You are on page 1of 1

Tekstong Deskriptibo

Ang ating Mundo

Daigdig, ikatlong planeta mula sa araw, ito lamang ang planetang mayroong kapaligiran na naglalaman
ng sariwang hangin, sariwang tubig, sariwang mga pagkain at higit sa lahat buhay. Ito ang ating tahanan. Kaya
ito ay ating pangalagaan at wag abusuhin. Yan ang mga salita na palagi nating naririnig at tinuturo sa ating mga
magulang na sana dapat isapuso natin at ilagay sa ating isip. Pero kamusta naba ang ating mundo? Kamusta
naba ang mga kayamanan sa ating mundo? At kamusta naba ang mga nakatira nito.

Ating pangalagaan at wag abusuhin mga salita na dapat isapuso at ilagay sa isip pero bakit ngayon hinay
hinay nang nawawasak ang ating mundo, dahil bato sa mga kalamidad na pumapasok o dahil bato sa
kakulangan ng mga tao? Mga pinuputol na kahoy na hindi pinapalitan hanggang sa mga basura na nagkalat
kung saan saan na nakakain ng mga hayop, mapa lupa man o karagatan. Maraming tao ang hindi nila alam na sa
kaunti nilang paglabay ng basura ay maraming hayop na nag dudusa dahil rito, at sa pagputol nila ng mga kahoy
sa kagubatan ay nawawalan ng tirahan ang mga hayop at hindi lang mga hayop ang nag dudusa dito kundi tayo
ring mga tao lalo na kung may bagyo at nagkaroon ng landslide wala ng tumitigil nito at dahil dito maraming
mga tao ang namamatay. Natatakot tayong mangyari ang mga trahedyang ito pero hindi natin alam na tayo lang
rin pala ang gumagawa nito.

Ang ating mundo sa mga nakaraang mga taon ay iba na ngayon sa kagubatan na puno ng kahoy, tirahan
ng hayop, mga sariwang pagkain, napalitan na ng mga imprastraktura, mula sa kagubatang mala paraiso
napalitan na ng abohan at sunugan na kagubatan na kung saan tao lang ang gumawa. Ang mundo ay dapat
bigyan sana natin ng pangangalaga at pahalagahan natin wag natin itong abusuhin at wasakin dahil ang ating
mundo ay nag iisa lamang ito. Tayo ay mag bagong buhay na dahil 2020 na. Palitan natin ang ating mga hindi
magandang saloobin at magpakabait.

You might also like