You are on page 1of 4

1.

Ang kahalagahan ng pagmamahal sa kalikasan at pagpapanatili itong


malinis sa kapaligiran ay Ang kalikasan ay magiging malusog
magandang tignan at higit sa lahat maraming turista Pupunta para
tignan Ang malinis at maayos ka kapaligiran
2. Ang maitutulong ko dito ay gagawa ako ng Mga kagamitang Pampa
Ganda at didiligan namin Ang Mga halaman at pupunuin ng
magagandang disenyo para gumanda ito
3. 1. ang kalikasan ay ang isa sa pinagkukunan natin ng ating makakain
kaya dapat natin ito mahalin ng buong puso at isa sa pagpapanatiling
kalinisan angdapat nating gawin
4. 2. magtanim ng mga puno at panatilihing malinis ang ating paligid
Ang pag mamahal sa kalikasan ay dapat pagyamanin at suportahan.

 mapangalagaan ko ang kalikasan tulad ng pagtatanim ng puno sa bukirin at


lugar na walang puno na itinanim dahil sa pagtotroso at pagkakaingin.
 
  Ipaparating ko po sa mga tao na sa halip na ating sirain ang kalikasan ay
tutulong tayo sa paglilinis .

Kalikasan ay ating Pangalagaan


Talumpati ni  Steven Coral
Pagmasdan natin ang ating paligid. Natutuwa ba kayo? Natutuwa ba kayo sa
kasalukuyang nangyayari sa ating kalikasan? Natutuwa ba kayo sa kaliwa’t
kanang mga delubyo?

Kung oo ang iyong, marahil ay hindi mo lubos na nauunawaan ang tunay na


kalagayan ng ating kalikasan. Para saiyong kaalaman, sira na… sira na ang
kalikasang bumubuhay sa atin. Sira na ang kalikasang pinagkukunan natin. At,
sino ang may gawa? Tao!

Pansinin natin ang ating paligid. Hindi ba’t mas marami pa ang mga basurang
ikinalat ng tao kaysa sa mga halaman. Mga basurang ikinalat natin bunga ng
kawalang-disiplina at katamaran. Ngayon, ang mga basurang ito ang siyang
naninira sa mukha ng kalikasan. Dinudumihan nito ang iba’t ibang anyong tubig
– lawa, dagat at maging ang mga ilog.

Idako naman natin ang ating tingin sa mga kabundukan. Ang dating berde
nitong damit ay animong unti-unting nawawala dahil sa kagagawan ng mga tao.
Isa na rito ang ilegal na pagpuptol ng mga puno at ang pagkakaingin na minsa’y
nagiging mitsa ng malawakang sunog. Hindi ba’t ang mga kabundukan ang
siyang pinagkukunan natin ng halos lahat ng ating pangangailangan at
kanlungan din ito ng marami pang nilalang na umaasa sa silong ng kabundukan.

Ngunit, ang mas nakababahala ay ang unti-unting pagkawala ng ating mga


kabundukan. At, ano ang rason? Matinding pag-aasam ng pag-unlad.

Hindi naman bago sa atin ang ganitong patakaran. Pinapatag ang bundok upang
gawing kabahayan o industriya. Pinapatag ang bundok upang tayuan ng mall at
negosyo. Pinapatag natin ang bundok para sa ikauunlad ng ating sarili.

Sa totoo lang, kung ating sisipatin nang mainam, magmula sa mga pagtatapon
ng basura pahanggang sa pagpapatag ng kabundukan ay iisa lang ang nagiging
mitsa. Iyon ay ang matinding pag-aasam ng tao upang umunlad.

Walang masama sa pag-asam ng pag-unlad o pag-asam ng kaginhawaan. Ang

masama ay yung naninira na tayo nang sobra-sobra para lamang sa ating mga
sarili. Isipin natin na kahit kailan ay hindi matatawag na maunlad ang isang bansa
kung halos lahat ng kaniyangmamamayan ay nasasabik sa malinis na tubig,
matatamis na prutas at gulay, sariwang hangin at luntiang paligid. Hindi pag-
unlad ang tawag doon kundi isang delubyo.

Maaaring ang mga lindol o anumang sakuna ay isa nang paalala sa atin na unti-
unti na nawawala ang kalikasan mula sa ating pangangalaga. Paalala napinapatay
na natin ang kalikasang bumubuhay sa atin. Lahat ng mga iyon ay paalala na
kaya ring gumanti ng kalikasan sa atin.
Mga kaibigan, responsibilidad natin ang kalikasan, ibig sabihin ay alagaan natin

ito at pagyamanin. Huwag natin ito ipagpalit sa huwad na pag-unlad. Mahalin


natin ito at pangalagaan dahil sa huli kung ano ang ibinigay natin sa kalikasan ay
siya ring kanyang ibabalik sa atin.

Ang Kalikasan at ang Tao [Walang Pinagkakaiba]


Talumpati ni  Miho
“Ang Diyos ay nilikha tayong lahat ng pantay-pantay”

Sa aking mga kaklase, aking mga minamahal na guro at sa ginagalang nating


lahat na mga HURADO, Magandang Hapon po sa inyong lahat.

Magandang Kalikasan at Mapagmahal na tao, Asan kayo?

Nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang kanyang mga likha. Ginawa ng
Diyos ang Kalikasan hindi para sirain o tapak-tapakan. Dapat ang ating kalikasan
ay pinapangalagaan. Kung isa kang taong binibigyang importansya ang nilikha
ng Diyos na Maykapal, maiintindihan mo ang aking sinasabi, mararamdaman mo
ang aking pinapahiwatig at alam mo ang gusto kong sabihin.

Ang kalikasan ay maihahalintulad mo sa isang sanggol. Malinis, walang kasalanan


at nakakatuwang tingnan. Ngunit sa paglipas ng panahon maraming magbabago
sakanya at sa maraming ito sisiguraduhin kong hindi ka matutuwa.

Ang kalikasan ay parang isang tao rin na marunong masaktan. Siguro kung
naririnig lang natin ang sigaw ng kalikasan ay binging-bingi na tayo. Kung
nakakapagsalita lang siguro ang kalikasan ay matagal na tayo nitong kinausap.

Tao? Hindi ka ba naawa sa ginagawa mo? Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ang
kalikasan para suportahan ang lahat ng pangangailangan mo. Pinahiram ng Diyos
ang kalikasan sa ating mga tao hindi lang para sirain ng tao!

Isipin mo na lang akin sinasabi na ang lahat ng bagay ay may katapusan hindi
lang ang tao pati ang ating hindi binibigyang importansyang KALIKASAN!

You might also like