You are on page 1of 22

TEKSTONG

PROSIDYURAL
ALIN KAYA SA
MGA SUMUSUNOD
ANG KAYA MONG
GAWIN?
Gumawa ng No Bake
Cake?
Mag-assemble ng isang
simpleng Kabinet?
Mag-apply ng PASSPORT
Online?
Magluto ng Pansit
Bihon?
Bumuo ng Bisikleta?
Sa iyong tingin
hindi mo ba talaga
ito kayang gawin?
Bakit?
TEKSTONG
PROSIDYURAL:
Mga Detalyeng Sunod-
Sunod at may Kaisahan
 Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksyon kung paano
isinasagawa ang isang bagay.

 Layuning sumagot sa tanong na “Paano” – Paano


binuo?, Paano iluto?, Paano buuin?, Paano gawin?,
Paano nangyari?, at iba pang mga Gawain at
Pangyayaring lagi natin ikinakabit ang tanong na
Paano.

Nagiging mas maayos, malinaw at naiiwasan
ang anumang kalituhan sa tulong ng tekstong
prosidyural.

Ginagamit ang tekstong prosidyural sa


pagpapaliwanag ng isang proseso na maingat
na ipinapakita ang bawat hakbang habang
tinitiyak na walang nakaligtaang hakbang sa
kabuuan ng proseso.
Nagbibigay ng sunod-sunod na direksyon at
impormasyon sa mga tao upang matagumpay
na maisagawa ang mga Gawain ng ligtas,
episyente at angkop sa paraan.
Mga Halimbawa ..
 Recipe sa Pagluluto sa Home Economics
 Paggawa ng Eksperimento sa Agham at Medisina
 Pagbuo ng Aparato at pagkukumpuni ng mga kagamitan
sa teknolohiya
 Pagsunod sa mga patakaran sa paglalaro ng isang bagay
 Mga paalala sa kaligtasan sa kalsada
 Manwalna nagpapakita ng hakbang-hakbang na
pagsasagawa ng iba’t ibang bagay
Apat na Bahagi ng Tekstong
Prosidyural
INAASAHAN O TARGET NA AWTPUT
Kung ano ang kakalabasan o kakahantungan ng proyekto ng
prosidyur.
Mga Kagamitan

Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod


kung kailan gagamitin. Maaaring hindi Makita ang
bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na
hindi gagamit ng anumang kagamitan.
Metodo
Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang
mabuo ang proyekto.

Ebalwasyon
Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano
masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
 
Ito ay sa pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang
bagay, kagamitan o makina o di kaya ay mga pagtataya
kung nakamit ang kaayusan na layunin ng prosidyur.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG TEKSTONG PROSIDYURAL
1. Layunin- Ano ang gusto mo matamo sa iyong
sulatin? Magbigay ng malinaw na panuto upang
buong tiwalang maisagawa ng mga mambabasa o
mga nakikinig ang isang gawain.

2. Para kanino ka nagsulat? Sa


Tagatanggap-
guro ba, mga kapuwa mag-aaral, grupo
ba?
3. Pagkakakilanlan- Sumusulat ka ba
bilang awtoridad o eksperto sa paksa?
MGA GABAY SA PAGSULAT NG
TEKSTONG PROSIDYURAL

1. Karaniwang nang isinusulat ang teksto sa simple


at pangkasulukuyang panahon.
2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa sarili
(“una,kunin mo” sa halip na “una,kukunin ko”)
3. Ang tinutukoy na pangkalahatan ay ang
mambabasa.
4. Gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos
(putulin,hatiin,tupiin,hawakan, at iba pa.)
5. Gumagamit ng cohesive devices upang mapagdugtong
ang mga teksto.
6. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong pagkakaayos
7. Magdagdag ng detalyadong paglalarawan ng mga
bagay (hugis, laki, kulay, dami atbp)
Makakatutulong din ang
sumusunod na Cohesive
Devices sa pagsulat ng
teksong prosidyural.

You might also like