You are on page 1of 2

`Ang karanasang hindi ko malilimutan”

DECEMBER 11, 2016 / VINCENTJEBONG

Lahat ng tao sa mundo ay may karanasan. Mga karanasang nagdulot sa atin ng


kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan.Habang tumatakbo ang panahon lahat ng
mga karanasan natin ay nag iiwan ng ng marka sa ating buhay. Minsa ito ay masaya at
minsan ay malungkot. Ano nga ba ang karanasang hindi natin malilimutan ? Ako
marami na at hindi ko kayang i sulat dito sa dami ng karanasan ko. Minsan nga
naalala ko ang mga iyon at habang lumipas ang mga araw ang mga masasakit na
karanasang iyon ay tinatawa ko nalang. Ganito talaga ang buhat ng tao, lahat ng
masasakit na pangyayari sa iyong buhay ay tatawanan mo nalang kahit masakit.

Ako po si John Vincent M. Arco also known as JV. Ako ay simpleng tao lang. Ang
aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay hindi naman kami
mayaman hmm sakto2 lang. Lage kami magsasama nuon. Nag tatawanan at nag
kukulitan kahit may problemang naranasan, kinakaya namin kahit ano ang unos ang
dumating sa buhay namin basta magsamasama pa din kami. Sabi pa nga ng mama ko
nga “Okay lang na mag dildil kami ng asin basta kumpleto at magkakasama pa din
kami.” dahil sa hirap nuon. Bata palang si mama naranasan na niya ang hirap ng
buhay noon. Kaya para sa akin siya ang pinaka magaling na mama sa buong mundo,
dahil napalaki niya kami ng maayos .

Pero lumipas ang mga ilang taon na masaya lagi ang aking pamilya. Nguni’t ang di
namin inaasan-asan ay isang malaki na problema ang darating sa buhay na ganap na
susubok sa aming katatagan. Labing pot dalawang gulang pa ako nuon (12 years old)
( Ewan ko sakto ba) at nasa 2nd year high school pa ako. Nang malaman ng doktor na
may sakit pala ang aking lolo kami ay nagulat sa aming nalaman. Pero pinilit namin
maging masaya para sa aming lolo kasi dahil ayaw naming makita niya na
nalulungkot kami para sa kanya upang kahit papano ay mabawasan ang naranasan
niyang paghihirap at kalungkutan.

Ilang buwan ang lumipas lumala ng lumala ang sakit ni lolo, bumagsak ang dating
masigla na katawan ni lolo at nangayayat na ng husto. Ika-apat ng hunyo 1923. Ito
ang araw ng pag silang ni lolo. Pero hindi namin inaasan-asan na kukunin na pala ng
diyos ang aming lolo . Sobrang lungot namin ng aking pamilya noon, kasi di naman
namin alam na mawawala pala si lolo ng araw na yun. At hindi namin alam na yun na
pala ang huling araw ng lolo namin. Kahit papano nararamdaman namin ang lungot
ang sakit na nadanas namin noon. Napaluha nalang ako habang tinitingnan ko si lolo
na wala ng buhay . Sabi ng lolo ko na magpakabait daw ako at hindi ako
magpapasaway sa aking pamilya at hindi rin ako magbibigay ng sakit sa ulo sa
pamilya ko yan ang sabi ng lolo sa akin yung araw na nawala siya. At ng inilibing na
si lolo noong ika dalawang pot isa ng desyembre 2014. Umiyak ako ng sobra at
tinanggap na wala na ang aming lolo. At kung saan man siya naroon ay masaya na
siya sa piling ng dakila nating Ama.

Labing anim na ako ngayon (16 yrs old). Nalaman ko walang permanente sa mundo.
Lahat tayo ay lilisanin ang mundong ginagalawan natin ngayon. Hindi man tayo
sabay-sabay sa ating pag lisan, masakit man, aksidente man o biglang kamatayan ang
dahilan. Maikli lang ang buhay. Dahil sa ating pag lisan ay wala tayong materyal na
panghahawakan. Masaya man o malungkot. Ito ang dahilan kung bakit tayo
nabubuhay dahil ang karanasang ito ang ang bubuo sa ating pagkatao.

You might also like