You are on page 1of 6

1/5/2020 Kabanata 6: Si Noe

KABANATA 6

Si Noe
Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Maraming taon ang lumipas. Karamihan sa mga tao sa mundo ay masasama. Subalit si Noe at ang
kanyang tatlong anak na lalaki ay mabubuti. Sinunod nila ang mga kautusan ng Diyos. Taglay ni
Noe ang pagkasaserdote.

Genesis 6:5, 9–10; Moises 8:13, 19, 27

Labis na nalungkot ang Diyos dahil sa masasama ang mga tao.

Genesis 6:6

https://www.churchofjesuschrist.org/manual/old-testament-stories/chapter-6-noah?lang=tgl 1/6
1/5/2020 Kabanata 6: Si Noe

Sinabi ng Diyos kay Noe na sabihin sa mga taong magsisi. Siya ay magpapadala ng baha sa
mundo.

Moises 8:19; Genesis 6:17

Sinabi ni Noe sa mga taong magsisi. Sinabi niya sa kanilang maniwala kay Jesucristo. Sinabi niya sa
kanilang magpabinyag. Pagkatapos ay tutulungan sila ng Banal na Espiritu. Ang masasamang tao
ay hindi nakinig kay Noe. Hindi sila nagsisi. Tinangka nilang patayin si Noe.

Moises 8:20, 23–24, 26

https://www.churchofjesuschrist.org/manual/old-testament-stories/chapter-6-noah?lang=tgl 2/6
1/5/2020 Kabanata 6: Si Noe

Sinabi ng Diyos na ang lahat ng masasamang tao sa mundo ay mamamatay sa baha. Karamihan sa
mga hayop ay mamamatay. Subalit si Noe at ang kanyang mag-anak ay hindi mamamatay.

Genesis 6:17–21

Sinabi ng Diyos kay Noe na gumawa ng isang malaking sasakyang-dagat. Ito ay tinawag na arka.
Sinunod ni Noe at ng kanyang mga anak na lalaki ang Diyos. Ginawa nila ang arka. Ang arka ay
may maraming silid. Ito ay may bintana at pintuan sa tabi.

Genesis 6:14–16, 22

https://www.churchofjesuschrist.org/manual/old-testament-stories/chapter-6-noah?lang=tgl 3/6
1/5/2020 Kabanata 6: Si Noe

Naglagay ng pagkain si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki sa arka. Lumapit kay Noe ang
dalawa sa bawat uri ng hayop. Sinabi ng Diyos kay Noe na ipasok ang mga ito sa arka..

Genesis 6:21–22; 7:8–9

Si Noe at ang kanyang mag-anak ay pumasok sa arka. Ang ulan ay nagsimulang bumagsak.
Umulan sa loob ng 40 araw at 40 gabi. Umapaw ang tubig sa mundo. Ang masasamang tao ay
namatay sa baha.

Genesis 7:12–23

https://www.churchofjesuschrist.org/manual/old-testament-stories/chapter-6-noah?lang=tgl 4/6
1/5/2020 Kabanata 6: Si Noe

Ang mag-anak ni Noe ay ligtas sa arka. Pinagpala sila ng Diyos.

Genesis 7:23; 8:1

Sa wakas ay tumila ang ulan. Matagal na panahong nanatili ang tubig sa mundo. Pagkatapos ay
humupa ang tubig. Ang arka ay napadpad sa mataas na bundok. Ang lupa ay muling naging tuyo.

Genesis 8:2–5, 14

https://www.churchofjesuschrist.org/manual/old-testament-stories/chapter-6-noah?lang=tgl 5/6
1/5/2020 Kabanata 6: Si Noe

Inilabas ni Noe ang kanyang mag-anak at mga hayop sa arka.

Genesis 8:18–19

Pinasalamatan ni Noe ang Diyos sa pagliligtas ng kanilang buhay. Gumawa siya ng isang dambana.
Nagsunog siya ng mga alay. Ipinangako ng Diyos kay Noe na hindi na siya muling magpapadala ng
baha na aapaw sa mundo. Naglagay ang Diyos ng bahaghari sa langit. Ang bahaghari ay
tumutulong sa mga taong maalaala ang pangako ng Diyos kay Noe.

Genesis 8:20–22; 9:8–17

https://www.churchofjesuschrist.org/manual/old-testament-stories/chapter-6-noah?lang=tgl 6/6

You might also like