e. Huwag magpanic at isagawa ang duck, cover and hold.

B. Isulat ang T kung tama at M kung mali.

_____6. Nakatutulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa at panonod ng mga


malalaswang gawain.
_____7. Isumbong sa mga awtoridad ang mga nagtitinda ng mga malalaswang panoorin
at babasahin.
_____8. Isipin lagi ang magiging epekto ng gagawing pagpapasya.
_____9. Hindi dapat lumalahok sa mga kampanya laban sa mga malalaswang panoorin
at babasahin.
_____10. Makisiksik ka sa mga mag-aaral na nagsisiksikan palabas ng silid kapag may
sunog sa paaralan.

C. Ano ang gagawin mo sa mga nakasaad na sitwasyon?


11. nakita mong nagsusulat sa pader ng paaralan ang iyong kamag-aral.
12. nag-iingay ang mga kaibigan mo sa bahay-sambahan.
13. nadaanan mo ang isang pangkat ng kabataan sa inyong lugar na abalang-abala sa pagkakabit
ng banderitas para sa nalalapit na pista ng inyong patron.
14. naghahanap ng boluntaryo ang guro mo para sa outreach activity sa inyong barangay.
15. humihingi ng donasyon ang inyong simbahan para sa gagawing renobasyon nito.
IKATLONG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKATLONG KWARTER (LINGGO 5-6)
SY 2019-2020
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

KAALAMAN PAG-UNAWA APLIKASYON PAGSUSURI SINTESIS/ EBALWASYON KABUUAN


LAYUNIN/KASANAYAN
PAGLALAPAT

24. Napapatunayan na di-nakukuha


sa kasakiman ang
pangangailangan
24.1 pagiging vigilant sa mga
illegal na gawaing nakasisira sa
kapaligiran ESP5PPP-IIIe-28
25. Nakikiisa nang may kasiyahan sa
mga programa ng pamahalaan na
may kaugnayan sa pagpapanatili
ng kapayapaan
25.1 paggalang sa karapatang
pantao
25.2 paggalang sa opinyon ng iba
25.3 paggalang sa ideya ng iba
ESP5PPP-IIIf-29

Prepared by:

ROSARIO D. CARANZO
Teacher III Noted by:

ELMAR D. MAGALANG
Principal II
IKATLONG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKATLONG KWARTER

A. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Pumuli ng pinakamahusay na sagot na nagpapakita


sa mabuting pangangalaga.
1. Ilan sa inyong mga kapitbahay ang madalas na maglagi sa harapan ng inyong tindahan.
Nagugustuhan mo iyon dahil bumibili sila sa tindahan mo. Gayunpaman, napansin mo na
hindi nila inilalagay sa basurahan ang kanilang kalat. Naisip mong maglagay ng poster. Alin
sa sumusunod ang gagamitin mong paalala?
a. Bulag k aba? Hindi mob a nakikita ang basurahan?
b. Huwag magkalat. Magmumulta ka kapag nahuli ka.
c. Pakitapon ang inyong mga kalat sa basurahan.
d. Sa tingin mo ba okey ditto ang pagkakalat?
2. Miyembro ka ng Boy/Girl Scouts sa inyong paaralan. Nag iisip ka ng isang proyektong
makabubuti sa paaralan. Malawak ang palaruan at ang likurang bahagi ng gusali ng paaralan.
Walang gaanong mga halaman sa inyong paaralan. Alin sa mga sumusunod ang
imumungkahi mo sa pulong ninyong mga scout?
a. Himukin ang lahat ng mag-aaral na maglaro sa bakuran ng paaralan dahil malawak ito
b. Hayaan ang opisyal ng paaralan na magpasya tungkol ditto
c. Humingi ng pahintulot sa mga opisyal ng paaralan para magtanim ng mga puno sa
paligid
d. Gumawa ng mga islogan na may tema sa pagtatanim ng puno
3. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng mga
gulay sa kanilang likod-bahay. Bilang miyembro ng isang organisasyong pangkabataan sa
inyong pamayanan, paano ka maktutulong sa proyektong ito?
a. Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gusting gawin
b. Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para sa pinakamaraming bilang ng
maitatanim na mga halaman ng gulay sa bawat barangay
c. Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto
d. Ikaw mismo ang magsisimulang magtanim
4. Sa daan pauwi, napansin mo na marumi at maraming kalat ang sapa na malapit sa iyong
paaralan. Ano ang gagawin mo?
a. Magkunwaring wala kang nakita
b. Hihingi ng mungkahi sa mga magulang kung ano ang maaaring maitulong sa
pagpapanumbalik ng ganda ng sapa
c. Magkikibit balikat na lamang dahil wala ka naming magagawa
d. Magsimula ng isang kampanya sa paglilinis kasama ang iyong pamilya
5. Nakasakay ka sad yip papuntang paaralan. Napansin mon a nagbubuga ito ng makapal at
maitim na usok. Ano ang gagawin mo?
a. Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw araw.
b. Sabihan mon a lang ang tatay mon a ihatid at sunduin ka sa paaralan
c. Sabihan ang drayber ng dyip na nakauubo ang usok ng kanilang dyip
d. Magsumbong ka sa makikitang pulis
6. Nagbabakasyon ka sa probinsya. Isang araw, narinig mo ang lolo mon a inuutusan ang isa
niyang tauhan na magkaingin sa kaniyang bukid o pagtabas at pagsunog ng mataas na damo.
Ipinagbabawal ito dahil may masamang epekto sa tao at sa kapaligiran. Ano ang gagawin
mo?
a. Ipaliliwanag mo sa lolo mon a ipinagbabawal ito at sasabihin din ang masamang epekto
nito sa tao at sa kapaligiran
b. Magagalit ka sa lolo mo
c. Isusumbong mo ang lolo mo sa mga awtoridad
d. Pagsasabihan mo ang mga manggagawa sa bukid na itigil ito
7. Maraming mga bote at bag na plastic ang nanay mo. Ano ang gagawin mo?
a. Susunugin mong lahat
b. Sasabihin mo sa kanya na ipamigay na lang ang mga iyon.
c. Babalewalain mo ang tungkol sa bagay na iyon
d. Tatanungin mo ang nanay kung para saan ang mga iyon
8. Natutuhan mo sa klase ang halaga ng paghihiwalay ng mga basura. Ngunit hindi ito
naisasagawa sa bahay ninyo. Ano ang iyong gagawin?
a. Turuan ang mga kasama sa bahay na maghiwalay ng basura
b. Hayaan lamang sila sa kanilang Gawain
c. Hintayin ang iyong mga magulang na sila ang magturo sa mga kapatid mo.
d. Maglaan ng mga basurahan para sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura
9. May maliit na bakanteng lote sa inyong bakuran. Gusto mo sanang magtanim ng ilang
halaman dito. Ayaw kang payagan ng tatay mo dahil hindi mon a naman daw maalagaan ang
mga ito. Ano ang gagawin mo?
a. Hihilingin mong payagan kang magtanim para Makita niyang may pananagutan ka sap
ag-aalaga ng halaman.
b. Hahanap ka ng ibang bakanteng lote na mapagtataniman
c. Hindi ka na magtatanim dahil iyon ang sinabi ng iyong tatay
d. Iba na lang ang gagawin mo kahit labag sa kalooban mo
10. Habang naglalakad pauwi, nadaanan mo ang iyong kaibigan na akmang itatapon sa ilog
malapit sa inyo ang kanilang basura. Ano ang iyong gagawin?
a. Hayaan lang siya dahil Gawain mo din iyon
b. Pigilan at ituro ang tamang tapunan ng basura
c. Hindi papansinin ang kanyang ginagawa
d. Tutulungan ang iyong kaibigan sa kanyang ginagawa.
B. Tukuyin kung ang mga sumusunod na kaisapan na nasa loob ng kahon ay nagpapakita ng
pakikiisa sa programa ng pamahalaan, paggalang sa karapatang pantao at paggalang sa ideya o
opinyon ng iba. Ilagay ito sa tamang kolum.

Mamili ng gusto nating iboto Magkaroon ng sapat na edukasyon

Pagdadampot ng mga kalat sa parke Pagtanggap ng mungkahi ng iba

Mamuhay ng matiwasay at tahimk Pagsunod sa desisyon ng nakararami

Pagsali sa Clean and Green Program Magsabi ng ating nararamdaman

Pakikinig sa saloobin ng iba Pagtatanim ng mga halaman

Pakikiisa sa Programa Paggalang sa Karapatan Paggalang sa Ideya o Opinyon


ng Iba
ng Pamahalaan Pantao
IKAAPAT SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKATLONG KWARTER (LINGGO 7-8)
SY 2019-2020
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

KAALAMAN PAG-UNAWA APLIKASYON PAGSUSURI SINTESIS/ EBALWASYON KABUUAN


LAYUNIN/KASANAYAN
PAGLALAPAT

26. Nakalalahok sa pangangampanya


sa pagpapatupad ng mga batas
para sa kabutihan ng lahat
26.1 pangkalinisan
26.2 pangkaligtasan
26.3 pangkalusugan
26.4 pangkapayapaan
26.5 pangkalikasan
ESP5PPP-IIIg-30
27. Nakagagawa ng isang proyekto
gamit ang iba’t-ibang multimedia
at technology tools sa
pagpapatupad ng mga batas sa
kalinisan, kaligtasan, kalusugan at
kapayapaan ESP5PPP-IIIg-h-31

Prepared by:

ROSARIO D. CARANZO
Teacher III Noted by:

ELMAR D. MAGALANG
Principal II
IKAAPAT SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKATLONG KWARTER

A. Sa sagutang papel, lagyan ng kung ang pangungusap ay pangangampanya tungkol sa kalinisan


at kung hindi.

_____1. Lumahok sa mga palatuntunan sa kalinisan.


_____2. Gumawa ng poster tungkol sa mabuting epekto ng kalinisan.
_____3. Huwag pansinin ang ordinansa o batas tungkol sa kalinisan.
_____4. Sundin ang batas sa pag-iwaso pagpigil ng polusyon.
_____5. Panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran.

B. Lagyan ng tsek /kung ang pagkilos ay nagpapakita ng paglahok sa pangangampanya para sa


kalikasan at ekis x kung hindi.

_______6. Pagpigil ng pagsisiga at pagsusunog ng basura.


_______7. Pagsusumbong sa mga sasakyan at pabrikang nagbubuga at naglalabas ng aitim na usok.
_______8. Maayos na pagtatapos at pangongolekta ng basura.
_______ 9. Pagtatanim ng mga bata.
_______10. Paglilinis at pangangalaga sa ilog.

C. Sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap,


sagutin ang sunod na tanong. “Kung ikaw ay gagawa ng batas, anong batas ang iyong uunahing
gawin at paano ito ipatutupad.”.
IKALIMA SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKATLONG KWARTER (LINGGO 9-10)
SY 2019-2020
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

KAALAMAN PAG-UNAWA APLIKASYON PAGSUSURI SINTESIS/ EBALWASYON KABUUAN


LAYUNIN/KASANAYAN
PAGLALAPAT

28. Nakikiisa nang buong tapat sa mga


gawaing nakatutulong sa bansa at
daigdig ESP5PPP-IIIh-32
29. Nakalilikha ng isang proyekto na
nagpapakita ng pagtulong sa
bansa at daigdig gamit ang iba’t-
ibang technology tools
ESP5PPP-IIIi-33

Prepared by:

ROSARIO D. CARANZO
Teacher III Noted by:

ELMAR D. MAGALANG
Principal II
IKALIMA SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5
IKATLONG KWARTER

A. Isulat ang D kung dapat at DD kung di-dapat ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Dapat na patawan ng karampatang parusa ang mga lumalabag sa batas.


2. Ang batas para sa mahihirap at mayayaman ay pantay.
3. Ginawa ang mga batas upang madisiplina ang mga tao.
4. Ang pagsunod sa batas ay pagpapakita ng pagmamahal sa bansa.
5. Malalakas ang loob ng mga taong lumalabag sa batas.
6. Pinipili nga mamamayan ang batas na dapat sundin mula sa pamahalaan.
B. PANGKATANG PAGSUSULIT
Gamit ang iba’y-ibang multimedia at technology tools. Gagawa ang bawat pangkat ng kanilang
presentasyon tungkol sa pagpapatupad ng mga batas ukol sa sumusunod.
Pangkat I- BATAS PANGKALIKASAN (powerpoint)
Pangkat II- BATAS PANGKALIGTASAN (brochure tungkol sa mga batas na dapat sundin kung may
kalamidad)
Pangkat III- BATAS PANGKALUSUGAN
(Microsoft word, gumawa ng ulat tungkol sa pag-iwas sa dengue)
Pangkat IV- BATAS PANGKAPAYAPAAN (gamit ang paint, gumawa ng isang poster para sa
kapayapaan at kaayusan ng bansa)
RUBRIK SA PAGMAMARKA

KRAYTIRYA NAPAKAHUSAY (4) MAHUSAY HINDI KAILANGANG MARKA


(3) GAANONG MAGSANAY (1)
MAHUSAY (2)
Ang pangkat ay gumamit ng
multimedia at technology tools sa
paglalahad ng kanilang ginawa.
Ipinakita sa pangkat ang alinman
sa proyekto para sa bansa at sa
buong daigdig tungkol sa mga
batas sa kalikasan, kaligtasan,
kalusugan at kapayapaan.
Ipinakita sa pangkat ang
pagkakaisa at pagtutulungan sa
paggawa ng proyekto.
KABUUANG MARKA

You might also like