You are on page 1of 2

Sukatan ng Tagumpay

(ni Samantha Jeka Bianca C. Asna)

Paano ngaba nasusukat ang tagumpay? Maraming nagsasabi ika’y matagumpay kapag ika’y
nagkaroon ng napakagandang bahay o mayroon kang perang walang humpay. Pero ano nga ba? Ano nga
ngaba ang sukatan na masasabi mong ikaw ay matagumpay na? Isang makulay na araw sa inyong lahat.
Ako ngayo’y nasa inyong harapan mag bibigay ng isang talumpating mag bibigay diin at kahulugan sa
tunay na sukatan ng tagumpay. Nawa’y ako ay pakinggan upang ang aking mga sasabihin ay mabigyan
ng kahulugan. Ang talumpating ito ay may tatlong punto at pinamagatang Sukatan ng Tagumpay kaya
kayo’y making ng malumanay.

Ako’y magsisimula sa aking unang punto. Matakagumpay kana nga ba? O masasabi mo bang
matagumpay kana kapag ikaw ay masaya? o matagumpay kana ba kapag ang puso mo ay may walang
humpay na ligaya? Oo mga nakikinig kong madla, kapag sa saya nagsisimula at ngiting hindi nawawala
masasabi mong tagumpay ang inyong natatamasa. Ang tagumpay hindi nasusukat sa mga maternal bagay
kundi makikita mo ito kapag ikaw ay masaya sa iyong buhay.

Pangalawa, para tayo ay maging matugampay kailangan muna natin itong paghirapan para
makuha natin ang mga gusto nating bagay. May ibang hindi na nakayanan ang inggit sa buhay kaya sila’y
gumagawa ng masasamang bagay para lang masabi at maipakita na silay matagumpay na sa buhay. Sa
mga gawaing masasama katulad na ang pagnanakaw ay hindi manlang sila kinakabahan dahil ba ito sa
kahirapan? o dahil kulang lang sila sa sandigan. Kaya mga makikinig, inyong tandaan na hindi kailangan
na gumawa ng masama para maging matagumpay dahil may wastong daan, Mayroong wastong paraan
para masuklian ang lahat ng ating mga pinaghihirapan.

Panghuli at pangatlong punto, kapag nakamit mona ang tagumpay na iyong matagaal na
hinihiling sa buhay sana ay wag mong kalimutang ang mga taong nakapaligid sa iyo nung ikaw ay
naghihirap pa sa buhay. Sana sila ang una nating maalala an gating mga kasamahan sa panahon na wala
pa tayong kaalaman.

Sa tatlong puntong ibinigay ko nawa ay may natutunan kayo at sap ag harap at sap ag hanap ng
daan sa tagumpay sana ay ating matandaan lahat ng sinabi kong makabuluhan. Kaya ating isipin na ang
pangarap na tagumpay ay layunin natin sa buhay na kapag pinaghirapan ang tulay patungo sa tagumpay
kaya ang paghihirap na ito ay alagaan nating tunay. Dito napo matatapos ang talumpating nauugnay sa
sukatan ng tagumpay sa buhay. Maraming salamat sainyong lahat.

You might also like