You are on page 1of 4

MAGALANG CHRISTIAN ECUMENICAL SCHOOL, INC.

Marbea Subd., Sta Cruz Magalang Pampanga


UNANG BUWANANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade IV- (B) Ephesians
Pangalan: ____________________________________ Marka: _____________
Lagda ng Magulang: ___________________________ Petsa: Hulyo 15, 2019

I. Isulat ang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at isulat ang Mali kung hindi.

_______ 1. Alamin kung ano ang tama sa mali.


_______ 2. Huwag magpadalus-dalos sa pagpapasya.
_______ 3. Maging bukas ang isipan sa mga nangyayari sa paligid.
_______ 4. Sinusuri ang aking mga napapanuod kung may kabuluhan o wala.
_______ 5. Naiingit ka sa iyong kaklase dahil siya ang paborito ng guro.
_______ 6. Nagpaalam si Romel sa kanyang nanay na pupunta siya sa bahay ng kaibigan. Tinanong siya ng
kanyang nanay kung ano ang kanyang gagawin sa bahay ng kaibigan. Upang payagan, sinabi ni
Romel na gagawa sila ng proyekto ng mga kaklase kahit hindi naman ito totoo.
_______ 7. Ang taong matapat ay nabubuhay nang matiwasay at dignidad sa sarili.
_______ 8. Halos lahat ng kaklase mo ay nagkokopyahan sa pagsusulit. Pagkalabas sa klase ng inyong guro
dahil may bisita na dumating, ikaw ay nangopya na rin.
_______ 9. Hindi lahat ng nakikita mo sa iyong paligid ay tama.
_______ 10. Noong binalik ng inyong guro ang inyong papel, napansin mong mali ang bilang ng iyong iskor,
sobra ito ng limang puntos. Hindi mo na ito sinabi sa iyong guro dahil nahiya ka.

II. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa katotohanan?


a. Sinabi mo sa iyong guro na kaya ka lumiban dahil ikaw ay nagkasakit, pero ang totoong dahilan ay
hindi ka kaagad nagising
b. Nasira mo ang pinto ninyo sa banyo, sinabi mo sa iyong nanay na ang kapatid mo ang nakasira sa
pinto.
c. Nakita mo ang iyong kaklase na nangongopya sa kanyang katabi ngunit wala kang sinabi sa iyong
guro kahit na alam mo na ito ay mali.
d. Sobra ang naibigay na sukli sa iyo ng tindera sa palengke at ikaw ay nagpasyang ibalik ang sobrang
sukli sa tindera.

_____ 2. Ang mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa kapaligiran kahit walang
nakakakita MALIBAN SA ISA.
a. Sa parke hindi mo pinipitas ang mga bulaklak na nakikita mo.
b. Sa palikuran ay ipina-flush mo ang kubeta at hindi itinatapon ang tissue sa toilet bowl para magamit
ng ibang tao.
c. Sa palaruan ay itinatapon mo sa tamang lalagyan ang iyong kalat.
d. Sa daan ay inilalaglag mo ang mga basura galing sa iyong bulsa mula sa paaralan.

_____ 3. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong kapitbahay. Paglabas
mo ng silid-aralan, nakita mong umapaw ang basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang
umuwi ang iyong mga kaklase. Ano ang gagawin mo?

a. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli sa birthday party na iyong dadaluhan.
b. Mabilisang aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
c. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako.
d. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang tagalinis sa araw na iyon.
_____ 4. Oras ng rises, mahaba ang pila sa pagbili ng pagkain sa kantina. Nasa bandang hulihan ng pila si
Marie. Kung ikaw si Marie, ano ang gagawin mo?
a. Hindi na pipila at titiisin na lamang ang gutom.
b. Magtitiis na pumila hanggang sa makaabot sa unahan.
c. Sisingit sa bandang gitna ng pila para mabilis.
d. Pupunta sa unahan ng pila at makikiusap sa paunahin siya.

_____ 5. Tuwang-tuwa ka dahil pinasalubungan ka ng tatay ng isang kahong “loombands”. Itinago mo ito bago
pumasok sa paaralan. Pagdating mo sa bahay, nakakalat ang mga ito at ang iba ay itinapon ng iyong
nakababatang kapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Mag-iiyak ako.
b. Aawayin ko ang aking kapatid.
c. Sasabihin ko sa tatay na paluin ang aking kapatid.
d. Magtitimpi ako at iaayos ang natirang “loombands”.

_____ 6. Napili ka ng iyong guro na siyang maging tagapagdaloy ng palatuntunan, ano ang iyong gagawin?
a. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na palitan ako.
b. Sasabihin kong ayokong maging tagapagdaloy ng palatuntunan.
c. Lalakasan ko ang aking loob at tatanggapin ang ibinigay na gawain.
d. Magdadahilan ako na masakit ang aking lalamunan at hirap sa pagsasalita.

_____ 7. Maraming nilabhang damit ang nanay. Ipinasampay niya ang mga ito sa kay Aleirah. Ano ang dapat
gawin ni Aleirah?
a. Itago ang mga damit na ipinasasampay ng nanay.
b. Magkunwari na hindi narinig ang utos ng nanay.
c. Magsabi sa nanay na hindi niya ito kayang gawin.
d. Pagtiyagaang isampay ang mga damit para makatulong sa nanay.

_____ 8. Narinig ni Aaron na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit na lugar. Ano
ang dapat gawin ni Aaron?
a. Makinig sa radio o manood sa telebisyon para sa mahalagang pahayag.
b. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok.
c. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klase sa kanilang paaralan.
d. Magdasal na lalong lumakas ang ulan.

_____ 9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin?


a. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban.
b. Nakikiayon sa sinasabi ng kapwa para maiwasan ang gulo.
c. Nakikipag-usap ng maayos sa kapwa upang magkaunawaan.
d. Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa.

_____ 10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng totoong pagiging bukas-palad?


a. Naghulog ng dalawang piso sa collection box kahit walang nakakakita.
b. Ibinahagi ang pagkain sa katabing walang pagkain dahil nakatingin ang guro.
c. Dinala ang mga damit na ayaw nang gamitin para sa mga biktima ng baha para magkaroon nang mas
madaming puntos ang aming grupo.
d. Dumalo sa pag-eempake ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.

_____ 11. Bakit kailangang igalang ang kapwa?


a. Para mapanatili ang mapayapang pamayanan.
b. Para igalang ka din ng kapwa.
c. Para walang magalit sa iyo.
d. Lahat ng nabanggit.

_____ 12. Nawalan ng trabaho ang iyong ama. Dahil dito kinausap kayong magkakapatid ng inyong magulang at
sinabi na isa sa inyo ay pansamantala munang mababawasan ng kaunti ang inyong baon kapag
pumapasok sa iskwela. Ano ang magiging reaksyon mo?
a. Magagalit dahil mababawasan ang iyong baon.
b. Magdadabog sa mga magulang at hindi sila kakausapin.
c. Hindi ka na mag-aaral dahil bawas ang baon mo.
d. Iintindihin ang sinabi ng mga magulang at mas lalong aayusin ang iyong pag-aaral upang mas
makatulong sa kanila.
_____ 13. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin kapag may sakit ang iyong kapwa?
a. Pagbigay ng prutas at damit
b. Pagbisita sa may sakit
c. Pagbibigay ng payo sa may sakit
d. Pagtatawanan ang may sakit dahil sa kanyang kalagayan.

_____ 14. Isinauli ng kaibigan mo ang hiram niyang aklat. Paborito mong aklat ito dahil uang regaling aklat ito
ng nanay mo. Humingi ng paumanhin ang iyong kaibigan dahil ang isang pahina ng aklat ay napunit ng
nakakabata niyang kapatid. Ano ang iyong reaksyong tungkol dito?
a. Sasabihin sa kaibigan na ayos lang at naiintindihan mo ang nangyari.
b. Magagalit ka dahil paborito mong libro iyon.
c. Hindi mo na kakausapin ang iyong kaibigan.
d. Papagalitan ang kaibigan at maiinis sa nakakabatang kapatid niya.

_____ 15. Pinasalubungan ka ng iyong ninang ng isang malaking balot ng tsokolateng galing sa Japan. Pag-uwi
ninyo ng nanay mo sa bahay, nakita ng iyong kapatid na bunso ang pasalubong na bigay sa iyo. Namilog
ang kaniyang mga mata, bakas ang tuwa.
a. Hindi ko siya bibigyan dahil para sa akin lang iyon,
b. Bibigyan ko siya pati na rin ang iba ko pang mga kapatid.
c. Itatago ko sa bag at sasabihin na ipinatago lang sa iyon sa akin.
d. Sasabihin ko na bibigyan ko siya mamaya pero hindi naman.

_____ 16. Naatasan ang inyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-aaral mula
sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang kulturang Pilipino. Alin sa sumusunod ang pipiliin ninyo?
a. Sumayaw ng Tinikling.
b. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
c. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.
d. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.

_____ 17. Napansin mong walang gaanong kumakausap sa bago ninyong kaklase dahil hindi siya marunong
mag- Filipino. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko na lang din siya kakausapin dahil baka nahihiya siya.
b. Ngingitian ko siya.
c. Hindi ko na lang siya papansinin,
d. Makikipagkaibigan ako at sa abot ng aking makakaya ay tutulungan ko siyang mag-Filipino.

_____ 18. Nabalitaan mo sa iyong kaklase na walang pasok sa inyong paaralan bukas. Anong gagawin mo?
a. Hindi ako papasok.
b. Sasabihin ko rin sa mga iba kong kaklase na walang pasok.
c. Magtatanong muna sa guro kung tama ang nabalitaan na anunsiyo sa kaklase.
d. Ipagkakalat ko sa mga ibang kamag-aral sa paaralan na walang pasok.

_____ 19. Nagpaalam si Marie sa kanyang nanay na gagawa sila ng proyekto sa bahay ng kanyang kaklase,
ngunit tumuloy siya bahay ng kaibigan niya. Anong masasabi mo dito?
a. Tama, dahil nagpaalam pa rin siya.
b. Tama, dahil wala naman siyang gagawin masama sa bahay ng kaibigan.
c. Mali, dahil nagsinungaling siya sa kanyang nanay.
d. Wala sa nabanggit.

_____ 20. Ang sumusunod ay ilan sa mga kultura ng ating bansa. Alin ang hindi?
a. Pagmamano
b. Pagsisimba tuwing araw ng pagsamba
c. Pag-aasawa nang wala sa edad
d. Paggamit ng “po” at “opo”
III. Kumpletuhin ang mga bersikulo mula sa Bibliya.

(5 puntos)

“__________ to the Lord whatever you ______, and He will ___________ your ______.”

__________ 16:3

(5 puntos)

“Train up a ________ in the way he should ______, and when he is _____ he will not _________
from it. “

Proverbs 22: _____

Pagpalain kayo ng Panginoon!


Inihanda ni: Bb. Jebie Carla G. Celeste

You might also like