You are on page 1of 1

TAO: NAGING TAGAPANGALAGA KA BA NG KALIKASAN?

Ikaw ba ay naging tagapangalaga ng kalikasan?

Ang kalikasan ay sadyang ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal bago tayo nilalang
upang makatulong sa ating pang-araw-araw na pangangailangan dito sa mundo. Ang mga
puno at halaman na nagbibigay sa atin ng sariwang hangin. Ang dagat na kung saan
nabubuhay at tumitira ang mga isda at lamang-dagat na pinakikinabangan natin. Ang mga
kabundukan na pinagkukuhanan natin ng mga punongkahoy na nakakatulong din sa atin.
Ngunit, sa kabila ng mga biyayang tinatamasa natin mula sa kalikasan, kinalimutan na natin
na mayroon din tayong tungkulin sa ating kalikasan. Pinababayaan natin ang pangunahing
pinagkukunan natin ng ating ikinabubuhay. Pinutol natin ang mga punongkahoy sa halip na
magtanim. Ito lamang ang tanging tinitirhan at pinagdadapuan ng mga ibon,
nakapagbibigay rin ito ng lilim sa mga hayop. Hindi lang ang punongkahoy ang unti-unting
nauubos pati na ang mga buhay ng mga ibon na dapat sana tulungan nating dumami ang
mga lahi. Nakapagdudulot pa ito ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Gumamit rin tayo ng paraang nakakapinsala sa buhay ng mga isda tulad ng
dinamita at di-kuryente na paghuli na naging dahilan ng pagkamatay ng mga maliliit na
isda. Sinusunog din natin ang mga plastik at iba pang basura na dapat sana gamitin ulit at
pwede rin gawing organic fertilizer upang mapapakinabangan pa ng ating mga tanim. Hindi
niyo ba alam, na ito ang dahilan ng unti-unting naninipis ang ating ozone layer? At ngayon,
nararanasan natin ang matinding init ng araw. Hindi lang kayo ang maaapektuhan, hindi
lang ako, kundi tayong lahat dahil wala sa isa sa atin ang makapagliligtas kapag kalikasan
na ang gumanti. At sa bandang huli tayo rin ang magsisisi.
Kailan pa tayo mamulat? Kung huli na ang lahat? Naging tagawasak tayo ng kalikasan
sa halip na tagapangalaga. Nararapat na kumilos na tayong lahat habang may natitira pang
yaman ang ating kalikasan. Huwag natin ipagwalang-bahala ang ating inang kalikasan.
Isipin natin ang mga darating na henerasyon na maaaring wala ng makitang punongkahoy,
walang sariwang hangin na malalanghap at wala ng mga ibon na makikita sa paligid.Buksan
natin ang ating isipan at magnilay-nilay sa ating paligid. Tayo'y magkaisa at magtulungan
tungo sa hangad nating pagbabago. Harapin natin ang ating mga tungkulin na bukal sa ating
kalooban bilang tagapangalaga ng ating kalikasan.

1. Bakit tayo nakakaranas ng mga kalamidad?


2. Paano natin masusulosyonan ang iba’t ibanag suliranin pangkapaligiran?
3. Ano – anong mga pagmamalabis at pang aabuso ang nabanggit sa seleksyon?
4. Bakit kailangang pahalagahan ang kalikasan?
5. Bakit sinabi na tao ang dapat na tagapag alaga ng kalikasan?

Batay sa datos na nakatala sa graphic organizer. Sumulat ng talata kung pano msusulusyunan
ang suliranin sa Pasig.

You might also like