You are on page 1of 1

Nilikha ng Panginoon ang tao mula sa alabok,

At ito’y sa alabok din uuwi.


2 Binigyan niya ang tao ng maikling buhay,
Ngunit ipinailalim sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa.
3 Pinagkalooban niya sila ng kalakasang tulad ng sa kanya,
At ginawa silang kawangis niya.
4-5 Niloob ng Panginoon na ang lahat ng may buhay ay matakot sa tao,
At maghari ito sa mga hayop sa lupa at ibon sa himpapawid.[a]
6 Binigyan niya ang tao ng dila, mga mata at tainga,
At kapangyarihang mag-isip at magpasya.
7 Pinuspos pa niya ng kaalaman at karunungan,
At tinuruang kumilala ng mabuti at masama.
8-9 Pinaliwanag ng Panginoon ang isipan ng mga tao,
At ipinakilala sa kanila ang kagandahan ng kanyang nilalang,[b]
10 upang papurihan nila ang kanyang pangalan
At ipahayag ang kadakilaan ng kanyang mga gawa.
11 Ibinigay niya sa tao ang kanyang mga aral,
At ipinamana sa kanila ang Kautusang nagbibigay-buhay.
12 Nakipagtipan siya sa mga tao magpakailanman,
At ipinahayag sa kanila ang kanyang mga kautusan.
13 Nakita nila ang kanyang maningning na paghahari,
At narinig nila ang kanyang maluwalhating tinig.
14 Sinabi niya sa kanila: “Mag-ingat kayo sa lahat ng masama;”
At iniutos sa kanila ang tungkulin ng bawat isa sa kanyang kapwa

You might also like