You are on page 1of 3

*greetings and introduction ng self

Algiah: Pwede ba kayong tumingin sa paligid niyo? Anong nakikita niyo?

*Pagrecite-in sila

Algiah: Tama! Mga halaman, puno, hayop, lupa, tubig, at mga tao. Yan ang ilan sa mga nakikita natin sa mundong
ito.

Haia: Maganda ba ang mundong tinitirhan natin?

*pagrecite-in sila

Haia: Diba? Napakaganda at nakakamangha ang mundong tinitirhan natin. Ngayon, gusto niyo bang malaman ang
kwento ng paglikha ng mundong ito?

*pagrecite-in

Michael: Mabuti! Dahil sa umagang ito, ikwekwento namin ang paglikha ng Diyos sa ating mundo sa loob ng anim
na araw! Anim na araw lang, dahil sa panghuling araw ay nagpahinga Sya. Umpisahan na natin?

Haia: Sa unang araw, nilikha ng Diyos ang langit at lupa. Ngunit ang lupa ay isang napakalaking kawalan, pag
sinabi nating kawalan, ang mundo noon ay wala kahit na ano, walang halaman, walang mga puno, walang hangin at
puno lamang ng katubigan. Noong mga panahon din na iyon, ay wala kahit isang maliit na singaw ng liwanag.

Kung kaya't sabi ng Diyos, "Magkaroon ng liwanag!", at noon nga, ay nagkaroon ng liwanag, at tinawag nya itong
araw, at ang dilim naman ay gabi.

Haia: Ano nga ulit ang ginawa ng Diyos sa unang araw?

*pagrecite-in

Algiah: At dumating ang pangalawang araw (second day), sinabi ng Diyos na "Magkaroon ng kalawakang
maghahati sa tubig ipang ito'y maghiwalay" at 'yon nga ang nangyari. Langit ang tinawag nya sa kalawakan.

Algiah: Tumingin kayo sa inyong itaas, yan ang langit.

Algiah: Sa ikatlong araw naman, sinabi ng Diyos na "Magsama-sama sa isang dako ang tubig sa silong ng labgit
upang lumitaw ang lupa", at dyan na umusbong o nagkaroon ng lupa, na tinatapakan natin ngayon. Ang makikita
nating malaking anyong tubig ay tinatawag na dagat, at ang tinatapakan naman natin ngayon, ay tinawag Nyang
lupa.

Algiah: Sino na ang nakapunta at nakaligo sa beach dito? Itaas ang kamay!

*pataasin kamay

Algiah: Oh wow! So ayan ang dagat na isa sa mga nilikha ng Diyos.

Algiah: Sa parehong araw, sinabi ng Diyos na, "Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang
nagkakabinhi at mga punong namumunga", at iyon nga ang nangyari. Tumubo ang mga iba't ibang klase ng
halaman, puno at mga oras sa lupa at nasiyahan ang Diyos sa kanyang nasaksihan.

Algiah: Kayo? Nasisiyahan ba kayo sa mga halamang nakikita niyo sa kapaligiran?


*pagrecite-in

Michael: Wow! So ayan ang mga nilikha ng Diyos sa una, ikalawa at pangatlong araw!

Michael: Ngayon naman, sa pagsapit ng ikaapat na araw, sinabi ng Diyos na, "Magkaroon ng mga tanglaw sa langit
upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon, at kapistahan. Mula sa
langit, ang mga ito'y nagbibigay ng liwanag sa daigdig."

Michael: Ano ang mga nakikita niyo sa gabi?

Michael: Tama! Mga bituwin at buwan! Sila 'yong mga nagbibigay ng liwanag saatin sa gabi. Kung wala ang mga
yon, at ang ating sun upang magbigay liwanag tuwing araw, magiging madilim ang ating mundo.

Michael: Gusto niyo ba 'yon? Syempre ayaw diba? Kaya't magpasalamat tayong mayroong Araw, buwan at mga
bituwin upang magbigay saatin ng liwanag!

Michael: Ano nga ulit ang tatlong nilikha ng Diyos sa ikaapat na araw?

*pagrecite-in

Haia: Natapos ang ika-apat na araw, at dumating ang ikalimang araw.

Haia: Sa ikalimang araw naman, sinabi ng Diyos na "Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay at
magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid."

Haia: Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig, gayundin ang lahat
ng uri ng ibon.

Haia: Kung kaya't sa pang limang araw, ginawa ng Diyos ang mga hayop. Iba't ibang mga hayop, mga maliliit at
malalaking isda na nakikita natin sa mga dagat at mga ibon na nakikita nating lumilipad sa itaas.

Haia: Magbigay nga kayo ng mga hayop na alam niyong sa dagat naninirahan?

*pagrecite-in

Haia: Ngayon, magbigay naman nga kayo ng mga halimbawa ng hayop na lumilipad?

*pagrecite-in

Haia: Tama! Yan ay mga halimbawa ng mga hayop! At ang mga hayop ay dapat nating minamahal at
pinapahalagahan, dahil sila ay may mga buhay din at nilikha rin ng Diyos tulad natin.

Algiah: Ang ika-anim na araw ay espesyal, dahil sa araw na ito, nilikha ng Diyos ang tao.

Algiah: Sino nga ba ang mga tao? Syempre, tayo.

Algiah: Sa ika-anim na araw, sinabi ng Diyos, "Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa— maaamp, maiilap,
malalaki at maliliit."

Algiah: Pag sinabi nating maiilap, ito 'yong mga hayop na hindi masyadong friendly sa mga tao, tulad nalang ng
mga leon, trigre mga crocodiles, ganon. 'Iyong mga maamo naman, sila yung mga hayop na madalas natin maging
pet.
Algiah: Magbigay nga kayo ng mga hayop na friendly? May mga pet ba kayo sa bahay?

*pagrecite-in

Algiah: Wow! Alagaan niyo silang mabuti!

Algiah: At ngayon naman, pagkatapos gawin ng Diyos ang mga hayop naninirahan sa lupa, sinabi ng Diyos na,
"Ngayon, likhain natin ang tao, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa
himpapawid, at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit."

(sisingit dito si Pres)

Michael: So tayo pala ang itinalaga ng Diyos na maging tagapangalaga ng mga hayop. Ngunit alam niyo bang hindi
lang hayop ang dapat nating pangalagaan?

Michael: Dapat din nating pangalagaan ang ating kapaligiran, ang ating mundo kung saan tayo naninirahan. Kasi
kung hindi natin ito pangangalagaan, tayo lang din ang maaapektuhan kasi dito tayo tumitira.

Michael: Pero kuya Michael, paano nga ba natin mapapangalagaan ang ating kalikasan? Maaring itanong niyo ito.

Michael: Alam niyo mga bata, maraming paraan para mapangalagaan natin ang ating kapaligiran. Una, sa pagtapon
natin ng mga basura sa basurahan. Kasi kung itatapon lang natin ito sa kung saan saan, maaari pa itong magdulot
ng baha. Gusto niyo ba maranasan ang pagbaha? Diba hindi?

Haia: Isa pang paraan para mapangalagaan natin ang ating kapaligiran ay ang hindi natin pag-aksaya ng tubig.
Dapat hindi lang natin sinasayang sayang yung mga tubig na meron tayo ngayon, kasi paano nalang kung wala ng
malinis na tubig sa mundo natin? Ano nalang iinumin natin? Ano ang ipanliligo? O ano ang mga ipanlilinis natin sa
mga gamit natin? Diba? Kaya napakaimportante ng tubig sa ating buhay, kasi hindi natin kayang mabuhay, kung
wala ang tubig.

Algiah: At para sa pang huli, dapat ginagawa natin ang Re-use, reduce at recycle. Kung maaari pang gamitin ang
isang bagay, dapat hindi natin ito tinatapon agad kasi dadagdagan lang sya sa mga wastes or basura sa kalikasan.
Kaya dapat, matuto tayo magre-use at pati narin magrecycle.

Algiah: Paano nga ba magrecycle ate Algiah? Halimbawa nalang ang mga bote ng wilkins, yung malalaki? Pwede
natin iyong gawing paso, diba? Nakatulong ka na nga sa kapaligiran, nagkaroon pa kayo ng paso sa bahay!
Ganyan ang irecycle.

Michael: So ito ang mga paraan upang mapangalagaan natin ang ating kapaligiran.

Haia: May mga natutunan ba kayo? Magtatanong naman kami ngayon. Pero bago magkalimutan, sa ikaanim na
araw din, ay nilikha ng Diyos ang tao. At ang ngalan nito ay si Adan, napansin ng Diyos na malungkot si Adan kung
kaya't binigyan sya ng Panginoon ng Asawa, at ito ay si Eba. At magkasama nilang pinangalaagan ang mga nilikha
ng Diyos, at isa-isa nila silang binigyan ng pangalan.

Haia: At pagsapit ng ika-pitong araw, ay nagpahinga ang Diyos.

Algiah: So dako naman na tayo ngayon sa mga questions.

(Algiah, magprepare ng questions.)

You might also like