Professional Documents
Culture Documents
Ang aking pamilya ay malaki, pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kami
magkakasama noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan,
kinakaya naming ano mang unos ang dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng
aking mahal na ina noon, "Ayo slang daw maghirap kami at magdildil ng asin, basta kompleto at
magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang nahiwalay sa kaniyang pamilya
noon, bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa. Mahirap daw ang
nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong
mundo! Kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon. Ang aking ama
naman ay isang mabait at mabuting ama. Mahal na mahal ko siya kahit minsan napapalo niya
ako dahil nakakainom siya ng alak.
Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit ang 'di naming
nalalaman ay isang malaking problema ang parating sa aming buhay na ganap na susubok sa
aming katatagan. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baiting nang
malaman ng doctor na may kanser sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman naming
balita. Gayunpaman ay pinilit naming maging masaya para sa aming ama dahil ayaw naming
makita niyang nalulungkot kami para sa kaniya, at para kahit paano ay mabawasan ang
nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan.
Ilang buwan na ang lumipas pero hindi naming siya maipagamot dahil sa kakulangan sa
pera. Lumala nang lumala ang sakit niya, bumagsak ang dating masigla niyang katawan, at
nangayayat siya nang husto. Ikatatlumpu ng Hunyo 2004 noon, ito ang araw ng kaniyang
pagsilang. Nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagdiwang ng
kaarawan niya. Ang ama ko masaya noong araw na 'yon kahit nararamdaman ko na parang
malungkot siya. Hindi niya pinakikita sa amin iyon. Gusto niyang maging masaya kami. Ang saya
talaga ng araw na 'yon para sa akin. Ngunit iyon nap ala ang huling kaarawan ng aking ama.
Tatlong araw ng lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang aking ama.
Napaluha na lang ako habang tinitingnan ko ang walang buhay na katawan niya. Pero naalala ko
ang sabi sa akin ng aking ama noon; "Anak, 'wag kang iiyak kapag nawala na ako, ha." Kaya
noong libing niya ay hindi na ako umiiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya; na hindi na
siya mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng Dakilang Ama.