You are on page 1of 15

WINNING STRATEGY

TABLE OF CONTENTS

1. THE PRESENT GLORY

2. KEY PRINCIPLE OF WINNING

3. A FIRM FOUNDATION

4. EFFECTIVE EVANGELISM

5. THE ANNOINTING TO WIN

6. COMPASSION

7. GENEROSITY

8. FAITH

9. THE CELL VISION

10. CELL STRUCTURE AND DEVELOPMENT


Destiny Class2-Book 3
PANIMULA

Gaya ng mga mata nating pisikal, nakikita din ng ating mga espiritwal na mata ang mga bagay sa
ating paligid. Kaya naman nangangailangan din ang mga ito ng pangangalaga, dahil ang mga
matang espiritwal ay lubhang mahalaga at ang paningin ay apektado kapag nakasagap ng sakit ang
mga ito. Nakakalungkot na marami ang hindi makakakita ng Buhay na Walang Hanggan o kaya ay
namamali ng landas na tinatahak dahil sa maling paningin. Ngunit sa kabilang banda, ang sinumang
may malusog na matang espiritwal, ay pagpapahayagan ng Diyos ng Kanyang mga pagpapala sa
mga panahong siya ay nananalangin at nag aaral sa Salita ng Diyos

Ayon sa mga pag-aaral, ang ating mga mata ay kasangkapan upang ang ating utak ay
makatanggap ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa paligid upang maunawaan
ang mga bagay tungkol sa ating buhay. Ganito rin ang nangyayari sa ating buhay espiritwal, dapat
din nating mabatid ang espiritwal na mundo upang matutunan natin ang mga bagay na nagpapabago
ng ating buhay. Ang salitang “makita” ay kasingkahulugan din ng “matutunan”, isang katiyakan na
makakamit natin ang mga bagay na nauna na nating nakita. Kapag nakamit mo ang isang pangarap,
ito ay dahil nauna mo na itong nakita.

Sa maraming pagkakataon, sa aking mga aklat at sa mga seminar ay inilalahad ko ang


kahalagahan ng pagkakaroon ng Pangitain o Vision mula sa Diyos. Dahil dito, araw araw kong
inaaral ang mga prinsipyo ng G12 at pinapaalalahanan ang aking mga alagad na gawin din ang mga
ito.

Ang layunin ko sa aklat na ito ay mapalakas kayo, at lahat ng nasa inyong ministeryo; at
mapahalagahan ninyo ang Vision mula sa kaibuturan ng inyong pagkatao, at matutunan ito ng
maayos para maibahagi naman sa iba.

Laging tatandaan na kapag ang inyong kakayahang makakita ay napanumbalik, makakamit


naman ninyo ang lahat ng inyong ninanais sa Pangalan ni Jesus.

Cesar Castellanos
Destiny Class2 - Book 3
Week 1- Lesson 1
ANG KASALUKUYANG KALWALHATIAN
9
Dahil dito, ang bagong Templo ay magiging higit na maganda kaysa doon sa nauna
(Haggai 2:9a)

BIBLE READING OF THE WEEK:


DATE BOOKS AND CHAPTERS MARK
Isaias 1,2
DAY 1-__________
I Corinto 1
Isaias 3,4
DAY 2-__________
I Corinto 2
Isaias 5,6
DAY 3-__________
I Corinto 3
Isaias 7,8
DAY 4-__________
I Corinto 4
Isaias 9,10
DAY 5-__________
I Corinto 5
Isaias 11,12
DAY 6-__________
I Corinto 6
Isaias 13,14
DAY 7-__________
I Corinto 7

PANIMULA
Ang Templo ng Diyos ay nagbigay direksyon nuon sa buhay ng mga Israelita. Gayunpaman,
nuong talikuran nila ang batas ng Diyos, tinanggap nila ang hatol ng Diyos at nawasak ang Templo.
Nagdanas ng katakot-takot na hirap ang mga Israel, kasama na dito ang “The Diaspora” – ito ay ang
pagkalat ng mga Israel na ibat’-ibang panig ng daigdig.
Hindi nagtagal, hinipo ng Diyos ang puso ng mga Israelita at hinimok na sila ay bumalik upang
itayo muli ang templo. Nuong makabalik na, nabahala sila sa kanya-kanya nilang mga suliranin at
nakalimutan nila ang pakay na pagtatayong muli ng Templo ng Diyos. Dahil dito, ang kaligtasan ng
tao ay makakamit na lamang sa pamamagitan ng Ebanghelio. Kapag ang tao ay nagiging relihiyoso,
nawawala ang kanyang espiritwal na paningin, maging ang tapang na managumpay, ang pananalig
at ang direksyon sa buhay.
Sa Haggai 1 ay pinalakas ng Diyos ang mga Israel at Kanyang sinuri ang dahilan ng kanilang
Krisis. At napatanunayan na ang ugat ng lahat ng suliranin ay simple lang; Hindi sila matapat at
committed sa Layunin na itayo ang Templo ng Diyos,
Sa pamamagitan ng mga propeta, nagbigay ang Diyos ng 3 bagay upang maibalik ang dating
Kalwalhatian ng Bayang Israel.
Hindi ako nasisiyahan sa mga ginagawa ninyo. Kaya pumunta kayo sa kagubatan at kumuha
ng mga trosong gagamitin sa muling pagtatayo ng Templo upang ako ay masiyahan at doon ay mabigyan ng
karangalan.” (Haggai 1:8)

I. PAG-AKYAT SA BUNDOK (Awit 24:3)


Isa-alang-alang ang tanong na ito,
“Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng PANGINOON? At sino ang maaaring tumungtong sa
kanyang banal na templo?4 Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi
sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.5 Pagpapalain siya at
ipapawalang-sala ng PANGINOON, ang Dios na kanyang Tagapagligtas.” (Awit 24:3-5).

Tingnan na ang pag-akyat sa Bundok ni Yahweh ay nangangahulugan ng sumusunod


-Malinis na puso
-Kabanalan ng kaluluwa- (nag-iingat ng kanyang labi na makapagsalita ng mga bagay na hindi
nakakapagpalakas, at pag-iwas sa kasamaan)

Sinabi ng Diyos kay Moses na umakyat ng Bundok. Duon ay inihayag ng Diyos ang Sampung
Utos at ang Plano ng Itatayong Tabernakulo. Pagkatapos ay mahigpit na binilinan ng Diyos si Moses
na gawin ang lahat ayon sa kanyang nakita.
Ako ay lubos na naapektuhan nang mabasa ko minsan ang naranasan ni Juan sa aklat ng
Pahayag, “10 Noon ay araw ng Panginoon, at habang nasa ilalim ako ng kapangyarihan ng Espiritu,”
(Pahayag 1:10a). Naitanong ko sa aking sarili, “ano ang ibig sabihin ni Juan na siya ay nasa Espirito?
Kung iisipin ko na nasa Espirito siya, ibig sabihin ba nuon ay nasa ibang panig o dimension siya ng
pananampalataya? “Ang mga tanong na ito ay inihayag ng Diyos sa akin at nagtulak para ako ay
manalangin. At sabi ng Panginoon, “Anak ko, nais kong ituro sa iyo ang kahulugan ng nasa Espirito.
Ang panalangin ni Juan ay hindi na katulad ng normal at nakagawiang panalangin. Ito ay isang
marubdob na pananalangin, malalim at panalangin ng pagpapasya, gaya ng panalangin ni Jacob ng
minsang makipagbuno sa anghel at sinbihaning ‘hindi kita bibitawan hanggat ako ay hindi mo
pinagpapala (Genesis 32:26b)’” Kapag tayo ay nananalangin ng ganito, parang binabasag natin ang
bubong na gawa sa salamin, nilalampasan natin ang natural, at nakakapasok tayo sa kaharian ng
Diyos. Sa ganitong paraan, nakakapanhik tayo sa Bundok ng Diyos at nakakamit natin ang
pagpapalang nakalaan sa atin. Gaya ng sinabi ng Diyos kay Josue, “ibinigay ko na sa inyo ang lahat ng
lupaing inyong mararating.” (Joshua 1:3)
Nagwagi sila sa lupa sa harap-harapang labanan. Kung si Josue at ang kanyang hukbo ay
nagwagi, natapak at nakubkob ang lupain, ito ay magiging kanila. Tayo naman sa kasalukuyan ay
nasa kaharian ng Diyos at ang ating pakikidigma ay nasa pananampalataya. Kung ating babagtasin
ang linyang espiritwal, at makakaakyat sa Bundok ng Diyos, makakamit din natin ang mga pagpapala
ng Diyos na nakalaan para sa atin. Makikita natin ang laki ng ating ministeryo, makakamit natin ang
probisyon ng Diyos sa ating mga tahanan, at makakamit natin ang mga ninanais natin sa buhay, sa
material man o espiritwal. Nais ng Diyos na hikayatin tayo na umakyat sa kanyang Bundok, ang
lampasan ang tradisyonal, ang lampasan ang nakaugalian, at iwanan ang mundo ng simpleng
kaisipan tungo sa Banal na Lugar. Akyat sa Bundok na Espiritwal, pasukin ang Presensya ng Diyos,
manalangin ng taimtim sa puso hanggang sa Makita ang pagpapala ng Diyos na inilaan para sa
iyong buhay.

2. MAGDALA NG KAHOY
Nuong dumating sa mundo ang Panginoong Jesus, Kanyang sinabi, “sa ibabaw ng batong[c] ito
ay itatayo ko ang aking iglesya ” (Mateo 16:18a), at kanyang binago ang pangalan ni Simon at ginawang
Pedro na ang kahulugan at “bato”. Hindi kalaunan ay isinulat naman ni Pedro ang ganito, “5 Tulad ng
mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa
Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya sa pamamagitan ni
Jesu-Cristo” (I Peter 2:5) Ang kahoy na tinutukoy ng Panginoon ay ang Krus ng Panginoong Jesus kung
saan Siya namatay. Nuong sabihin Niyang magdala ng kahoy, hindi niya ibig sabihin ang ibang uri ng
kahoy, kungdi ang Kanyang Krus.
Ang kahoy ng Krus ay kailangan munang maipahayag bago ito madala. Sinasabi ng
Panginoon sa iyo, “Akyat ka sa Bundok ng Panginoon nang maranasan ang kapahayagan ng Krus”.
Kilalanin si Jesus hindi sa pamamagitan ng tradisyon, or mula sa kasaysayan, kungdi mula sa sariling
karanasan. Makiisa sa Krus hanggang sa maramdaman mo mismo na parang ikaw ay napakong
kasama Niya, hanggang sa ang kamatayan ni Jesus ay maramdaman mong kamatayan mo na rin,
na ang lahat ng sumpa, pagkabihag, sakit at pagka-alipin ay lubusang mawasak sa Krus ng
Kalbaryo. Imposible sa mga hindi nakaranas ng kapahayagan ng Krus ang makapagtayo ng Bahay
ng Diyos. Bilang mga pastor, layunin namin na akayin ang simbahan sa lugar o dimensyon na kung
saan ay mararanasan ang Kapahayagan ng Krus.
Ang “The Passion of the Christ” ni Mel Gibson ay magbibigay sa atin ng paglalarawan kung
paano naghirap ang Panginoong Jesus. Kapansin-pansin na sinikap ng director na ipakita kung
gaano kasakit ang dinanas ng Tagapagligtas; mula sa walang habas na hataw ng mga sundalong
Romano, na siya namang pumunit ng mga kalamnan ng Panginoon. Ang mga kaganapan sa Krus ay
libong taon nang nasa propesiya. Ang Kristo ay magdaranas ng hirap hindi para sa sarili dahil siya ay
hindi kailanman nagkasala, kundi para sa kapakanan ng iba.
Ginawa Niya ang lahat ng ito para tayo ay mapalaya sa sumpa at pangwalang hanggang
kahatulan.
Kapag tayo ay napahayagan ng Krus ni Kristo, …
 Mabubuksan ang ating mga mata at matatanggap natin ang kamatayan ni Jesus na ating
kamatayan
 Ang sumpa, ang pagkaalipin na bumibihag sa atin ay tuluyang mawawasak
 Sinumang makaranas ng Kapahayagan ng Krus ay hindi na muling papaalipin sa diablo o
magbigay man lamang ng puwang sa nasa ng laman
 Kapag naunawaan mo ang kapangyarihan ng Krus, mabubuhay ka araw –araw sa
tagumpay. Naunawaan ni Apostol Pablo ang Krus kaya niya nasabi, “Hindi na ako ang
nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin.”(Galacia 2:20a). Araw-araw ay
dala-dala natin ang kalikasan ng Krus ng Kalbaryo; bitbit natin ang kahoy at sinasabi natin
sa Kanya, “Panginoon, bitbit ko ngayon ang aking kalikasan sa iyong harapan,
ipinagkakanulo ko ang aking sarili, at pinapasan ko ang Krus ni Kristo at sumususnod ako
sa iyo. Iwinawaksi ko ang sarili kong kagustuhan at kalooban upang tanggapin ang Iyong
Nais at kalooban.”
Kapag naransan ninuman ang kapahayagan ng Krus, matutulungan nila ang ibang tao na
makalapit at maranasan si Kristo. Gaya ng Sinabi ni Apostol Pablo “1Mga kapatid, nang ako'y pumunta
riyan, ipinahayag ko sa inyo ang hiwaga ng Diyos hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o ng
malawak na karunungan. 2Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong walang sinumang kilalanin maliban
kay Jesu-Cristo na ipinako sa krus.” (I Corinto 2:1-2)
Ang sentro ng ating mensahe ay ang Krus dapat; ito ang pinagmumulan ng atin inspirasyon.
Sinasabi ng Diyos sa iyo:” Akyat ka ng Bundok, mamatay na kasama ni Kristo, tikman ang
Kapahayagan ng Krus, ipagkanulo ang sarili, pasanin ang Krus at sundin ako araw-araw.”

3. ITAYONG MULI ANG TEMPLO


Sa mga sulat ni Pablo sa Efeso, sinabi niya na, “20Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa
pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus.” (Efeso
2:20). Ito yung mga panahong ang simbahan ay mainit para sa Panginoon. Ang mga Kristiano ay
nakahandang mamamatay para sa Ebanghelio. Ang banta na itatapon sila sa kulungan ng mag leon
para malapa ay hindi nila inaalintana, dahil sila’y tinutupok ng init ng pagmamahal sa Panginoon.
Subalit sa paglipas ng Panahon, ang mga Kristiano ay nadala ng mga sitwasyon at nahulog sa
pakikiayon sa mundo. Kaya sinabihan sila ng Panginoon na bumalik sa kanilang Unang Pag-Ibig
(Pahayag 2:4-6)
Kapag nawala ang Unang Pag-ibig, mapapanumbalik ito sa pamamagitan ng wagas na
pagsisisi. Minsan ay tinanaong ko ang mga lider ng simbahan, “natatandaan pa ba ninyo kung gaano
kayo kainit sa Panginoong nuong bago bago kayo sa pagkilala?”. Karamihan sa kanila ay may
malalim na habag sa mga wala pa sa Panginoon, todo-todo sila sa Panginoon, at sinasagupa
anuman balakid sa paglilingkod. Sila lagi ang unang unang dumarating sa mga pananalangin sa
umaga, at gagawin ang lahat ng makakaya para sa Panginoon. Subalit, sa hindi namamalayang
sitwasyon, hinayaan silang mabihag ng mga papuri ng mga tao dahil sa kanilang magagandang
ginagawa. At ito ang unti-unting nakaapekto sa kanila
Bagaman sila ay binigyan ng Diyos ng sapat na panahon para magsisi, tatlo sa kanila ang
nagmamatigas kaya kinailangan pang alisin sa simbahan. Nuong sila ay maka alis, nakaranas ang
simbahan ng matinding kalayaan dahil namulat ang lahat at natutong magpakumbaba at manumbalik
sa Diyos. Hindi lang napanumbalik ang sigla ng lahat, nagkaroon pa ng anointing para sa paghayo.

4. MANATILING TAPAT SA LAHAT NG PANAHON


Bilang mananampalataya, humaharap tayo sa mga pagsubok. Isa sa mga bahagi ng buhay ng
mga liders na pinapasok ng kalaban ay ang kanilang katapatan.
Ang Panginoong Jesus ang perpektong halimbawa ng katapatan, “6Kahit siya'y likas at tunay na
Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.7Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging
kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. (Filipos 2:6-7). Nuong ipagkatiwala ng Ama ang
responsibilidad para sa kaligtasan ng tao, hindi nagpabaya ang Panginoon. Sumunod Siya sa lahat
ng nais ng Ama, Sinabi pa niya, “43Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, subalit ayaw ninyo akong
tanggapin. Kung may ibang pumarito sa kanyang sariling pangalan, ito'y inyong tatanggapin.” (Juan 5:43) “18
Ang nagtuturo ng galing sa sarili niyang kaisipan ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang taong
naghahangad na maparangalan ang nagsugo sa kanya ay taong tapat at hindi sinungaling.” (John 7:18) Hindi
kailanman sinubukan ni Jesus ang magbigay ng sariling pahayag; bagkus lagi Siyang nakapasakop
sa Ama.
Sinuman ang maglaglag ng kanyang katapatan ay mapapansin mong nawawalan ng respeto
sa mga nanunungkulan. Wika ni Apostol Pablo, “1Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng
pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga
pamahalaang umiiral. 2Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos; at sila'y
paparusahan.” (Roma 13:1-2)
Kapag nananatili tayong tapat, itinataas ng Diyos ang libel ng ating Annointing upang
makahayo at makapangaral ng Mabutuing Balita. Kapag nananatili tayong tapat sa lahat ng oras,
nagagawa nating tulungan ang mga nangangailangan at sila na nasa pakikibaka para managumpay
sa buhay.
PANGWAKAS
Ang walang humpay na tagumpay sa Gawain ng Panginoong ay bunga ng isang pusong
nakasuko sa Panginoon
Ang ating komitment sa Panginoong ay buhay at aktibo, hindi patay o puro sa salita lamang.
Ito ay nangangahulugan na sinumang nagnanais na itayong muli ang Tahanan ng Diyos ay dapat
matiyak, na sa lahat ng oras ay nananatili sa Lilim ng Banal na Espiritu, at sila ay lumalago at
umaabante para sa mas mataas na lebel ng pananakop, at kumikilala na ang lahat ay para sa
Kalwalhatian ng DIyos
Destiny Class2: Book 3
Lesson 1: Week 1

Name ____________________________ Date_________________ Score__________________

A. Sagutin angTanong
1. Anu ano ang mga bagay na nais mong mapagtagumpayan sa buhay? Isulat ng maayos
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

B. Tama o Mali
__________1. Kung nasa iyo ang kapangyarihan ng Krus, araw-araw mong
mapagtatagumpayan ang mga suliranin ng buhay.
__________2. Makaka-akyat sa Banal na Bundok ng Diyos ang kahit na sinong nagnanais
umakyat sa lahat ng panahon at oras?
__________3. Imposible na maitayo o makatulong sa pagtatayo ng Tahanan ng Diyos ang
sinumang hindi pinahayagan ng Krus
__________4. Kailangan nating maging matapat upang tumaas ang lebel ng Anointing ng
Diyos sa atin at para makahayo at maka akay ng kaluluwa
__________ 5. Hanggat hindi tayo namamatay sa sarili nating kagustuhan at mabuhay ayon
sa Kapahayagan ng Krus, ay hindi natin mabubuhay ang Templo ng Diyos.

C. Punan ang mga Patlang upang mabuo ang talata


Ang bawat tao'y dapat ___________ sa mga pinuno ng _____________, sapagkat walang
pamahalaang hindi mula sa ____________, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang
umiiral. Kaya nga, ang _____________ sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos; at
sila'y ______________. (Roma 13:1-2 RTPV)

D. Sanaysay
Paano mo Maipapakita ang iyong Katapatan? Isulat ang iyong sagot
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Destiny Class2 - Book 3
Week 1- Lesson 2
ANG SUSI NG PANANAGUMPAY
1Gumising ka Jerusalem, magpanibagong-lakas ka! (Isaias 52:1a)

PANIMULA
Bago nagkasala ang tao, ang kapangyarihang makapagparami ay nasa kanya. Lahat ng
kanyang mahawakan ay pinagpapala at nagbubunga. Subalit dahil sa kasalanan, ang pagiging
mabunga ay naagaw mula sa kanyang kamay. Subalit dahil sa sakripisyo ng Panginoong Jesus,
ipinagkaloob muli ng Diyos Ama sa lahat ng nananalig sa Kanya, ang kapangyarihan at pagpapala na
naiwala ng tao. Itong mga Huling Araw, ang kanyang pamamaraan ay parehas pa rin, “Ang Diyos ay
humahanap ng taong wawasak sa Tradisyon, taong nagnanais na isuko ang lahat upang magkaroon
ng REVIVAL sa buong mundo”
Dapat tayong magising sa katotohanan na ang buhay natin sa kasalukuyan ay tunay na
mahirap. Kaya naman ang Iglesia ng Diyos ay kailangan nakadilat ang mata at gising upang hindi
dapat maakay ng mundo sa mga gawaing liko nito,
Wika ni Pablo, “12Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat
ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti.” (Roma 13:12). Ang gabi ay
simbolo ng gawain ng kadiliman. Gayunpaman, bago ang pagbabalik ng Panginoon, ilalabas Niya
ang lahat sa liwanag. Habang binabagtas natin ang gabi, lalalim naman sa pusikit ang gabi.
Gayunpaman, ang kadilimang bumabalot sa mundo ay hindi kayang lupigin ang liwanag na nasa atin.
Marami sa mga matatapat na lingkod ang malilinlang ng kalaban, dahil pakay nito na palabuin ang
kamalayan ng simbahan. Magpapadala siya ng mga maling katuruan at mga balakid, upang sila na
hindi handa at hindi nakatingin sa hinaharap ay magapi ng kadiliman at mapahimbing sa
pagkakatulog.
Sa Talinhaga ng Sampung Dalaga, “5Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya't inantok
at nakatulog sila sa paghihintay.” (Mateo 25:5). Lima lamang sa Sampung dalaga ang matalino at
nakapaghanda ng langis para mapanatiling nakasindi ang ilaw. Ito lamang ang nakatawid sa kanila
sa panahon ng pangangailangan
Kailangan ng Iglesia na buksan ang kanyang mata, upang maunawaan ang kasalukuyang
panahon, at humayo upang gisingin ang mga nahihimbing sa kanilang pagkakatulog. Subalit paano
magagawa ng Iglesia iyon kung siya man ay natutulog. Naniniwala ako na magpahanggang ngayon,
tinatawag tayo ng Diyos upang gisingin ang mga natutulog at ipahayag ang mensahe ng Kaligtasan
sa mga lulong sa pusikit na dilim ng kasalanan.
Huwag natin hintayin na tayo pa ang gisingin ng mga tao kagaya ng ginawa ng mga tripulante
nuong panahon ni Jonas, “6Nakita siya ng kapitan at ginising, “Ano't nagagawa mo pang matulog?
Bumangon ka't manalangin sa iyong diyos, baka sakaling kaawaan niya tayo at iligtas sa kamatayan.”(Jonas
1:6a). Kung hindi pa ginising si Jonas, baka lumubog silang lahat.
Kailangan din natin gumising bilang Iglesia at tumangis sa Diyos na bigyan tayo ng biyaya
upang mahikayat ang mga bansa ng buong mundo sa pamamagitan ng Ebanghelyo.

2. G12 ANG BASEHAN NG PAGLAGO


Salamat sa Panginoon dahil ang G12 ay nagagamit upang maunawaan ng mga pastor at mga
liders ang kasalukuyang panahon. Nahikayat sila na gumising at ilunsad ang pananakop sa mga
naliligaw gamit ang G12. Nuong tanungin ang isang pastor mula sa Lima, Peru kung ano ang
kanyang ginawa para mapalaki ang Iglesia sa mahigit 50,000 na miyembro mula lamang sa limang
libo, ang sagot niya ay ganito, “ang tangi naming ginawa ay gawin ang VISION ng buong-buo, at
wala kaming binago mula dito”

Mga Ambasador ni Kristo


Nais ng Diyos na tayo ay madamitan ng pwersa sa kung paanong isinusuot natin ang ating
mga damit. Ang pwersang ito ay ang kapangyarihang ng bawat isa na managumpay. Kinuha muna
ng Panginoon ang power na ito bago ibinigay sa atin. Naganap ito nuong magapi Niya ang
kapangyarihan ng kamatayan sa pamamagitan ng kabanalang sumasa-Kanya. Wika Niya, “Ibinigay
na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin
ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa.” (Mateo 28:18b, 19a). Tayo ay kinumisyon ng
Panginoon bilang Tagapagbalita ng Kaharian ng Langit. Nuong ang aking asawa ay naging
Ambasador ng Columbia sa Brazil, lubos kong naunawaan ang kahulugan ng ambassador. Ang
ambassador ay ang tinig ng pamahalaang kanyang pinaggalingan, at ang kinatawan ng Bansang
pinagmulan. At dahil dito, ang isang ambassador ay hindi maaring magsalita ng sa ganang kaniya
lamang, kailangan niyang maipasa ang pananaw at paniniwala ng kanilang bansang pinagmulan
Gayundin naman, isinugo tayo ng Diyos bilang mga ambsador, at ang Banal na Espiritu na
nasa atin ang nagbibigay sa atin ng legal na karapatan at kapangyarihan upang italaga ang ating
sarili para maayos maipakita si Jesus sa mundo

Maari Nating Mabago ang Sitwasyon


Ibinigay ng Diyos sa Kanyang mamamayan ang isang imbitasyon. Nais Niyang mamuhay tayo
ng malapitan sa kanya, wika Niya “Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan, siya ay
hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.” (Awit 105:4) Alam ni Haring David na ang tanging paraan
upang mabago ang sitwasyon ay sa pamamagitan ng lakas ng Panginoon. Sa Awit na ito ay binalaan
ni David na huwag magpatianod sa takbo ng mundo, bagkus humugot ng lakas mula sa Diyos.
Binuksan mismo ng Panginoong Jesus ang daan upang matamo natin ang kapangyarihan ng Banal
na Espiritu. Kailangan natin maunawaan na kapag ang Kapangyarihan ng Diyos ay suma-atin, ang
mga kahinaan natin ay napapalitan ng kalakasan ng Diyos.
Daang-daang tao na ang nagpatotoo mula sa mga taong nagpunta sa simbahan nuong mga
panahong sila ay nasa kagipitan, mga taong inaakala nila ay wala ng pag asa pa at wala ng dahilan
pa para mabuhay; mga taong nakaramdam ng kabiguan subalit nakatagpo ng pagbabago dulot ng
Ebanghelio. Ang kanilang buhay na lubusang nagbago matapos ang ENCOUNTER, dito nila
naransan ang paghipo ng Diyos sa kanilang buhay. Sila ngayon ang mga liders na sa pamamagitan
ng kapangyarihan ng Banal na Espirito ay nakapag-akay ng mga kaluluwa sa paanan ng Panginoong
Jesus.

Makikilala Natin Ang Mga Kalaban


Nuong unang paghayo ni Pablo ay nakatagpo niya ang pwersa ng demonyo na namamayani
kay-Bar-jesus, isang bulaang propeta, (Gawa 13:6). Kontrolado niya ang buong rehiyon at naging
dahilan ito na ang tainga ng mga tao ay masara sa Ebanghelo. Nuong maramdaman ito ni Pablo,
kinontrol niya si Bar-jesus sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, sinaway niya ito at binulag. Batid ni
apostol Pablo na mas mahigit ang kapangyarihang nasa kanya kaysa pwersang nasa sanlibutan.
12Sumampalataya ang gobernador nang makita ang nangyari, at humanga ito sa mga katuruan tungkol sa
Panginoon. (Gawa 13:12)
Kailangan nating maunawaan na bago mapagwagian at madala sa paanan ng Panginoon ang
mga kaluluwa, kailangan muna nating makilala ang mga espirito na namamayani sa lugar nila at sa
Pangalan ni Jesus ay wasakain ito. Sa ganitong paraan ang kalawakan at kapaligiran ay mapapalaya
at magiging madali sa mga tao na makinig sa mensaheng ating ihahatid.
Sa Awit 133, sinabi ng may akda na may kapangyarihan kapag may pagkakaisa. Umaagos
ang biyaya ng Diyos sa pagkakaisa. Umaagos ito mula sa priest (simbolo ng Punong pastor ng
simbahan) papaunta sa Balbas (sa mga liders), paagos sa damit (sa mga miyembro). Kung
paanong alam ng tao ang sukat ng kanyang damit, dapat ding malaman ng lahat ang sukat ng
Gawain o ministeryo ng Diyos. Kapag ang pangitain ay maayos na naituro at naipaliwanag, makikita
na ng mga tao kung ilang henerasyon ang maakay nila sa Panginoon. Ang mga taong ito ay silang
magbibigay ng lakas upang makapanakop kaya mas mainam na bumuo ng grupo kaysa humayo ng
nag iisa. Kailangan nating mahikayat ang bawat isa sa ating simbahan na makibahagi sa
pangangaral ng Ebanghelio at gamitin ang kapangyarihan ng paghayo. Bagaman alam ng pastor na
trabaho niya ang paghayo, subalit hindi niya ito makakaya mag isa, maari siyang kakainin ng pagod
at panlulupaypay. Ang Digmaan ay pinagwawagian sa pamamagitan ng stratehiya at hindi ng
pwersa. Kapag natutunan natin ang pagtatalaga ng mga Gawain, magiging madali na ang lahat sa
atin.

4. ANG KABAYARAN NG KALIGTASAN


3Ito ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan: “Ipinagbili kayo nang walang bayad, kaya tutubusin din
kayo nang walang bayad.” (Isaiah 52:3) Ginamit ng Diyos ang katotohanan sa Ebanghelio upang iligtas
tayo sa kasalanan at mapagkalooban ng masaganang buhay. Kailangan nating dalhin ang
Ebangheliong ito sa mga tao na ipinagbili sa kasalanan, kailangan silang tubusin ng libreng
kaligtasan.
“7 O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating upang ipahayag ang
kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita.Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: “Zion, ang
Diyos mo ay naghahari!” (Isaias 52:7)
Ang talatang ito sa Biblia ay kumikilala sa mga taong nagdadala ng Mabuting Balita, at
nagbibigay sa atin ng mensahe na may ligayang dulot ang Ebanghelio. Hindi tayo nagdadala ng
mensahe ng pagkondena o paghatol sa mga tao upang makadama sila ng konsensya at maging
mesirable, kungdi mensahe ng pag-asa sa mga nahihirapan
Alam natin na ang Ebanghelio ay may Mensahe ng Pag-asa sa puso ng bawat mananalig, at
mula dito ay bubukal ang ligaya. Dahil sa pananalig ay naibabahagi natin ang pag-asa at naituturo
ang pagsandal sa Diyos ng buong-buo
Ang mensaheng ating ipinapangaral ay mensahe ng kapayapaan, ng pagbabago ng mga
tahanan at kabuhayan, ng kalusugan at kapatawaran sa lahat ng aspeto ng buhay

PAGWAWAKAS
Kapag alam nating kilalanin ang “spiritual atmosphere” itong mga Huling Araw, pupukawin
ng Diyos ang ating mga puso, upang ang Hininga ng Buhay mula sa Banal na Espiritu ay ating
maibahagi sa iba na nasa kadiliman ng kasalanan. Natutulungan natin silang magpunyagi sa
pananampalataya, mamuhay sa prinsipyo ng G12, na siya naming magdadala ng kaayusan at
Pangitain sa simbahan.
Destiny Class2: Book 3
Week 1-Lesson 2

Name ____________________________ Date_________________ Score


A. Gawin ito
Sino sino ang mga nais mong mabahaginan ng Salita ng Diyos sa mga panahong ito? Sumulat
ng 5 katao na iyong ipapanalangin at babahaginan ng Salita ng Diyos.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B Piliin Ang Tamang Sagot


1. Saang talata sa biblia ito mababasa, “O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang
sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita.
Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: “Zion, ang Diyos mo ay naghahari!”
a) Jonas 1:6 b) Isaias 52:7 c) ICorinto2:1-2 d) Isaias 52:1
2. Ang kinatawan ng Diyos na magpapakakilala sa Kanya sa mga tao sa mundong ito
a) alagad b) pangulo c) ambasador d) lider
3. Ang Mensahe ng Mabuting Balita ay nagdudulot sa tao ng_________
a) ligaya b) konsensya c) paghato d) pagkatakot
4. Ang kapangyarihan ng Diyos ay umaagos kapag may ____________
a) pag-ibig b) pagkakaisa c) pera d) katapatan
5. Saan ito mababasa “Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan, siya ay hanapin upang
mamalagi sa kanyang harapan.”
a) Awit 105:4 a) Gawa 4:12 c) Juan 3:16 d) Roma 6:23

III Punan ang mga patlang upang mabuo ang talata


“Namamaalam na ang ____________ at malapit nang lumiwanag. __________ na natin
ang lahat ng _____________ gawain at italaga natin ang _____________ sa paggawa ng
________.”(Roma 13:12 RTPV).

IV.Sanaysay
Ayon sa isang sipi o quote, “We always pay the Price”. Kung ang ating kaligtasan ay binayaran ng
Panginoon, ano naman kaya ang pasusukli o maitutugon mo sa Kanyang sakripisyo? Isulat ang
sagot

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like