Kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon
ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera, Nueva Ecija.
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera, Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag- aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral. HALIMBAWA NG SINOPSIS/BUOD (Ang Alibughang Anak) May isang matanda na may dalawang anak. Maykaya sa buhay ang matanda kaya naman naibigay din nito ang magandang buhay para sa dalawang anak. Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin na ang kaniyang mamanahin sa ama. Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang bunso. Matapos na matanggap ang pera at ari- arian ay umalis ito sa puder ng ama. Walang ginawa ang bunsong anak kung hindi ang magpasarap sa buhay. Ginastos nito ang perang ipinama sa paraang nais niya. Madalas siyang pumunta sa mga kasiyahan. Sinubukan din nitong magsugal. Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa utang at hindi na nakabangon pa. Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man ay wala na siyang ibang matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang ama kaya naman tinanggap niya nang buong puso ang bunso. Pinakain at binihisang muli. Nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng bunsong kapatid at waldasin ang pera ay nagawa pa rin itong tanggapin ng ama. Kinausap niya ang ama dahil dito. Sinabi naman ng ama na ang kaniyang pagtanggap sa anak ay ang tunay na diwa ng pamilya. Lahat naman daw tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng pagpapatawad. Ang mahalaga raw ay natututuhan natin ang ating leksiyon. HALIMBAWA NG BIONOTE (Bionote ng Manunulat na si Patrocinio Villafuerte) Si Patrocinio Villafuerte y isang guro at manunulat sa Filipino. Siya ay ipinanganak noong ika-7 ng Mayo 1948 sa San Isidro, Nueva Ecija. Isa siyang manunulat na may bilang na 145 na akda. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Edukasyon. PAngulo siya ngayon ng Departamento ng Pilipino sa Philippine Normal University. Marami siyang nakuhang mga parangal sa iba’t ibang pag-gawad, tulad ng Gawad Merito na kanyang nakuha at nakamit sa Manuel Luis Quezon University. Tumanggap rin siya ng mga parangal. Ang kanyang kauna-unahang nakamit ay mula sa Genoveva Edroza Matute Professional Chain in Filipino, Sampung gawad Surian Gantimpalang Collanters. Dalawang Presidential Awards sa Malacañan Palace at walong Carlos Palanca Memorial Awards For Literature. Pinarangalan ng Komisyon ng Wikang Filipino, PNU Alumni Association, Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL), Ninoy Aquino Foundation at Philexers.