You are on page 1of 2

Activity 1 (question no.

3)

Ipaliwanag ang mga naging epekto nito sa buhay ng mga tao?

Ang mga epekto ng mga kalamidad na dumadating satin dahil sa climate change o pabago-bago ng
panahon at global warming tulad ng bagyo, tagtuyot at iba pang kalamidad ay nagiging sanhi nito sa
kahirapan ng mga tao. Maraming tao nawawalan ng matitirahan o bahay, mga pagmamay-ari, mga
importanteng tao sa kanilang buhay at higit sa lahat sarili nilang buhay. Isa na rito ang bagyo na
nagdudulot ng pagbaha at landslide na nagdudulot ng pagkawala ng buhay ng mga tao o pagkamatay.
Pagtuyot na nagdudulot rin ng pagkapatay ng mga isda sa katubigan at mga hayop sa lupa. Marami pang
kalamidad na makakaepekto sa mga tao o mapa hayop man na magdudulot ng kasamaan sa kanilang
mga katawan at iba pang bagay.

Activity 2 (masdan mo ang kapaligiran) sanaysay

Ang sabi nila anim na araw daw iginugol ng Diyos ang paglikha saating mundo at sa ikapitong araw ay
natapos na siya. Luimkha siya ng mga puno at halaman. Gumawa ng katubigan at kalupaan na titirhan ng
mga hayop sa dagat, lupa o mapahimpapawid man. Isa rin sa mga nilikha niya ang pinaka espesyal ay
ang mga tao. Mga tao na dapat mangangalaga ng ating kalikasan. Ngunit ang katanungan ngayon
naaalagaan nga ba ng mga tao ang ating kalikasan? Sa kantang masdan mo ang kapaligiran ng asin may
isang linya ang inilalarawan ang kapaligiran ngayon. Ang linyang ito ay “Kay dumi na ng hangin, pati na
ang mga ilog natin. Masdan mo ang tubig sa dagat dati’y kulay asul ngayo’y naging itim.” Hindi niyo ba
napapansin ang mga dagat, ilog at iba pang anyong tubig natin ay marumi na at maraming namamatay
na ibat ibang isda at hayop sa katubigan. Mayroon rin sa kalupaan makikita mo ang mga kalbong gubat o
bundok ng kadahilanan ng pagputol ng mga puno at halaman. Nawawalan rin ng tirahan ang mga hayop
sa kalupaan ng dahil rito. Mga basura at kung ano-ano pang bagay na nakakalat saating kapaligiran na
nagdudulot ng masamang mikorbya saating mga kalusugan. Mga usok sa mga pabrika at mga
transpotasyon na sasakyan na nagdudulot ng pagkasira ng ating ozone layer na nagsasanhi ng ating
global warming at kadahilanan na hindi na tayo makalanghap ng sariwang hangin. Ito ang mga sanhi ng
kalamidad na nararanasan natin. Pero ang tanong maari pa ba natin masolusyonan ang mga ito?
Mayroon pa bang paraan upang bumalik sa payapa ang ginawang kalikasan ng Diyos? Oo maari pang
mabago ito at maging payapa sa pamamagitan ng paggawa ng tama saating kapaligiran tulad ng iwasan
ang pagputol ng mga puno para iwas sab aha o landslide at may matirhan ang mga hayop sa lupa.
Iwasan ang mga pagtapon sab asura sa may dagat upang maging malinis ang karagatan at mabuhay ang
mga isda at iba pang anyong tubig. Maging malinis saating kapaligiran upang maiwasan ang mga sakit na
maari natin makuha at ang panghuli iwasan ang mga nagdudulot ng pag usok saating kapaligiran tulad
ng mga transportasyon sasakyan maaring maglakad na lamang o mag commute, maari rin sumakay na
lamang sa mga bus, jeep at iba pa kung may sasakyan ka man para iwas sa polusyon. Kapag ito’y nagawa
maaring makalanghap na tayong sariwang hangin. Iyan mga simpleng bagay na pwede natin gawin
upang mabago pa ang ating kapaligiran at maging payapa ang nilikha ng Diyos para satin.
Song Parody Lyrics ( Ako Naman Muna ) title of the song

Kada hakbang sa lupa ay para akong inaanod

At nalulunod sa kahirapan ng mundo

Sa kung ano lamang ang kaya nito

Pigang piga na sa mga problemang kalikasan

Parang wala ng bukas, parang wala ng bukas

Mga puno’t halaman at hayop ay nauubos

Mga tao ay wala ng pakundangan, wala ng pakundangan

Dahan dahan natin simulan ang ating paghakbang

Dahan dahang baguhin ang kalikasan upang makita natin ang kagandahan

Dahan dahang ingatan ang kalikasan upang masilayan ang payapang kalangitan

Oo mahirap na, pero hindi tayo nag iisa

Kaya’t linisin na at baguhin ang ating kalikasan

Kada langhap sa hangin, pansin ko ay lagi na lang usok

Walang malinis, halos puro polusyon sanhi ng konsumisyon

You might also like