You are on page 1of 33

Ang Diyos ay Nagsimulang Gumawa

Lahat ng mabuting bagay na nasa atin ay galing sa Diyos. Ginawa niya ang
araw para magliwanag kung araw, at ang buwan at mga bituin para magliwanag
kung gabi. Ginawa din niya ang lupa para tirahan natin.

Pero hindi ito ang mga unang ginawa ng Diyos. Alam mo ba kung alin ang
una? Ginawa muna niya ang mga anghel. Hindi natin sila nakikita, kung paanong
hindi natin nakikita ang Diyos. Ginawa niya ang mga anghel para tumirang kasama
niya sa langit.

Ang unang anghel na ginawa niya ay espesyal. Tinulungan niya ang Diyos
sa paggawa ng iba pang mga bagay, pati na ang lupang ito.

Ano ang hitsura ng lupa noon? Noong una walang puwedeng mabuhay sa
lupa. Lahat ay natatakpan ng tubig. Kaya inihanda ng Diyos ang lupa para sa atin.
Ano ang ginawa niya?

Buweno, una’y pinarating ng Diyos sa lupa ang liwanag na nagmumula sa


araw. Kaya nagkaroon ng araw at gabi. Pagkatapos ay pinalitaw ng Diyos ang lupa
sa ibabaw ng tubig.

Sa umpisa ay walang laman ang lupa Wala pang mga bulaklak, puno o
hayop. Wala pa ring mga isda sa dagat. Marami pang dapat gawin ang Diyos.

Jeremias 10:12; Colosas 1:15-17; Genesis 1:1-10

1
Isang Magandang Hardin

Tingnan mo ang lupa! Lahat ay napakaganda! Nakikita mo ba ang mga


puno, bulaklak at mga hayop? Saan galing ang magandang hardin na ito? Alam
mo, ginawa ito ng Diyos.

Una, naglatag ang Diyos ng berdeng damo sa lupa. Pagkatapos ginawa niya
ang sari-saring halaman, pananim at punongkahoy. Kaya gumanda-nang-gumanda
ang lupa, at ang ilan sa mga ito ay nagbibigay sa atin ng pagkain na masarap ang
lasa.

Pagkatapos ay ginawa ng Diyos ang mga isda para lumangoy sa tubig, at ang
mga ibon para lumipad sa himpapawid. Gumawa siya ng malalaki at maliliit na
hayop. Anong mga hayop ang mayroon sa lugar ninyo?

Sa wakas ay ginawa ng Diyos ang isang lugar na tinatawag na hardin ng


Eden. Pambihirang lugar iyon. Lahat doon ay maganda, at gusto ng Diyos na ang
buong lupa ay maging gaya ng magandang hardin na ito.

Genesis 1:11-25; 2:8, 9

2
Ang Unang Lalaki’t Babae

Oo, may mga tao dito. Sila ang unang lalaki at babae. Sino ang gumawa sa kanila? Ang
Diyos. Alam mo ba ang pangalan niya? Iyon ay Jehova. Ang lalaki at babae ay tinawag na Adan
at Eba.

Ganito ang ginawa ng Diyos nang lalangin niya si Adan. Kumuha siya ng alabok sa lupa
at mula dito ay ginawa niya ang isang sakdal na katawan, katawan ng isang lalaki. Pagkatapos ay
hinipan niya ang ilong ng lalaki, kaya si Adan ay nabuhay.

Sinabi ni Jehova kay Adan na bigyan ng pangalan ang lahat ng iba’t-ibang mga hayop.
Marahil matagal din silang pinagmasdan ni Adan, para mapili niya ang pinakamabuting pangalan
para sa kanila. Pagkatapos ay may nakita si Adan. Alam mo ba kung ano iyon?

Lahat ng mga hayop ay may asawa. May mga elepanteng tatay at elepanteng nanay, at
may mga tatay na leon at nanay na leon. Pero si Adan ay walang asawa. Kaya si Adan ay
binigyan ng Diyos ng mahimbing na tulog. Kumuha ang Diyos ng tadyang sa tagiliran ni Adan,
at ginawa ito na isang babae para sa kaniya. Ito ang naging asawa ni Adan.

Masayang-masaya na ngayon sina Adan at Eba. Puwede na silang magkaanak at


mabuhay nang maligaya.

Gusto ni Jehova na sina Adan at Eba ay mabuhay magpakailanman. Gusto niya na


kanilang pagandahin ang buong lupa na gaya ng hardin ng Eden. Gusto mo bang sumali sa
pagpapaganda sa lupa para ito ay maging isang magandang hardin? Pero ang kaligayahan nina
Adan at Eba ay hindi nagtagal. Tingnan natin kung bakit.

Awit 83:18; Genesis 1:26-31; 2:7-25

3
Kung Bakit Nawalan Sila ng Tahanan

Pinapalayas sina Adan at Eba sa hardin ng Eden. Alam mo ba kung bakit?

Kasi gumawa sila ng napakasama, isang bagay na ipinagbawal sa kanila.


Sinabi sa kanila ng Diyos na puwede silang kumain ng mga prutas sa hardin. Pero
sinabi ng Diyos na hindi sila puwedeng kumain ng isang prutas, kasi mamamatay
sila. Para sa kaniya iyon. Hindi ba masama ang kumuha ng hindi sa iyo?

Minsan, nang nag-iisa si Eba sa hardin, kinausap siya ng isang ahas. Akalain
mo! Sinabi nito kay Eba na kumain ng prutas na ipinagbawal ng Diyos. Alam natin
na hindi puwedeng magsalita ang ahas, puwede ba? Kaya may ibang nagsasalita sa
pamamagitan ng ahas. Sino kaya iyon?

Hindi si Adan. Kaya tiyak na isa iyon sa mga anghel na ginawa ni Jehova
matagal na panahon pa bago niya ginawa ang lupa. Isang anghel ang naging
masyadong mayabang. Gusto niyang siya ang sundin imbes na si Jehova.

Ito ang anghel na nagsalita sa pamamagitan ng ahas. Sinabi nito kay Eba na
magiging Diyos siya pag kinain niya ang prutas, at naniwala naman siya. Kaya
kumain siya, pati na rin si Adan. Sumuway sila sa Diyos, kaya nawalan sila ng
magandang tahanan.

Pero balang araw, titiyakin ng Diyos na ang buong lupa ay magiging


kasingganda ng hardin ng Eden. Malalaman din natin kung papaano ka makakasali
sa pagpaganda nito. Pero alamin muna natin kung ano ang nangyari kina Adan at
Eba.

Genesis 2:16, 17; 3:1-13, 24; Apocalipsis 12:9

4
Nagsimula ang Paghihirap
Sa labas ng hardin ng Eden, kinailangan nina Adan at Eba na magtrabaho
nang mabigat para sila makakain. Imbes na masasarap na prutas, puro tinik at
dawag ang kanilang nakita. Kasi sina Adan at Eba ay sumuway sa Diyos kaya
hindi na niya sila kaibigan.

Pero mas masama pa kaysa rito, sina Adan at Eba ay nakatakdang mamatay.
Hindi ba sinabi ng Diyos na mamamatay sila kapag kinain nila ang bunga ng isang
punongkahoy? Kaya, nang araw na kumain sila, nagsimula na silang mamatay.

Lahat ng mga anak nina Adan at Eba ay isinilang pagkatapos na palayasin


sila ng Diyos sa hardin ng Eden. Nangangahulugan ito na ang kanilang magiging
mga anak ay tatanda rin at mamamatay.

Kung sumunod lang sina Adan at Eba kay Jehova, maligaya sana ang buhay
nila at ng kanilang mga anak. Wala sanang tatanda, magkakasakit at mamamatay.

Gusto ng Diyos na ang tao ay lumigaya, at nangangako siya na darating ang


araw na ganito nga ang mangyayari. Lahat ay magiging kaibigan ng Diyos. At ang
buong lupa ay magiging magandang-maganda.

Pero si Eba ay hindi na kaibigan ng Diyos. Kaya masyado siyang nahirapan


sa panganganak. Talagang mahihirapan ang isa kapag sumuway siya sa Diyos,
hindi ba?

Sina Adan at Eba ay nagkaroon ng maraming anak. Ang panganay nilang


anak na lalaki ay nagngangalang Cain. Ang ikalawang anak na lalaki ay si Abel.
Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kanila?

Genesis 3:16-23; 4:1, 2; Apocalipsis 21:3, 4

5
Isang Mabuting Anak, at Isang Masama
Tingnan mo ngayon sina Cain at Abel. Malalaki na sila. Si Cain ay naging
magsasaka. Nagtatanim siya ng prutas at gulay. Si Abel ay naging pastol ng mga
tupa.

Isang araw, sina Cain at Abel ay naghandog sa Diyos. Nagdala si Cain ng


kaniyang pananim. At dinala ni Abel ang pinakamataba sa kaniyang mga tupa.
Natuwa si Jehova kay Abel at sa kaniyang handog. Pero hindi siya natuwa kay
Cain at sa handog nito. Alam mo ba kung bakit?

Hindi dahil sa ang handog ni Abel ay mas mabuti kaysa kay Cain. Kasi
mabait si Abel. Mahal niya si Jehova at ang kapatid niya. Pero si Cain ay masama;
hindi niya mahal ang kapatid niya.

Sinabi ng Diyos kay Cain na dapat siyang magbago. Pero galit-na-galit si


Cain kasi mas mahal ng Diyos si Abel. Kaya nang dadalawa lang sila sa bukid,
hinampas ni Cain si Abel nang ubod-lakas kaya’t ito’y namatay. Hindi ba
napakasama nito?

Naaala-ala pa rin ng Diyos si Abel, kahit patay na ito. Hindi nalilimutan ni


Jehova ang mabubuting taong gaya ni Abel. Darating ang araw na bubuhayin uli ni
Jehova si Abel. Kaya si Abel ay hindi na uli mamamatay. Hindi ba napakainam na
makilala ang mga taong gaya ni Abel?

Pero hindi natutuwa ang Diyos sa mga gaya ni Cain. Kaya nang patayin ni
Cain ang kapatid niya, siya ay pinarusahan ng Diyos. Pinalayas siya sa kaniyang
pamilya dumadami na ang tao sa lupa, marami sa kanila ang gumawa ng masama
gaya ni Cain. Pero may isang lalaki na ibang-iba. Siya ay ang tao na
nagngangalang Enoc. Si Enoc ay matapang na tao. Naglingkod siya sa Diyos.

Alam mo ba kung bakit ang mga tao noong panahong iyon ay gumawa nang
masama? Sige, isipin mo, Sino ang nagtulak kina Adan at Eba para sumuway sa
Diyos?

Oo, isang masamang anghel. Sa Bibliya tinatawag siya na Satanas. Gusto


niya na lahat ay maging masama.

6
Isang araw inutusan ng Diyos na Jehova si Enoc na sabihin sa mga tao ang
isang bagay na hindi nila magugustuhang pakinggan. Ganito iyon: ‘Darating ang
araw na pupuksain ng Diyos ang lahat ng masasama.’ Siguro galit-na-galit ang
mga tao nang kanilang marinig ito. Kaya dapat na maging matapang si Enoc.

Hindi pumayag ang Diyos na si Enoc ay mabuhay nang matagal sa gitna ng


masasamang mga taong yaon. Si Enoc ay umabot lang sa 365 taóng gulang. Oo,
mas mahahaba ang buhay ng mga tao noong araw.

Aba, ang anak ni Enoc na si Matusalem ay nabuhay nang 969 taon!Nang


mamatay na si Enoc, lalong sumama ang mga tao. Sinasabi ng Bibliya na ang ‘lupa
ay napuno ng karahasan.’

Alam mo ba kung bakit napakagulo noong panahong iyon? Kasi may


bagong paraan si Satanas sa paghikayat sa mga tao para sila gumawa ng masama.
Ito ang susunod nating matututuhan.

Genesis 5:21-24, 27; 6:5; Hebreo 11:5; Judas 14, 15

7
Mga Higante sa Lupa

Kung makakakita ka ng isang tao na kasintaas ng kisame sa inyong bahay,


ano kaya ang iisipin mo? Tiyak na ang taong iyon ay isang higante! Noong araw ay
talagang may mga higante sa lupa. Saan sila galing?

Alam mo, ang masamang anghel na si Satanas ay nagsisikap din na gawing


masama ang ibang anghel. Sa katagalan, ang ilan sa mga anghel na ito ay nakinig
din kay Satanas. Nanaog sila sa lupa at nagbihis ng mga katawang-tao. Alam mo
ba kung bakit?

Sinasabi ng Bibliya na ang dahilan ay ang magagandang babae sa lupa na


nakita nila at gusto nilang mapangasawa. Sinasabi ng Bibliya na maling-mali ito,
kasi ang mga anghel ay ginawa ng Diyos para tumira sa langit.

Nang ang mga anghel at ang kanilang mga asawa aymagkaanak, ibang-iba
ang mga anak na ito. Habang lumalaki, tumaas sila nang tumaas hanggang sa sila’y
maging mga higante.

Masasama ang mga higanteng iyon. At dahil sa napakalaki at napakataas


nila, sinaktan nila ang mga tao. Pinilit nila ang lahat na magpakasama gaya din
nila.

Patay na noon si Enoc, pero may isang tao sa lupa na nanatiling mabuti. Ang
pangalan ng taong ito ay Noe. Lagi niyang ginagawa kung ano ang iniuutos sa
kaniya ng Diyos.

Isang araw sinabi ng Diyos kay Noe na papatayin niya ang lahat ng
masasama. Pero ililigtas ng Diyos si Noe, ang kaniyang pamilya at maraming mga
hayop. Tingnan natin kung papaano ito ginawa ng Diyos.

Genesis 6:1-8; Judas 6

8
Nagtayo si Noe ng Daong

Si Noe ay may asawa at tatlong anak na lalaki. Ang pangalan ng kaniyang


mga anak ay sina Sem, Ham at Japet. Bawa’t isa sa mga anak na ito ay may asawa.
Kaya walo silang lahat sa pamilya ni Noe.

Sinabi ngayon ng Diyos kay Noe na magtayo ng malaking daóng. Ang


daóng na ito ay kasinglaki ng barko, pero kagaya ito ng isang malaki at mahabang
kahon. Magkakaroon ito ng tatlong palapag. Magkakaroon ito ng mga kuwarto
para kay Noe at sa pamilya niya, para sa mga hayop at para sa kanilang pagkain.

Sinabi ng Diyos kay Noe: ‘Magpapadala ako ng malaking baha para


gunawin ang buong mundo. Lahat ng nasa labas ng daóng ay mamamatay.’

Si Noe at ang kaniyang mga anak ay sumunod kay Jehova at inumpisahan


nila ang pagtatayo. Pero pinagtawanan lang sila ng mga tao. Walang naniwala kay
Noe nang sabihin niya kung ano ang gagawin ng Diyos.

Pagkaraan ng maraming taon, natapos din ang daóng. Sinabi ngayon ng


Diyos kay Noe na ipasok na ang mga hayop at ibon sa daóng. Sinabi ng Diyos na
may mga hayop na dadalhin niya nang daladalawa, isang lalaki at isang babae.
Pero may ibang hayop na dadalhin niya nang tigpipito. Sinunod ni Noe ang sinabi
ng Diyos.

Pagkatapos, pumasok na si Noe at ang pamilya niya sa daóng. Isinara ng


Diyos ang pinto. Kunwari, naroon ka sa loob ng daóng, naghihintay na kasama
nila. Talaga kayang magkakaroon ng baha?

Genesis 6:9-22; 7:1-9

9
Ang Malaking Baha

Sa labas ng daóng, ang mga tao ay ayaw pa ring maniwala na darating ang
Baha. Lalo sigurong lumakas ang pagtawa nila. Pero hindi nagtagal at huminto ang
kanilang pagtawa.

Biglang bumuhos ang ulan. Tama si Noe! Pero huli na ang lahat para
makapasok ang sinoman sa daóng. Mahigpit ang pagkakasara ni Jehova sa pinto.

Di nagtagal at ang mababang lupa ay inapawan ng tubig. Ang tubig ay


naging parang malalaking ilog. Natakot ang mga tao. O, kung nakinig lang sana
sila kay Noe. Pero huli na ngayon ang lahat.

40 araw at 40 gabing bumuhos ang tubig mula sa langit. Umahon ito sa gilid
ng mga bundok, at di nagtagal natakpan na rin ang pinakamatataas na bundok.
Gaya ng sinabi ng Diyos, namatay ang lahat ng mga tao at hayop na nasa labas ng
daóng. Pero nakaligtas ang lahat ng nasa loob.

Tinangay ng tubig ang daóng, at lumutang ito sa ibabaw ng tubig. Isang


araw, huminto ang ulan, at sumikat na ang araw. Pambihira ang tanawing nakita
nila! Ang buong palibot ay isang malaking dagat. Walang ibang naroon kundi ang
daóng na nakalutang sa tubig.

Wala na ang mga higante. Namatay silang lahat, pati na ang kanilang mga
nanay at lahat ng masasamang tao. Pero ano ang nangyari sa kanilang mga tatay?

Ang mga tatay ng mga higante ay hindi naman talagang mga tao na gaya
natin. Mga anghel sila na nanaog para tumira sa lupa. Kaya nang dumating ang
Baha, bumalik sila sa langit bilang mga anghel. Pero hindi na sila puwedeng
makasali sa pamilya ng mga anghel ng Diyos. Kaya sila ay naging mga anghel ni
Satanas. Ang tawag sa kanila ng Bibliya ay mga demonyo.

Nagpahihip ngayon ang Diyos ng hangin, at ang tubig ay unti-unting kumati.


Pagkaraan ng limang buwan ang daóng ay sumadsad sa taluktok ng isang
bundok. Kaya ang taluktok ng mga bundok ay nakita ng mga nasa loob ng
daóng.

10
Kaya pinalipad ni Noe ang isang itim na ibon, isang uwak, mula sa daóng.
Lumipad-lipad lang ito at saka nagbalik uli, kasi wala pa itong madapuan.

Sumunod, nagpalipad si Noe ng isang kalapati. Pero bumalik din ang


kalapati kasi wala pa rin itong madapuan. Sa ikalawang beses ay pinalipad uli ito
ni Noe, at bumalik ito na may dahon ng olibo sa kaniyang tuka. Kaya nalaman ni
Noe na ang tubig ay kumati na. Pinalipad niya ang kalapati nang ikatlong beses, at
sa wakas ay nakakita na rin ito ng tuyong dako na titirahan.

Sinabi ngayon ng Diyos kay Noe: ‘Lumabas ka sa daóng. Isama mo ang


iyong buong pamilya at lahat ng mga hayop.’ Mahigit na isang taon sila sa loob ng
daóng. Kaya para mo nang nakita kung gaano sila kasaya kasi nasa labas na uli sila
at nakaligtas nang buháy.

Genesis 7:10-24; 8:1-17; 1 Pedro 3:19, 20

11
Ang Unang Bahaghari

Alam mo ba kung ano ang unang ginawa ni Noe nang siya at ang kaniyang
pamilya ay lumabas sa daóng? Naghandog siya sa Diyos. Nakikita mo ba siya sa
larawan habang ginagawa niya ito? Inihahandog ni Noe ang mga hayop na ito para
pasalamatan ang Diyos dahil sa pagliligtas sa kaniyang pamilya sa baha.

Sa palagay mo kaya’y natuwa si Jehova sa handog? Oo, natuwa siya. Kaya


nangako siya kay Noe na hindi na niya uli lilipulin ang daigdig sa pamamagitan ng
isang baha.

Kaya si Noe at ang kaniyang pamilya ay nagsimula ng panibagong buhay sa


labas ng daóng. Binasbasan sila ng Diyos at sinabi sa kanila: ‘Dapat kayong
magkaroon ng maraming anak. Magpakarami kayo hanggang sa mapuno ng tao
ang buong lupa.’

Pero sa bandang huli, baka matakot ang mga tao na muling magbabaha.
Kaya, binigyan sila ng Diyos ng tanda na magpapaala-ala sa kanila tungkol sa
kaniyang pangako na hindi na niya muling lilipulin ang lupa sa isang baha. Alam
mo ba kung ano ang tandang iyon? Isang bahaghari. Nakakita ka na ba nito? May
nakikita ka bang bahaghari sa larawan?

Nangako ang Diyos: ‘Hindi na muling lilipulin ng isang baha ang lahat ng
tao at hayop. Inilalagay ko ang aking bahaghari sa ulap. Kaya kapag lumitaw ang
bahaghari, makikita ko ito at maaala-ala ko ang aking pangako.’

Kaya kapag nakakakita ka ng isang bahaghari, ano ang maaala-ala mo? Oo,
ang pangako ng Diyos na hindi na niya muling lilipulin ang daigdig sa
pamamagitan ng isang baha.

Genesis 8:18-22; 9:9-17

12
Nagtayo ang mga Tao ng Malaking Tore

Nagdaan ang maraming taon. Ang mga anak ni Noe ay nagkaroon ng


maraming supling, kaya di nagtagal at kumapal ang tao sa lupa.

Isa sa kanila ay ang apo-sa-tuhod ni Noe na nagngangalang Nimrod. Siya ay


isang masamang mangangaso na pumatay ng maraming hayop at mga tao. Ginawa
rin niyang hari ang kaniyang sarili. Galit ang Diyos kay Nimrod.

Noon ay iisang salita lang ang ginagamit ng mga tao. Gusto ni Nimrod na
magsamasama ang mga tao para mapagharian niya sila. Kaya sinabi niya sa mga
tao na magtayo ng lunsod na may malaking tore. Tingnan mo sila habang sila ay
gumagawa ng tisa.

Hindi ito nagustuhan ng Diyos na Jehova. Pero sinabi ng mga tao: ‘Magtayo
tayo ng isang lunsod at isang toreng mataas upang ang taluktok nito ay umabot
hanggang langit. Tiyak na magiging tanyag tayo!’ Gusto nila na sila ang hangaan,
hindi ang Diyos.

Alam mo ba kung papaano pinatigil ng Diyos ang mga tao sa pagtatayo ng


tore? Bigla niyang ginulo ang kanilang wika. Hindi tuloy sila magkaintindihan.
Kaya ang kanilang lunsod ay tinawag na Babel, o Babilonya, na ang ibig sabihin
ay “kalituhan.”

Dahil dito umalis ang mga tao sa Babel. Ang mga tao na parepareho ang
salita ay nagsamasama para manirahan sa ibang parte ng lupa.

Genesis 10:1, 8-10; 11:1-9

13
Si Abraham—Kaibigan ng Diyos

Isa sa mga lugar na pinuntahan ng mga tao pagkaraan ng Baha ay ang Ur.
Naging importanteng lunsod ito, pero ang mga tao doon ay sumasamba sa mga
diyus-diyosan. Hindi sila gaya ni Noe at ng anak niyang si Sem, na patuloy sa
paglilingkod kay Jehova.

350 taon pagkaraan ng baha, namatay ang tapat na si Noe. Dalawang taon
lang pagkatapos nito ay isinilang ang lalaking nakikita mo sa larawan. Mahal-na-
mahal siya ng Diyos. Abraham ang pangalan niya, at siya at ang pamilya niya ay
nakatira sa Ur.

Isang araw sinabi ni Jehova kay Abraham: ‘Iwanan mo ang Ur at ang iyong
mga kamag-anak, at pumunta ka sa isang bansa na ituturo ko sa iyo.’ Sumunod ba
si Abraham sa Diyos? Oo. Laging sumusunod si Abraham sa Diyos. Kaya kilala
siya bilang kaibigan ng Diyos.

Sumama ang tatay ni Abraham na si Tera nang siya ay umalis sa Ur.


Sumama din ang pamangkin niyang si Lot, at siyempre, pati ang asawa niyang si
Sara. Di nagtagal, dumating sila sa lugar na tinatawag na Haran, at doon namatay
si Tera.

Pagkatapos, si Abraham at ang pamilya niya ay umalis sa Haran at lumipat


sa lupain ng Canaan. Doon ay sinabi ng Diyos: ‘Ito ang lupain na ibibigay ko sa
iyong mga anak.’

Si Abraham ay pinagpala ng Diyos kaya nagkaroon siya ng maraming tupa


at daandaang alila. Pero sila ay hindi nagkaanak.

Nang si Abraham ay 99 taon, sinabi ni Jehova: ‘Ipinapangako ko sa iyo na


magiging ama ka ng maraming bansa.’ Papaano kaya ito mangyayari, gayong sina
Abraham at Sara ay napakatanda na para magkaanak?

Genesis 11:27-32; 12:1-7; 17:1-8, 15-17; 18:9-19

14
Sinubok ng Diyos ang Pananampalataya
ni Abraham

Nakikita mo ba kung ano ang ginagawa dito ni Abraham? May kutsilyo siya,
at papatayin yata niya ang kaniyang anak. Bakit kaya niya gagawin ito? Tingnan
muna natin kung papaano nagkaanak sina Abraham at Sara.

Tandaan, nangako ang Diyos na sila’y magkakaroon ng anak na lalaki.


Parang imposible iyon, kasi napakatanda na nina Abraham at Sara. Pero naniwala
rin si Abraham sa pangako ng Diyos. Ano kaya ang nangyari?

Nang si Abraham ay 100 taon na, at si Sarah ay 90, tinupad ng Diyos ang
kaniyang pangako. Nagkaanak sila ng sanggol na lalaki na nagngangalang
Isaac!Nang malaki na si Isaac, ang pananampalataya ni Abraham ay sinubok ni
Jehova. Sabi niya: ‘Dalhin mo si Isaac sa bundok na ipakikita ko sa iyo. Papatayin
mo siya doon at ihahandog mo siya bilang isang hain.’ Pero, tandaan mo, nangako
ang Diyos na ang mga anak ni Abraham ay titira sa lupain ng Canaan. Papaano
mangyayari ito kung si Isaac ay mamamatay? Hindi ito maintindihan ni Abraham,
pero sumunod pa rin siya sa Diyos.

Pagdating sa bundok, itinali ni Abraham si Isaac at inilagay ito sa altar na


kaniyang itinayo. Nang sandaling papatayin na niya si Isaac, sumigaw ang anghel
ng Diyos: ‘Abraham, huwag mong saktan ang bata. Alam ko na ngayon na ikaw ay
may pananampalataya sa akin, kasi hindi mo ikinait sa akin ang iyong kaisa-isang
anak.’

Kay laki ng pananampalataya ni Abraham sa Diyos! Naniwala siya na


kayang buhayin ni Jehova si Isaac mula sa mga patay. Pero hindi talaga gusto ng
Diyos na mamatay si Isaac. Kaya isang tupa ang pinabayaan ng Diyos na maipit sa
sanga ng kalapit na puno, at sinabi niya kay Abraham na ito ang ihain na kahalili
ng anak niya.

Genesis 21:1-7; 22:1-18

15
Lumingon ang Asawa ni Lot

Si lot at ang pamilya niya ay sumama kay Abraham sa Canaan. Isang araw
sinabi ni Abraham kay Lot: ‘Masikip na ang lupain para sa lahat ng ating mga
hayop. Puwede bang maghiwalay na tayo?’

Nakita ni Lot ang isang magandang lugar na may tubig at sariwang damo
para sa kaniyang mga hayop. Ito ang Distrito ng Jordan. Kaya inilipat doon ni Lot
ang kaniyang pamilya at mga hayop. Sa katagalan ay sa lunsod ng Sodoma na sila
nanirahan.

Napakasama ng mga taga-Sodoma. Nalungkot si Lot, kasi mabuti siyang tao.


Nalungkot din ang Diyos. Kaya dalawang anghel ang inutusan ng Diyos para
sabihin kay Lot na sisirain niya ang Sodoma at ang katabing lunsod ng Gomora
dahil sa kasamaan nito.

Sinabi ng anghel kay Lot: ‘Dali! Umalis ka kasama ang iyong asawa at
dalawang anak na dalaga!’ Kaya hinila sila ng mga anghel at inilabas sila sa
lunsod. Isa sa mga anghel ang nagsabi: ‘Tumakas kayo para makaligtas! Huwag
kayong lilingon!’

Kaya tumakbo si Lot at ang kaniyang mga anak. Hindi sila lumingon. Pero
sumuway ang asawa ni Lot. Huminto siya ng pagtakbo at lumingon sa Sodoma.
Kaya ang asawa ni Lot ay naging haligi ng asin. Nakikita mo ba siya sa larawan?

Ito ay nagpapakita na inililigtas ng Diyos ang mga sumusunod sa kaniya,


pero yaong mga hindi sumusunod sa kaniya ay mamamatay.

Genesis 13:5-13; 18:20-33; 19:1-29; Lucas 17:28-32; 2 Pedro 2:6-8

16
Kumuha si Isaac ng Mabait na Asawa

Gusto ni Abraham na ikuha ang anak niyang si Isaac ng isang mabait na


asawa. Kaya tinawag niya ang kaniyang alipin at sinabi: ‘Magbalik ka sa mga
kamag-anak ko sa Haran para ikuha ng asawa ang anak kong si Isaac.’

Kumuha agad ang alipin ni Abraham ng sampung kamelyo at siya ay umalis.


Nang malapit na siya sa Haran ay huminto siya sa isang balon. Noon ay oras na ng
pagsalok ng mga babaeng taga-lunsod. Kaya ang alipin ni Abraham ay nanalangin
kay Jehova: ‘Ang babae na sasalok ng tubig para sa akin at sa mga kamelyo ay siya
nawang mapili mo para maging asawa ni Isaac.

Di nagtagal at dumating si Rebeka para sumalok. Nang makiinom sa kaniya


ang alipin, ay binigyan siya nito. Pagkatapos ay pinainom niya ang lahat ng
nauuhaw na kamelyo. Mabigat na trabaho ito, kasi malakas uminom ang mga
kamelyo.

Pagkatapos, tinanong ng alipin ni Abraham kung ano ang pangalan ng


kaniyang ama. Tinanong din niya kung puwede siyang makitulog sa kanilang
bahay. Sumagot siya: ‘Ang tatay ko ay si Betuel, at may lugar kami para sa iyo.’ Si
Betuel ay pamangkin ni Abraham. Kaya ang alipin ni Abraham ay nagpasalamat
kay Jehova sa paghahatid sa kaniya sa mga kamag-anak ni Abraham.

Nang gabing iyon sinabi ng alipin ni Abraham kay Betuel at kay Laban na
kapatid ni Rebeka kung bakit siya naparoon. Pareho silang pumayag na si Rebeka
ay sumama sa kaniya para pakasalan si Isaac. Payag ding sumama si Rebeka. Kaya
kinaumagahan sinimulan nila ang mahabang biyahe pabalik sa Canaan.

Gabi na nang makarating sila. Nakita ni Rebeka si Isaac na naglalakad sa


bukid. Tuwang-tuwa ito na makita si Rebeka. Tatlong taon pa lang namamatay ang
nanay niya, kaya malungkot pa siya. Pero ngayon ay mahal-na-mahal ni Isaac si
Rebeka, kaya masaya na naman siya.

17
Magkakambal Nguni’t Magkaiba
Sina Esau at Jacob ay kambal na anak nina Isaac at Rebeka. Mahal-na-mahal
ni Isaac si Esau, kasi siya ang nag-uuwi ng pagkain para sa pamilya. Pero mas
mahal ni Rebeka si Jacob, kasi tahimik at mabait siya.

Para na nating nakikita si Jacob na nakikinig sa lolo niyang si Abraham


habang nagkukuwento tungkol kay Jehova. Namatay si Abraham sa edad na 175,
nang ang magkakambal ay 15 anyos pa lang.

Nang si Esau ay 40 anyos na, nag-asawa siya ng dalawang babaeng


Canaanita na hindi sumasamba kay Jehova. Kaya lungkot-na-lungkot sina Isaac at
Rebeka.

Dumating ang panahon na dapat nang basbasan ni Isaac ang kaniyang


panganay na anak. Siya’y si Esau. Pero ang karapatan na tumanggap ng basbas ay
ipinagbili na si Esau kay Jacob. At saka sinabi din ng Diyos na si Jacob ang
tatanggap ng basbas. Ito nga ang nangyari. Binasbasan ni Isaac ang anak niyang si
Jacob.

Galit-na-galit si Esau nang mabalitaan niya ito. Papatayin daw niya si Jacob!
Alalang-alala si Rebeka nang malaman ito. Kaya sinabi niya kay Isaac:
‘Napakasama kung mag-aasawa din si Jacob ng isa sa mga babaeng Canaanita.’

Kaya tinawag ni Isaac si Jacob at sinabi: ‘Pumunta ka sa lolo mong si Betuel


sa Haran. Pakasalan mo ang isa sa mga anak na babae ng kaniyang anak na si
Laban.’

Nagsimula agad si Jacob sa mahabang paglalakbay patungong Haran.

Genesis 25:5-11, 20-34; 26:34, 35; 27:1-46; 28:1-5; Hebreo 12:16, 17

is 24:1-67

18
Pumunta si Jacob sa Haran

Pagkatapos maglakbay ng maraming araw, nasalubong sila ni Jacob sa tabi


ng isang balon. Nagtanong siya: ‘Taga saan kayo?’

‘Taga-Haran,’ sabi nila.

‘Kilala ba ninyo si Laban?’ tanong ni Jacob.

‘Oo,’ sagot nila. ‘O, dumarating na ang anak niyang si Rachel, kasama ang
kaniyang mga tupa.’ Pagkikita nina Jacob at Rachel

Binuksan ni Jacob ang balon para makainom ang mga tupa ni Laban.
Pagkatapos ay hinalikan niya si Rachel at nagpakilala siya. Hindi mapalagay si
Rachel, kaya sinabi niya ito sa tatay niya.

Pumayag si Laban na tumira si Jacob sa kanila. At pinayagan din niya si


Jacob na pakasalan si Rachel. Pero, hiniling muna niya na magtrabaho si Jacob
nang pitong taon para kay Rachel. Nang dumating na ang araw ng kasal, alam mo
ba kung ano ang nangyari?

Ibinigay ni Laban ang panganay niyang anak na si Lea para maging asawa ni
Jacob! Napilitan si Jacob na magtrabaho ng pitong taon pa, kaya ibinigay na rin ni
Laban si Rachel. Noong araw ay pinayagan ng Diyos ang mga lalaki na magkaroon
ng higit sa isang asawa. Pero ngayon ang isang lalaki ay dapat na may isa lamang
asawa.

Genesis 29:1-30

19
Malaki ang Pamilya ni Jacob

Ipinanganak ni Lea sina Ruben, Simeon, Levi at Juda. Walang anak si


Rachel kaya ibinigay niya kay Jacob ang kaniyang alilang si Bilha. Nagkaanak si
Bilha ng dalawang lalaki, sina Dan at Neptali. Ibinigay din ni Lea kay Jacob ang
alila niyang si Zilpa. Isinilang ni Zilpa sina Gad at Aser. Nagkaanak pa uli si Lea
ng dalawang lalaki, sina Issachar at Zabulon.

Sa wakas ay nagkaanak din si Rachel. Tinawag niya itong Jose. Nang


bandang huli ay naging tanyag si Jose. Ito ang 11 anak na lalaki na isinilang kay
Jacob noong nakatira siya sa tatay ni Rachel na si Laban.

Pagkatapos ay tinipon ni Jacob ang malaking pamilya niya pati na ang


kaniyang mga tupa at baka, at nagbalik sila sa Canaan.

Sa Canaan, nanganak uli si Rachel ng isa pang lalaki. Masyadong nahirapan


si Rachel, kaya namatay siya sa panganganak. Pero malusog naman ang sanggol.
Tinawag siya ni Jacob na Benjamin.

Gusto nating tandaan ang pangalan ng 12 anak na lalaki ni Jacob kasi ang
buong bansang Israel ay galing sa kanila. Sa katunayan, ang 12 tribo ng Israel ay
tinawag sa pangalan ng 10 anak ni Jacob at sa dalawang anak ni Jose. Si Isaac, ang
ama ni Jacob, ay tiyak na tuwang-tuwa dahil marami siyang apo. Pero tingnan
natin kung ano ang nangyari sa apo niyang babae, si Dina.

Genesis 29:32-35; 30:1-26; 35:16-19; 37:35

20
Napahamak si Dina

Buweno, hindi ba ayaw ni Abraham na mag-asawa si Isaac ng isang babaeng


taga-Canaan? At ayaw din ni Isaac na ang kaniyang anak na si Jacob ay mag-
asawa ng babaeng Canaanita. Alam mo ba kung bakit?

Kasi ang mga taga-Canaan ay sumasamba sa mga diyus-diyosan. Hindi sila


mabuting mapangasawa, o kaya’y makaibigan. Kaya si Jacob ay hindi matutuwa
dahil sa ang kaniyang anak na babae ay nakikipagkaibigan sa mga babaeng
Canaanitang ito.

Kaya, napahamak nga si Dina. Nakikita mo ba sa larawan ang lalaking iyon


na taga-Canaan? Sechem ang pangalan niya. Isang araw, pinilit ni Sechem si Dina
na mahiga sa tabi niya. Masama ito, kasi ang mga lalaki at babaeng mag-asawa
lang ang puwedeng mahiga nang magkatabi.

Dahil dito, galit-na-galit ang mga kapatid na lalaki ni Dina. Dalawa sa


kanila, sina Simeon at Levi ay pumasok sa lunsod at ginulat ang mga kalalakihan.
Si Sechem at ang lahat ng ibang lalaki ay pinatay nila at ng kanilang mga kapatid
na lalaki. Galit-na-galit si Jacob sa ginawang ito ng kaniyang mga anak.

Papaano nagsimula ang lahat ng gulong ito? Kasi nakipagkaibigan si Dina sa


mga taong hindi sumusunod sa batas ng Diyos. Ayaw natin na magkaroon ng
ganoong mga kaibigan, hindi ba?

Genesis 34:1-31

21
Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya

Si Jose ay mahal-na-mahal ng tatay nilang si Jacob. Ipinagpagawa siya ng


isang mahabang damit. Kaya ang 10 kuya niya ay nainggit at napoot sa kaniya.At
saka, dalawang beses nanaginip si Jose. Doon, ay dalawang beses yumuko ang
mga kapatid ni Jose sa kaniya. Nang ikuwento ni Jose ang panaginip sa mga
kapatid niya, lalo silang napoot.

Isang araw, nang ang mga kuya ni Jose ay nag-aalaga sa tupa ng kanilang
tatay, sinabi ni Jacob kay Jose na puntahan sila. Nang makita siyang dumarating,
inisip ng kaniyang mga kapatid na patayin siya. Pero ang panganay, si Ruben, ay
nagsabi: ‘Huwag, masama iyan!’ Inihulog na lang nila si Jose sa isang tuyong
balon. At saka nila inisip kung ano ang gagawin sa kaniya.

Siya namang pagdaan ng ilang lalaking Ismaelita. Kaya si Jose ay ipinagbili


nila sa mga Ismaelita sa halagang 20 pirasong pilak. Napakasama at napakalupit
nila!

Pagkatapos ay pumatay sila ng kambing at isinawsaw ang magandang damit


ni Jose sa dugo nito. Iniuwi nila ang damit sa tatay nilang si Jacob at sinabi:
‘Nakita namin ito. Hindi ba ito ang damit ni Jose?’

Nakita ni Jacob na ito nga. Napaiyak siya. ‘Pinatay yata si Jose ng mabangis
na hayop.’ Ito nga ang gusto ng mga kapatid ni Jose na isipin ng tatay nila.
Lungkot-na-lungkot si Jacob. Ilang araw siyang umiiyak. Pero hindi patay si Jose.
Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kaniya.

Genesis 37:1-35

22
Nabilanggo si Jose

17 ANYOS lang si Jose nang dalhin siya sa Ehipto. Doo’y ipinagbili siya
kay Potipar. Si Potipar ay nagtatrabaho sa hari ng Ehipto, si Paraon.Nagtrabahong
mabuti si Jose para sa panginoon niya. Kaya habang nagkakaedad si Jose, siya ay
inilagay ni Potipar para mangasiwa sa buong pamamahay niya.

Si Jose ay lumaki na isang makisig na lalaki, at gusto ng asawa ni Potipar na


ito ay humiga sa tabi niya. Pero alam ni Jose na masama ito kaya umayaw siya.
Galit-na-galit ang asawa ni Potipar. Kaya nagsinungaling ito sa kaniyang asawa at
nagsabi: ‘Pinilit ako ng salbaheng si Jose na humiga sa tabi niya!’ Naniwala si
Potipar at ipinabilanggo si Jose.

Dahil sa mabait si Jose, siya ang nag-asikaso sa lahat ng mga ibang


bilanggo. Pagkatapos, nagalit si Paraon sa kaniyang tagasilbi ng alak at sa
kaniyang panadero, kaya ipinabilanggo rin niya sila. Isang gabi pareho silang
nagkaroon ng pambihirang panaginip. Kinabukasan sinabi ni Jose: ‘Ikuwento
ninyo sa akin ang iyong mga panaginip.’ Ikinuwento nila, at sa tulong ng Diyos, ay
ipinaliwanag ni Jose ang kahulugan ng mga panaginip nila.

Sinabi ni Jose sa tagasilbi ng alak na tatlong araw na lang at makakalaya na


siya. Nakiusap siya dito na alalahanin siya kapag ito ay nakalaya na. Pero sa
panadero ay sinabi niya: ‘Tatlong araw pa at pupugutan ka ng ulo ni Paraon.’

Pagkaraan ng tatlong araw nangyari nga ang sinabi ni Jose. Pinugutan ni


Paraon ng ulo ang panadero. Pero ang tagasilbi ng alak ay pinalaya at
nakapagtrabaho uli ito sa hari. Pero nakalimutan niya si Jose. Kaya si Jose ay hindi
nakalabas sa bilangguan.

Genesis 39:1-23; 40:1-23

23
Ang mga Panaginip ni Paraon
Dalawang taon na ang lumipas, pero nakabilanggo pa rin si Jose.
Nakalimutan siya ng tagasilbi ng alak. Isang gabi nagkaroon si Paraon ng
dalawang pambihirang panaginip at nagtataka siya kung ano kaya ang kahulugan
ng mga yaon. Nakikita mo ba siya habang natutulog? Kinabukasan, walang
makapagpaliwanag sa kaniya tungkol sa kahulugan ng kaniyang mga panaginip.Sa
wakas si Jose ay naalaala din ng tagasilbi ng alak. Ikinuwento nito kay Paraon ang
tungkol kay Jose kaya si Jose ay ipinasundo agad ni Paraon mula sa bilangguan.

Ikinuwento ni Paraon ang mga panaginip niya kay Jose. ‘Nakakita ako ng
pitong mataba at magagandang baka. Pagkatapos nakakita ako ng pitong bakang
napakapayat at patpatin. Ang matatabang baka ay kinain ng mga payat.

Sa pangalawa kong panaginip nakakita naman ako ng pitong uhay ng siksik


at hinog na palay na tumutubo mula sa iisang tangkay. Pagkatapos nakakita ako ng
pitong payat at tuyong uhay ng palay. Nilamon ng payat na mga uhay ang pitong
mabubuting uhay.’

Sinabi ni Jose kay Paraon: ‘Ang mga panaginip ay may iisang kahulugan.
Magkakaroon ng pitong taon ng saganang pagkain sa Ehipto. Saka susundan ito ng
pitong taong taggutom.’

Kaya sinabi ni Jose kay Paraon: ‘Pumili ka ng isang matalinong lalaki at siya
ang ilagay mo para mamahala sa pagtitipon ng pagkain sa loob ng pitong taong
sagana. Ang mga tao ay hindi magugutom sa pitong taong taggutom.’

Nagustuhan ni Paraon ang mungkahi. Kaya si Jose na mismo ang pinili niya
para magtipon ng pagkain at mag-imbak nito. Pangalawa kay Paraon si Jose na
pinaka-importanteng tao sa buong Ehipto.

Pagkatapos ng walong taon, nang nagkakagutom na, nakita ni Jose ang


kaniyang 10 kapatid. Pinapunta sila ng kanilang tatay na si Jacob sa Ehipto, kasi
wala na silang makain sa Canaan. Si Jose ay hindi nakilala ng kaniyang mga
kapatid, kasi malaki na siya at saka iba ang kaniyang suot na mga damit.

Naala-ala ni Jose na nuong maliit pa siya ay napanaginipan niya na ang


kaniyang mga kapatid ay yumuyuko sa kaniya. Naalaala mo rin ba iyon? Kaya

24
nakita ni Jose na ang Diyos pala ang nagpapunta sa kaniya sa Ehipto, at sa isang
mabuting dahilan.

Genesis 41:1-57; 42:1-8; 50:20

25
Sinubok ni Jose ang mga Kapatid Niya

Gustong malaman ni Jose kung ang 10 nakatatandang kapatid niya ay


salbahe pa rin at malupit. Kaya sinabi niya: ‘Mga espiya kayo.’

‘Hindi totoo iyan,’ sabi nila. ‘Mababait kami. Kami ay magkakapatid. 12


kami noon. Pero wala na ang isa, at ang bunso ay nasa bahay kasama ng aming
tatay.’

Kunwari ayaw maniwala ni Jose. Ipinabilanggo niya ang kapatid niyang si


Simeon, at ang iba ay pinakuha ng pagkain at pinauwi. Pero sinabi niya: ‘Pagbalik
ninyo, isama ninyo ang inyong bunso.’

Pag-uwi nila sa Canaan, ikinuwento ng magkakapatid sa tatay nila kung ano


ang nangyari. Lungkot-na-lungkot si Jacob. Ayaw niyang pumayag na isama nila si
Benjamin pabalik sa Ehipto. Pero nang maubos na ang pagkain nila, pumayag siya
na isama nila si Benjamin para makakuha uli sila ng pagkain.

Nang makita ni Jose na dumarating sila, tuwang-tuwa siyang makita ang


bunso niyang kapatid na si Benjamin. Oo, wala sa kanila ang nakakaalam na ang
importanteng taong ito ay si Jose. Kaya may ginawa si Jose para subukin ang
kaniyang mga kapatid.

Iniutos niya sa kaniyang mga alila na punuin ang kanilang mga sako ng
pagkain. Pero hindi nila alam, na ang kaniyang espesyal na kopang pilak ay
ipinasilid din niya sa sako ni Benjamin. Nang makaalis na sila at medyo
nakakalayo na, ay ipinahabol sila ni Jose sa kaniyang mga alila.

Nang maabutan sila, ay hinalughog ng mga alila ang kanilang mga sako at
nakita nila ang kopa sa sako ni Benjamin. Parang lumalabas na ninakaw ni
Benjamin ang kopa! Sinabi ng mga alila: ‘Makakaalis na kayong lahat, isasama
namin si Benjamin.’ Ano kaya ang gagawin ngayon ng 10 magkakapatid?

Sinamahan nila si Benjamin kay Jose. Sinabi ni Jose: ‘Makakauwi na kayo.


Pero si Benjamin ay maiiwan bilang aking alipin.’

26
Kaya sinabi ni Juda: ‘Pakisuyo, ako na ang magpapaalipin, pauwiin mo lang
ang bata!

Nakita ni Jose na nagbago na ang kaniyang mga kapatid. Hindi na sila


salbahe at malupit. Alamin natin kung ano ngayon ang gagawin ni Jose.

Genesis 42:9-38; 43:1-34; 44:1-34

27
Lumipat ang Pamilya sa Ehipto

Hindi na makatiis si Jose. Pinalabas niya ang lahat ng kaniyang alila.


Pagkatapos ay umiyak siya. Para mo nang nakita ang pagkabigla ng mga kapatid
niya, kasi hindi nila alam kung bakit siya umiiyak. Sa wakas ay sinabi niya: ‘Ako
si Jose. Buhay pa ba ang tatay?’

Nabigla ang mga kapatid niya at hindi sila makapagsalita. Natakot sila. Pero
mabait ang pakikipag-usap ni Jose sa kanila.

Sinabi niya: ‘Huwag ninyong sisihin ang inyong sarili dahil ipinagbili ninyo
ako. Diyos ang nagpadala sa akin dito para iligtas ang mga tao. Bumalik agad kayo
sa tatay at sabihin ninyo ito.’

Pagkatapos ay niyakap niya ang mga kapatid niya at hinalikan silang lahat.
Nang malaman ito ni Paraon, ay sinabi niya kay Jose: ‘Pauwiin mo sila para
sunduin ang kanilang tatay at ang kanilang mga pamilya at dito mo na sila
patirahing lahat.’

Ganoon ang ginawa nila. Makikita mo si Jose na sumasalubong sa kaniyang


tatay nang isama nito ang buong pamilya sa Ehipto.

70 ang bumubuo sa pamilya ni Jacob nang lumipat sila sa Ehipto, pati na si


Jacob at ang kaniyang mga anak at apo. Mayroon ding mga asawa, at siguro
maraming alila. Lahat sila ay tumira sa Ehipto. Tinawag silang mga Israelita, kasi
pinalitan ng Diyos ang pangalan ni Jacob ng Israel. Sila ay naging espesyal na
bansa para sa Diyos gaya ng makikita natin sa bandang huli.

Genesis 45:1-28; 46:1-27

28
Nagtapat si Job sa Diyos

Si Job ay nagkaroon ng mga bukol. Si Job ay mabuting tao na sumusunod


kay Jehova. Mahal ni Jehova si Job. Pero may napopoot sa kaniya. Alam mo ba
kung sino?

Si Satanas na Diyablo. Si Satanas ang masamang anghel na napopoot kay


Jehova. Sinisikap niya na lahat ay sumuway kay Jehova. Pero nagtagumpay ba
siya? Hindi. Isipin mo ang napakaraming tapat na lalaki at babae na napag-aralan
na natin. Ilan ang natatandaan mo?

Nang mamatay si Jose sa Ehipto, si Job ang pinakamatapat na tao sa buong


lupa. Gustong ipakita ni Jehova kay Satanas na hindi lahat ay masama, kaya sinabi
niya: ‘Tingnan mo kung gaano katapat si Job sa akin.’

‘Tapat nga siya,’ sagot ni Satanas, ‘kasi binigyan mo siya ng maraming


mabubuting bagay. Bawiin mo ito, at tingnan mo kung hindi ka niya sumpain.’

Kaya sinabi ng Diyos: ‘Gawin mo ang lahat ng masamang gusto mong


gawin kay Job. Huwag mo lang siyang papatayin. Tingnan natin kung susumpain
nga niya ako!’

Una, lahat ng baka at tupa at kamelyo ni Job ay ninakaw. Pagkatapos ay


namatay ang kaniyang 10 anak na lalaki at babae. Sumunod, pinadalhan ni Satanas
si Job ng isang nakakadiri, mahapding sakit. Kaya sinabi ng asawa ni Job:
‘Sumpain mo ang Diyos para mamatay ka na.’ Pero ayaw gawin ito ni Job. At
saka, tatlong masamang kaibigan ang dumalaw at nagsabi sa kaniya na naging
masama siguro ang kaniyang buhay. Pero nagtapat si Job.

Kaya tuwang-tuwa si Jehova. Pinagpala niya si Job gaya ng makikita mo sa


larawan. Pinagaling siya, at binigyan siya ng mas magagandang anak, at mas
maraming baka, tupa at kamelyo.

Lagi ka bang magtatapat gaya ni Job? Kung oo, ikaw rin ay mabubuhay
magpakailanman, kapag ang buong lupa ay naging kasingganda ng hardin ng Eden.

29
Masamang Hari na Nagpuno sa Ehipto

Ang mga tao ay pinipilit ng mga lalaking ito na magtrabaho. Tingnan mo


ang isang lalaki na humahagupit sa trabahador! Ang mga trabahador ay mga
Israelita. At ang mga lalaking nagpapatrabaho sa kanila ay mga Ehipsiyo. Ang mga
Israelita ay alipin ng mga Ehipsiyo. Papaano nangyari ito?

Pinapahirapan ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita

Sa loob ng maraming taon ang malaking pamilya ni Jacob ay namuhay nang


payapa sa Ehipto. Importanteng tao si Jose doon, at inasikaso niya sila. Pero
namatay si Jose. At isang bagong Paraon, na galit sa mga Israelita, ang naging hari
sa Ehipto.

Kaya ang mga Israelita ay inalipin ng masamang Paraon. Pinagtrabaho niya


sila nang mabigat sa pagtatayo ng mga lunsod. Patuloy na dumami ang mga
Israelita. Kaya natakot ang mga Ehipsiyo na baka masyadong dumami ang mga
Israelita at maging malakas sila.

Pinapahirapan ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita

Alam mo ba kung ano ang ginawa ni Paraon? Sinabi niya sa mga


komadrona: ‘Patayin ninyo ang bawa’t sanggol na lalaking isisilang.’ Pero
mababait sila, kaya hindi nila ginawa ito.

Kaya inutusan ni Paraon ang buong bayan: ‘Patayin ang mga sanggol na
lalaking Israelita! Mga sanggol na babae lang ang dapat mabuhay.’ Hindi ba
napakasamang utos nito? Tingnan natin kung papaano nakaligtas ang isa sa mga
sanggol na lalaki.

Exodo 1:6-22

30
Ang Pagkaligtas ng Sanggol na si Moises

Tingnan mo ang batang umiiyak, na nakahawak sa daliri ng babae. Ito’y si


Moises. Alam mo ba kung sino ang magandang babae? Siya ay prinsesa, ang
sariling anak ni Paraon.

Nakita ng anak ni Paraon si Moises

Si Moises ay tatlong buwang itinago ng kaniyang nanay, kasi ayaw niyang


mapatay ito ng mga Ehipsiyo. Pero alam niya na baka rin ito makita, kaya inilagay
si Moises sa isang basket, at itinago ang basket sa matataas na damo sa tabi ng Ilog
Nilo. Si Miriam na kapatid ni Moises ay inutusan na tingnan kung ano ang
mangyayari.

Di nagtagal dumating ang anak ni Paraon para maligo sa Ilog. Bigla niyang
nakita ang basket. Ipinakuha niya ang basket sa isa sa kaniyang mga alilang babae.
Binuksan niya ito at nakita na napakaganda ng batang si Moises. Naawa ang
prinsesa kay Moises, at ayaw niya itong mapatay.

Pagkatapos ay lumapit si Miriam. Hayan siya sa larawan. Sinabi niya:


‘Tatawag po ba ako ng isang Israelita na mag-aalaga ng sanggol para sa inyo?’

‘O sige,’ sabi ng prinsesa.

Agad tumakbo si Miriam sa nanay niya at isinama ito sa prinsesa. Sinabi ng


prinsesa: ‘Kunin mo ang sanggol na ito at alagaan mo siya para sa akin, at
babayaran kita.’

Kaya inalagaan si Moises ng sarili niyang ina. Pagkatapos ay dinala siya nito
sa anak ni Paraon, na umampon naman sa kaniya bilang tunay na anak. Kaya
lumaki si Moises sa bahay ni Paraon.

Exodo 2:1-10

31
Kung Bakit Tumakas si Moises
Si Moises habang tumatakas sa Ehipto

Lumaki si Moises sa bahay ni Paraon. Naging bantog at matalino siya. Alam


ni Moises na hindi siya taga-Ehipto, at na ang tunay niyang mga magulang ay mga
aliping Israelita.

Isang araw, nang apatnapung taon na siya, umalis si Moises para dalawin
ang mga kababayan niya. Nakita niya na sinasaktan ng isang taga-Ehipto ang isang
aliping Israelita. Walang ibang nakakakita, kaya hinampas ni Moises ang taga-
Ehipto at ito ay namatay. Pagkatapos ay ibinaon ni Moises ang bangkay sa
buhangin.

Kinaumagahan dinalaw uli ni Moises ang kaniyang mga kababayan. Nakita


niya ang dalawang Israelitang nag-aaway, kaya sinabi ni Moises sa may kasalanan:
‘Bakit mo sinasaktan ang kapatid mo?’

Sumagot ang lalaki: ‘Sino ka bang hari at hukom? Papatayin mo ba ako gaya
ng ginawa mo sa taga-Ehipto?’

Kaya natakot si Moises. Nabalitaan na ng mga tao kung ano ang ginawa
niya. Pati si Paraon ay nakaalam nito, at nag-utos na patayin siya. Kaya tumakas si
Moises mula sa Ehipto.

Tumakas si Moises tungo sa malayong lupain ng Midian. Doo’y nakilala


niya ang pamilya ni Jetro. Napangasawa niya ang isa sa mga anak nito na
nagngangalang Zippora at naging isang pastol siya doon. 40 taon siyang tumira sa
Midian. Isang araw may nangyari na nagpabago sa buong buhay ni Moises.
Buksan mo sa susunod na pahina, at tingnan kung ano ang pambihirang bagay na
ito.

Exodo 2:11-25; Gawa 7:22-29

32
Ang Nagniningas na Puno
Nakarating si Moises hanggang sa bundok ng Horeb sa paghahanap ng damo
para sa kaniyang mga tupa. Dito ay nakakita siya ng isang puno na nagniningas,
pero hindi ito nasusunog!

Si Moises sa harap ng nagniningas na puno

Nang lumapit siya, isang boses mula sa puno ang nagsabi: ‘Huwag ka nang
lalapit. Alisin mo ang iyong sandalyas, sapagka’t nakatayo ka sa lupang banal.’
Nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng isang anghel, kaya tinakpan ni Moises
ang kaniyang mukha.

Sinabi ng Diyos: ‘Nakita ko ang paghihirap ng aking bayan sa Ehipto.


Palalayain ko sila, at ikaw ang papupuntahin ko para ilabas ang aking bayan mula
sa Ehipto.’

Pero sinabi ni Moises: ‘Hindi ako karapatdapat. Papaano ko ito gagawin? At


sino ang sasabihin kong nagpapunta sa akin?’

‘Ito ang sasabihin mo,’ sagot ng Diyos. ‘ “Si JEHOVA, ang Diyos ni
Abraham, at Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob ang nagpapunta sa akin dito.” ’
At idinagdag pa ni Jehova: ‘Ito ang pangalan ko magpakailanman.’

Si Moises ay binigyan ni Jehova ng kapangyarihan na gumawa ng mga


himala, kasi baka hindi siya paniwalaan ng mga Israelita. Una ay inihagis ni
Moises ang tungkod niya sa lupa, at ito’y naging ahas. Pagkatapos, sinabi ni
Jehova kay Moises na ipasok ang kamay niya sa loob ng kaniyang damit. Sumunod
siya, at nang ilabas niya ito, para itong dinapuan ng nakadidiring sakit na tinatawag
na ketong.

Binigyan ni Jehova si Moises ng kapangyarihan na gawin ang pangatlo pang


himala. Sa wakas ay sinabi ni Jehova: ‘Kapag ginawa mo ang mga himalang ito, ay
maniniwala ang mga Israelita na pinapunta kita.’Umuwi si Moises at nagpaalam
kay Jetro: ‘Payagan mo akong bumalik sa mga kamag-anak ko sa Ehipto para
kumustahin sila.’ Kaya nagpaalam si Jetro kay Moises, at si Moises ay bumalik sa
Ehipto.Exodo 3:1-22; 4:1-20

33

You might also like