You are on page 1of 6

JULLIE ANNE D.

MALVEDA
BSBA 1
MAKALIKASAN
Ang pagiging isang tunay na makalikasan ay dapat
kasama ang damdamin, pag-iisip at puso. Kung wala tayo
nito ay hindi natin masasabing tunay tayong makalikasan.
Dapat ay may damdamin tayong makatao, dahil ang tao
ay bahagi ng kalikasan. Ang kalikasan ay marunong
gumanti kung inaakala niya na binubusabos o inaapi natin
siya, kung ano ang maitutulong natin sa kanila gawin
natin ito. At makikita natin na balang araw tutulong din
sila sa atin. Maraming tao ang nagsasabing siya ay
makakalikasan, pero nagtatapon ng basura kung saan-
saan, Gumagamit ng mga pananim na ginagamitan ng
kemikal at higit sa lahat gumagamit ng mga kagamitang
galing sa punong-kahoy sa kagubatan. Masasabi ba natin
na tayo ay makalikasan kung ang mga ito ay ating
ginagawa? Ang tunay na may pagmamahal sa kalikasan
ay may puso dahil kung may damdamin tayong
makakalikasan dapat may puso o awa tayo sa mga buhay
na nilalang maging ito man ay insekto, hayop at puno.
Dahil lahat iyan ay ginawa ng atin Diyos para makatulong
sa pangangalaga ng ating kalikasan. Nagiging mapanganib
lang sila dahil na din sa mga pinag-gagagawa din natin!
Mahirap maging tunay na makalikasan pero kung meron
tayong pag-unawa at disiplina sa sarili ay
mapapangalagaan natin ang ating kalikasan. Dahil ang
ating kalikasan ngayon ay naghihingalo na, dapat na
siguro tayong makialam at sumali sa pag-sagip nito, hindi
ito para sa ating mga nakakinabang lamang kundi pati na
ang ating magiging anak, mga magiging apo, at sa mga
batang ngayon ay isisilang pa lamang. Pano na sila kung
hindi pa man sila namumulat sa ating mundo ay sira na
pala, at hindi na sila makapag-enjoy sa magiging buhay
nila? Kung ako ay ipapanganak pa lang, pipiliin kong
lumaki na lang sa sinapupunan ng aking ina para hindi ko
maranasan ang bigat ng dumi at pag-mamaltrato sa ating
kalikasan. Kailangan na tayo ng ating kalikasan! Sa
patuloy na pag dumi ng ating kapaligiran, sa patuloy na
pagbabago ng klima, sa patuloy na unti-unting pagkasira
ng ating kalikasan ay tayo rin ang maaapektuhan. Kung
tayo lang ay marunong sumunod sa mga batas na
pinapatupad ng mga taong may malasakit sa kalikasan ay
hindi sana nag kakaganito ang ating kalikasan. Katulad ng
paghihiwalay ng basurang di nabubulok at nabubulok,
pagtapon sa mga basura sa tamang basurahan,
pagtatanim at iba pang gawain na makatutulong sa
ikakaganda ng kalikasan.

Sino nga ba ang dapat sisihin komunidad o Gobyerno?


Gobyerno na patuloy sa pag-gawa ng mga proyekto na
nakakasira sa kalikasan? Mga instrakturang sumasakop sa
mga kagubatan na sumisira sa mga puno sa kapaligiran.
Mga kompanyang pinahihintulutan ng gobyernong itayo
malalapit sa dagat na siyang dinadaluyan ng mga kemikal
na galing sa pabrika. Mga lamang dagat naaapektuhan at
nasisira dahil sa mga kemikal at basurang tinatapon sa
mga dagat. O komunidad na patuloy sa pagtatapon ng
mga basura sa kapaligiran? Mga taong hindi marunong
sumunod sa mga patakaran na nilulunsad ng mga taong
may paki-alam sa ating kalikasan. Mga taong matitigas
ang mga ulo na gumagawa ng ikasisira ng ating kalikasan,
tulad ng pagtotroso kaya nakakalbo ang ating mga
bundok dahil sa mga ilegal na gawain. Mga usok na
nanggagaling sa mga sasakyan at mga plastic na
sinusunog sa mga bahay-bahay na nakaka-apekto sa ating
Ozone Layer na nagiging dahilan ng Global Warming sa
ating mundo. Mga taong sumisira sa ating yamang dagat,
sa patuloy na pagkasira ng mga lamang dagat. Dahil sa
mga taong walang pakundangan sa pag didinamita kaya
nauubos ang mga isda na kahit maliit pa lamang ay
nagsisingamatay na. Dahil sa labis na kasakiman ng tao,
na sarili lamang ang iniisip. Kaya tayo ngayon ang
nagdurusa. Sa mga pabago-bago ng klima sa ating bansa,
nakakaruon tayo ng mga sakit o kaya naman ay sakit sa
mga balat. Patuloy na pagbaha sa karamihan sa ating
lugar dahil sa mga basurang tinatapon natin sa mga kanal.
Labis na init ng araw na nagiging sanhi ng El nino kaya
naaapektuhan ang mga taong umaasa lang sa mga
pananim nila. Pagkakaroon ng Food Shortage. Dahil sa
magsasakang naaapektuhan. Sanhi nito ang pagtaas ng
mga bilihin. Kaya karamihan sa ating mga kababayan ang
nagugutom. Kaya dapat na tayong kumilos kung hindi
ngayon kailan pa? Pagtuluyan ng sira ang ating kalikasan?
Pagwala na tayong mapagkukunan ng ating makakain sa
araw-araw? O wala na tayong sariwang hanging
lalanghapin? Kaya kailangan na tayong magkaisa para sa
ating kalikasan. Dahil tayo lamang ang makakatulong sa
kalikasan na lumagong muli. Kung marunong tayong
sumunod at may disiplina sa sarili maililigtas natin ang
ating kalikasan sa patuloy na pagkasira. SAVE OUR
MOTHER EARTH!

You might also like