You are on page 1of 4

Book of Genesis

Chapter 1
1
Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;
2
ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng
[b]

tubig.
3
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga.
4
Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan. Pinagbukod niya ang liwanag at ang dilim.
5
Ang liwanag ay tinawag niyang Araw, at ang dilim naman ay tinawag na Gabi. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyon ang unang araw.
6
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig upang ito'y magkahiwalay!”
7
At nangyari ito. Ginawa ng Diyos na pumagitan ang kalawakan sa tubig na nasa itaas at sa tubig na nasa ibaba.
8
Langit ang itinawag niya sa kalawakan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikalawang araw.
9
Sinabi ng Diyos: “Magsama-sama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit upang lumitaw ang lupa.” At nangyari nga
ito.
10
Tinawag niyang Lupa ang tuyong bahagi at Dagat naman ang nagsama-samang tubig. Nasiyahan siya nang ito'y
mamasdan.
11
Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong
namumunga.” At nangyari ito.
12
Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan.
13
Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikatlong araw.
14
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa
bilang ng mga araw, taon at kapistahan.
15
Mula sa langit, ang mga ito'y magbibigay ng liwanag sa daigdig.” At gayon nga ang nangyari.
16
Nilikha ng Diyos ang dalawang malalaking tanglaw: ang Araw, upang magbigay liwanag sa maghapon, at ang Buwan,
upang tumanglaw kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin.
17
Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang magbigay ng liwanag sa daigdig,
18
tumanglaw kung araw at gabi, at magbukod sa liwanag at dilim. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y kanyang mamasdan.
19
Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikaapat na araw.
20
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa
himpapawid.”
21
Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig, gayundin ang lahat ng uri ng
ibon. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan.
22
Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: “Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig at punuin ang karagatan;
magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig.”
23
Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikalimang araw.
24
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa—maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.” At gayon nga
ang nangyari.
25
Ginawa nga niya ang lahat ng ito, at nasiyahan siya nang ito'y kanyang mamasdan.
26
Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang
mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”
27
Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,
28
at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at
kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa
lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.
29
Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo.
30
Ang lahat ng halamang luntian ay ibinibigay ko naman sa lahat ng hayop sa ibabaw ng lupa at sa lahat ng mga ibon.” At
ito nga ang nangyari.
31
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—
iyon ang ikaanim na araw.

Chapter 2
1
Nilikha nga ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon.
2
Tinapos niyang likhain ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw, at siya'y nagpahinga sa ikapitong araw.
3
Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang
lahat.
4
Ganito ang pagkalikha sa langit at sa lupa.

Ang Halamanan ng Eden


Nang likhain ng Panginoong Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit,
5
wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat hindi pa nagpapaulan noon ang Panginoong Yahweh, at wala
pa ring nagsasaka.
6
Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa kapatagan sa lupa.
7
Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.
8
Gumawa ang Panginoong Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang
nilalang.
9
Pinatubo niya roon ang lahat ng uri ng punongkahoy na magagandang pagmasdan at masasarap ang bunga. Sa gitna ng
halamanan ay naroon ang punongkahoy na nagbibigay-buhay, at gayundin ang punongkahoy na nagbibigay-kaalaman
tungkol sa mabuti at masama.
10
Umaagos noon mula sa Eden ang isang ilog na dumidilig sa halamanan. Paglabas doon, ito'y nahahati sa apat na sanga.
11
Ang una na kung tawagi'y Ilog Pishon ay umaagos sa lupain ng Havila.
12
Lantay ang ginto roon at marami ring bedelio at batong onise.
13
Ang ikalawang sanga ng ilog na tinawag namang Gihon ay umaagos sa lupain ng Etiopia. [c]
14
Ilog Tigris naman ang tawag sa ikatlong sanga, at umaagos naman ito sa silangan ng Asiria. Ang ikaapat na sanga ng
ilog ay ang Eufrates.
15
Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan.
16
Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan,
17
maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong
kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.”
18
Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng
isang angkop na makakasama at makakatulong.”
19
Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang Panginoong Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala
niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag,
iyon ang naging pangalan ng mga ito.
20
Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon sa himpapawid at hayop sa parang. Ngunit wala isa man sa mga
ito ang nababagay na makasama at makatulong niya.
21
Kaya't pinatulog ng Panginoong Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at
pinaghilom ang laman sa tapat niyon.
22
Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at dinala niya ito sa lalaki.
23
Sinabi ng lalaki,
“Sa wakas, narito ang isang tulad ko,
laman ng aking laman, buto ng aking buto;
babae ang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki siya'y kinuha.”
24
Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa.
25
Kapwa hubad noon ang lalaki at ang babae, ngunit hindi sila nahihiya.

Chapter 3
Nagkasala ang Tao
1
Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng PanginoongYahweh. Isang araw tinanong nito ang babae,
“Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?”
2
Sumagot ang babae, “Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan,
3
huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang
bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami.”
4
Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay! 5 Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang
kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti
at masama.”
6
Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na
kahanga-hanga ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at
kumain din ito.
7
Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon
ng igos, pinagtahi-tahi nila ang mga ito at ginawang panakip sa katawan.
8
Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang Panginoong Yahweh, kaya't nagtago sila sa mga puno.
9
Ngunit tinawag niya ang lalaki at tinanong, “Saan ka naroon?”
10
“Natakot po ako nang marinig kong kayo'y nasa halamanan; nagtago po ako sapagkat ako'y hubad,” sagot ng lalaki.
11
Nagtanong muli ang Diyos, “Sinong maysabi sa iyong hubad ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”
12
“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.
13
“Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?” tanong ng Panginoong Yahweh sa babae. “Mangyari po'y nilinlang ako ng ahas,
kaya ako natuksong kumain,” sagot naman nito.

Inihayag ng Diyos ang Kaparusahan


14
At sinabi ng Panginoong Yahweh sa ahas:
“Sa iyong ginawa'y may parusang dapat,
na ikaw lang sa lahat ng hayop ang magdaranas;
mula ngayon ikaw ay gagapang,
at ang pagkain mo'y alikabok lamang.
15
Kayo ng babae'y aking pag-aawayin,
binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin.
Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,
at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.”
16
Sa babae nama'y ito ang sinabi:
“Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin,
at sa panganganak sakit ay titiisin;
ang asawang lalaki'y iyong nanasain,
pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin.”
17
Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan:
“Dahil nakinig ka sa iyong asawa,
nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga;
dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa,
sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.
18
Mga damo at tinik ang iyong aanihin,
halaman sa gubat ang iyong kakainin;
19
sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling
maghihirap ka hanggang sa malibing.
Dahil sa alabok, doon ka nanggaling,
sa lupang alabok ay babalik ka rin.”
20
Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng sangkatauhan.
21
Ang mag-asawa'y iginawa niya ng mga damit na yari sa balat ng hayop.
Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva
22
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at
masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay.”
23
Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.
24
Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin.
Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang
punongkahoy ng buhay.

You might also like