You are on page 1of 5

Natural Disasters

Ang Forest Fire ay tumutukoy sa hindi kontroladong sunog na nangyayari sa kagubatan o


kakahuyan.
Ang tagtuyot ay isang mahabang panahon ng abnormal ng pagtigil ng ulan na nagdudulot ng
kakulangan ng suplay sa tubig.
Ang Hurricane ay isang matinding bagyo na may kasamang kulog.
(common) (Ang lahat ng) ito ay halimbawa ng mga natural na kalamidad. Hindi ito gawa ng tao
kaya nararapat na tayong lahat ay dapat na maghanda at maging alerto sa mga posibleng mangyaring
sakuna katulad ng paghahanda mo sa mga posibleng pananakit ng jowa mo sa iyo. Sana all may Jowa!
Maging alerto at sensitibo sa mga senyales ng sakunang ito baka hindi mo mapansin, pinagpalit ka na
pala niya.
Ugaliing mag-impok at sanayin ang sarili sa iba’t ibang kasanayang pangkaligtasa dahil hindi natin
maiiwasan ang mga kalamidad na likha ng kalikasan, pero mayroon tayong magagawa para mailigtas ang
ating sarili at maiwasan ang mga negatibong epekto nito sa ating buhay.

Illegal Logging/Tree planting


Ang illegal logging ay ang pagputol ng puno na walang permiso galing sa pamahalaang lokal na
nasasakupan ng isang lugar. Ang malaking epekto nito ay ang pagkawala ng tirahan ng milyong-milyong
uri ng hayop. Sa patuloy rin na pagputol ng puno lumiliit ang tsansa na may maabutan na likas na yaman
at may pagkukunan pa ng kanilang pangangailangan ang susunod na henerasyon katulad rin ng pagliit
ng tsansa na maging kayo ng crush mo.
or
Matagal nang isinusulong ng gobyerno ang tungkulin ng bawat mamayan na magtanim nang
puno o makiisa sa programang tree planting ngunit para yatang hindi natin maramdaman ang dapat na
mabuting epekto nito? Matagal mo na nga rin syang crush pero wala pa rin siyang nararamdaman para
sa iyo. Isipin niyo na lang ang pagkaing mula sa halaman, ang sariwang hanging ating nilalangahap at ang
puno nagbibigay silong sa sa tanghaling tapat. Sa pagkawala ng puno’y, gutom, tag-init, landslide at baha
ang ating mararanasan.
(common) Bakit ba kasi may mga taong di payag mawala ka, pero di naman gumagawa ng
paraan para manatili ka? Nakakainis lang ha pero kung katulad mo ako na gustong panatilihin ang
berdeng paligid at kasaganaan ng kalikasan may oras pa kaibigan na tayo ay magbago at simulan ang
pangangalaga dito sa pamamagitan ng pagtatanim at pagtigil sa illegal na pagputol ng puno. Sabi nga
nila - Magtanim tayo ng kabutihan upang tayo ay may maaning kasaganaan. Samahan ninyo ako sa
pangangalaga ng mabuti sa ating inang kalikasan upang saganuoy pagpalain tayo nga Maykapal.
Improper Waste Disposal/ Waste management
Dahil sa katamaran at kakulangan sa displina ng pagtatapon ng basura ay naging malaking
problema ito ng ating komunidad at ng ating kalikasan. Ito ay naging rason ng pagbara sa mga kanal na
nagdudulot ng pagbaha sa ating kapaligiran at nakakasira ito sa tubig, lupa, at hangin na ating
ginagalawan. Isapuso natin at isabuhay na hindi tayo maihalintulad sa basura na nagiging perwisyo,
sagabal at hindi napapakinabangan bagkus ay dapat nating sanayin ang ating sarili na mag”reduse,
reuse, recycle” upang mabawasan ang kalat. Ugaliin ring gumamit ng mga produktong eco-friendly,
Parang kayo ng crush mo- hanggang friends lang. Pero wag mawalan ng pag-asa kaibigan dahil sa
pagkakaibigan nag-uumpisa ang lahat!
Tapon dito, tapon doon –huwag naman ang ugaling patapon kaibigan, nahulog na nga, hindi mo
pa sinalo wag naman ganon. Ugaliin at isagawa ang CLAYGO o Clean as You Go upang mapanatili ang
kalinisan ng ating paligid at maiwasan ang mga sakunang maaring dulot ng kapabayaan natin.

Climate Change
Ang climate change ay tumutukoy sa pagdami o pagliit ng buhos ng ulan o di kaya’y pagtaas o
baba ng temperature ng isang lugar. Ito ay ang pagbabago-bago nga klima sa karaniwang panahon na
dapat sana ay mangyari sa isang lugar. Pero mayrron akong natuklasan, alam niyo ba na ang climate
change ay hindi lang nagyayari sa daigdig, nararanasan din ito nga relasyon mo sa kasintahan mo -
mainit sa simula pagakatapos bigla siyang nanlamig sa iyo hanngan sa tuluyan na siyang nagbago at
iniwan ka.
Or
Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at
ang patuloy na paglala nito sa buong mundo.Buti pa nga ang mundo umiinit, eh siya sa iyo nanlalamig
na. Dahi sa pagsusunog ng mga fossil fuels ay unti-unti nabubutas ang ozone layer na siyang nagsisilbing
tagasala o filter sa tindi ng sinang ng araw. Lagyan rin nga natin ng ozone layer ang may makakating dila
at nang mafilter naman nila ang sinasabi nila at hindi makapagkalat ng chismis.
(common) Marahail nangyayari ito dahil narin sa gawain ng mga tao katulad na lamang ng
pagsusunog ng Fossils fuels at ang conversion ng lupa para sa agrikultura at pagpapatayo ng mga gusali.
Upang ito ay maiwasan, sumupurta sa mga usapin ukol sa climate changeglobal warming, maging
responsabling mamamayan at wag magsunog ng mga plastic, maging matipid sa enerhiya at tigilan ang
pagputol ng mga puno
Wala kasing permanente sa mundo, siya nga nagbago, Klima pa kaya. Joke! Hindi pa naman huli
ang lahat- Ako, ikaw, tayo ang simula ng pagbabago kaya’t tayo na tungo sa magandang pagbabago.

Water Pollution
Ang polusyon sa tubig ay ang pagbabago ng komposisyon ng isang anyong tubig dahil sa mga
kemikal at iba’t-ibang uri ng basura na nahahalo sa tubig. Ang tubig ay napakaimportante sa buhay ng
tao kapag ito ay nahaluan ng polusyon tiyak na magkakasakit at magdurusa tayo. Bigyan natin ng
importansya at kahalagahan ang tubig gaya ng pagbibigay natin ng importansya sa lahat ng mga bagay
na ating pinaghirapan.
Tubig is water, ilog is river combine it together wala pa ring forever. Wala talaga tayong forever
kapag nawala ang tubig sapagakat isa ito sa mga unang pangangailangan ng tao kaya’t iwasan ang
paggamit ng dinamita at ang pagtapon ng basura upang mapanatili ang kalinisan ng tubig at ang yamang
tubig.

Oil Spill
Ang oil spill ay ang pagkalat ng langis sa ating kapaligiran, lalo na sa kadagatan. Ito ay nakasisira
sa yamang dagat at yamang lupa na nakakaapekto sa ekonomiya ng isang lugar. Buong mundo ang
nalulunod sa malimit na oil spills sa karagatn, mabuti sana kung malunod sa pagmamahal mo diba? Sa
dami ba naman ng oil tankers na bumabyahe sa lahat ng sulok ng daigdig, Malaki ang tyansa na isa sa
kanila ang sumadsad o mabunggo at magsuka ng tone-toneladong langis na nagwawasak sa kalikasan.
Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, nararapat na dublehin- hindi ang pangangaliwa, hindi ang
pag-aasawa kundi ang hull ng mga oil tankers. Kapag nangyari ito nagiging mas matibay ang katawan ng
barko at maiiwasan ang pagpasok ng tubig-dagat at paglagas ng langis sa dagat. Ang saya diba? Try nyo
rin kayang magdouble hull baka mawala ang mga nakikisawsaw sa relasyon niyo.
Maraming nang dumi at kontaminasyon sa mundo, wag ka nang dumagdag sizst. Sa simpleng paraan na
paglilinis sa dalampasigan at kadagatan ay nakakatulong tayo upang mapanatili ang kalinisan ng
kapaligiran. Whatever the problem, be part of the solusyon.

Illegal Mining

Ang illegal na pagmimina ay isang pagmimina ng walang pahintulot at walang papel o


pagpapatunay na ang papel na kanyang hinahawakan ay isang katibayan na magsasabing sya ay legal na
nagmimina. Sinasabi ko sa inyo, lahat ng walang pahintulat ay masama, ito ay madalas na nakatago dahil
takot malaman ng ibang tao, parang kayo ng jowa mo, tago ng tago! Dapat rin na may pinanghahawakan
kang katibayan, na magpapatunay na meron ka talagang karapatan, mahirap ang walang label siszt,
tandan niyo yan! Ito ay isang gawaing hindi pinapahintulutan ng mga ahensya katulad ng DENR at iba
pang ahensya na nangangalaga sa ating kabundukan. Maghanap ka ng taong aalagaan ka, hindi yung
taong ipapahamak ka.
Isapuso at isaisip natin na lahat ng ginagawa natin sa ating kapaligiran ay bumabalik rin sa atin,
mahalin at alaggaan natin ito para sa ganun ay mahalin at alagaan rin tayo ng kalikasan at ng crush
natin.
Flooding
Sa pagbuhos ng malakas na ulab, unti-unting umaapaw ang tubig at natatabunan ang kalupaan.
Ito ay ang pagbaha na sanhin ng kapabayaan at pang aabuso ng mga tao sa ating kapaligiran at
kalikasan. Mas mabuti pang putulin mo ang relasyon mo sa taong hindi ka mahal kaysa ang putulin ng
walang pakundungan ang mga puno sa gubat. Mas mabuti pang itapon mo ang masasakit na ala-ala sa
kanya kaysa ang itapon ang nga plastik, bote at guma sa ating paligid. Sino ba naman ang higit na
maapektuhan kung magkakaroon ng baha. Tayo rin namn diba?. Kaya't simulan nang magsegragate ng
mga basurang pwede pang irecycle at magtanim ng mga puno. Dahil mas mabuti pang malunod ako sa
pagmamahal niya kaysa sa tubig na marumi at puno ng basura.

Smoke Bleching.
Nakakamatay. Tayo ay mamamatay kapag ang hangin na nagbibigay sa atin ng buhay, ang hangin
na ating nilalanghap ay sadyang maduni at nakakalason. Sa mga hindi nakakaalam ang smoke belching
ay tumutukoy sa usok na nanggagaling sa mga sasakyan. Ito ay may malaking kontribusyon sa polusyon
sa hangin at panghihina ng kalusugan ng tao dahil sa paggamit ng mga sasakyang nakapagbubuga ng
maitim na usok. Upang maiwasan ang smoke belching ay dapat na sundin ang mga patakaran tungkol sa
wastong panganglaga ng sasakyan. Ayaw ko pa kayang mamatay at mas ayaw kong mamatay na maitin
ang kulangot.

Dynamite fishing.
Kung boom, boom, boom sa kalawakan ay fireworks, ano naman ang boom, boom, boom sa
karagatan? Edi dynamite fishing. Alam niyo ba na ang dynamite fishing ay ang paggamit ng mga
dinamita sa paghuli ng malalaking halaga ng isda? Ang illegal na gawaing ito ay nakasisira sa likas na
yaman natin na pinagkukunan ng ating pangangailangan. Mamatay-matay ka na nga ng iniwan ka niya
ano pa kaya ang mawalan ng yamang tubig na bumubuhay sa iyo. Ang kemikal na ginagamit sa dinamita
ay hindi mabuti pra sa ating kalusugan, in short, Toxic-patang relasyon niyo nakakasakal na kaya kung
ako sa iyo, bumitaw kana't bagkus tumulong ka nalng na maiwasan ito sa pamamagitan ng pagpapaalam
sa mga mangingisda tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng balansing marine ecosystem. Bilang
estudyante, makakatulong tayo sa pamamagitan ng pagturo sa tao ng mas mabuting paraan ng
pangingisda at pagpapaalam ng mga masang epektong dulot nito.
Closing Statements

Kiara
Kung sinisira natin ang ating kalikasan, para na rin nating sinisira ang ating kinabukasan. Sabi nga
nila “In every action there is a reaction”. Gumawa tayo ng mabuti at kabutihan ang babalik sa atin,
gumawa tayo ng masama, at kasamaan rin ang babalik sa atin. Maging matalino tayo sa ating mga
desisyon. Isaisip at isapuso natin na may responsibilidad tayo sa ating inang kalikasan.

Jeselle
Bigyang pansin ang inang kalikasan.Huwag nang hintaying tayo’y mawalan, huwag nang
hintaying tayo’y mapahamak. Ang kalikasan ay kayamanan na dapat pangalagaan. Ako, at ikaw bilang
estudyante ay may maitutulong dahil sa maliit na ginagawang pagbabago ay may isang magandang
kinabukasang matatamo.

Jasper
Ano mang sakuna o problema’y masosolusyunan kung tayo ay magtutulungan at may disiplina.
Hindi man ako kasing laki ni Goliath o hindi ka man kasing talino ni Merian, tiyak na may maitutulong
parin tayo basta’t ang salita at gawa ay nasa tama. Kalikasang/Mundong kay linis at kay ganda, yan ang
imaheng ating kinagisan, mahalin at pangalagaan upang ang susunod na henerasyo’y may masilayan.

Aryanna
Ang kapaligiran na ating ginagalawan ay parte ng kalikasang ating yaman. Maging responsable at
maingat. Timbangin ang mga posibilidad ng bawat desisyon. Tayo ang tinaguriang tagapangalaga ng
Diyos. Sa pagiging respnsable- ang biyayang hinahanap ay siyang matatanggap.

Keziah
Magkaroon ng pagkakaisa at disiplina sa sarili. Sa bawat desisyon, alamin ang tama at mali dahil
kaakibat nito ay premyo o kaparusahan. Marami tayong magagawa upang alagaan ang ating kalikasan,
iyon ay kung ating nanaisin. Kapit-bisig at maging isa sa pagbalik ng paraisong nagdusa.

You might also like