You are on page 1of 5

Aralin 1: ABSTRAK

“Ang Epekto ng Sosyolek na Konyo sa Larangan ng


pakikipagmokunikasyon sa Mag-aaral o Estudyante”

Sa ngayon, may higit na dalawang bilyong tao ang gumagamit ng sosyolek na


konyo sa buong mundo na nagging epekto sa larangan ng kanilang
pakikipagkomunikasyon at sa kanilang pamumuhay lalong lalo na sa mga estudyante
na nag-aaral. Ginawang pakikipagkomunikasyon ang Filipino at Ingles na pinagsama o
di kaya’y tawaging code-switching sa araw-araw na pamumuhay, na kadalasang ating
natutunan dulot sa impluwensiya ng midya. Karamihan din sa mga estudyante ay may
iba’t ibang “pattern” ang sinusunod at istilo sa paggamit ng sosyolek na konyo sa
pakikipagkomunikasyon. Habang dumarami ang gumagamit sa sosyolek na konyo sa
pakikipagkomunikasyon, marami din ang naiimpluwensiyahan dulot nito. Ayon sa
mananaliksik, karamihan sa mga estudyante na gumagamit ng sosyolek na konyo ay
nasa mga edad na 14-18 at kadalasan sa kanila ay mga beki. Ilan sa mga dahilan kung
bakit gumagamit ang mga estudyante ng wikang sosyolek na konyo sa
pakikipagkomunikasyon ay dahil ito ay uso at gusto nilang maki-“in” at dahil na rin sa
impluwensiya ng social media at sa kanilang napapakinggan sa tv, radio, at sa kanilang
mga kaibigan. Base sa result ng nakalap ng taga panaliksik talaga naming may
masamang naidudulot ang paggamit ng wikang sosyolek na konyo sa
pakikipagkomunikasyon dahil sila ay nakakaimpluwensiya sa karamihan sa lipunan.\

Aralin 2: SINOPSIS/BUOD

Buod ng “A Silence of Love”


Ito ay tungkol sa isang babae na palaging tinutukso ng mga kaklase dahil ang
kanyang ama ay isang pipi. Ang kanyang ama ay mapagmahal at matiyaga sa tungkulin
bilang “Haligi ng tahanan.” Minsan, nag-away sila dahil sa iba’t ibang estado na
kinaharap nila. Hanggang isang araw sa kaarawan ng kanyang anak, masayang-
masaya ang ama sa paghahanda ng “birthday cake” para sa anak na may biglang
naatog sa itaas na pinuntahan nito ng kanyang ama at nakitang nakahandusay ang
anak. Isinusogod kaagad sa ospital upan mabigyan ng luna. Ang ama naman ay iyak
nang iyak at nagsisisi sa mga ginawa niya sa anak. At sa huli nagising ang anak at
napagtanto niya ang kanyang ginawa para sa ama. Sa huli nagising asa katotohanan
ang anak at nagging mapagmahal ito sa ama, kahit na may kapansanan man ito.
Buod ng “God’s Not Dead”

Ang kuwentong ito'y tumutukoy sa mga tao na pinaglaban ang kanilang


pananampalataya sa Diyos sa kabila ng nakukuha nilang pagpapahirap o panghuhusga
ng kanilang kapwa. Ginampanan ito ng isang mag-aaral na nagngangalang Josh
Wheaton na kung saan ay pinaglaban ang kanyang pananampalataya sa Panginoon
laban sa kanyang guro na si Jeffrey Radisson at napalawak o naibahagi rin niya ito sa
kanyang mga kamag-aral. Si Josh ay kumuha ng klase na "philosphy" sa ilalim ng
propesor na si Jeffrey, sa kanilang unang klase ay inatasan ng propesor ang kaniyang
mga estudyante na isulat sa isang papel ang mga katagang "God is Dead", lahat ng
estudyante ay isinulat ito maliban na lamang kay Josh kaya binigyan siya ng
pagkakataon ng kanyang guro na makipagdebate laban dito at ang mga iba pang mag-
aaral ang magpapasya kung sino ang mananalo. Sa dalawang beses pagdedebate ay
laging kinokontra ng guro ang sinasabi nito, ngunit nang sumapit ang ikatlo, ipinaglaban
na ni Josh ito ng lubos, kaya naman may isang mag-aaral na nagngangalang Martin
ang nagsabi ng "God's Not Dead" at sumunod naman ang iba, sa huli si Josh ang
nanalo. Dahil sa hindi paniniwala ng propesor sa Diyos ay hiniwalayan ito ng kanyang
karelasyon, ngunit ng mabasa niya ang sulat ng kanyang ina ay hinabol niya ang
kanyang karelasyon ngunit huli na ang lahat dahil siya'y nasangkot sa isang aksidente
ngunit bago pa pumanaw ay tinanggap niya ang Panginoon. May ibang tao rin ang
nakasama sa istorta tulad muslim na naging kristiyano, babaeng may kanser na
nabigyan ng panibagong pag-asa, at marami pang iba.

Aralain 3: BIONOTE
Si Wenalyn Grace A. Llavan ay isinilang noong Nobyembre 11, 1999. Nakatira
siya ngaon sa 29-A P.Del Rosario St. Cebu City. Ang mga magulang niya ay sina
Marilyn A. Llavan at Bonifacio Llavan na pumanaw na makalipas ang apat na taon.
Tinapos niya ang kanyang pag-aaral sa Regino Mercado Elementary School. Tinapos
rin niya ang kanyang pag-aaral ng “high school” sa Don Vicente Rama Memorial
National High School.Siya ay siyang mag-aaral sa ika labing dalawang baiting at
kasalukuyan kumukuha ng STEM strand sa paaralang Don Vicente Rama Memorial
National High School. Siya ay labing walong taon gulang na ngayon.
Aralin 6: Halimbawa ng AGENDA

Pagpili ng Produkto at Advertising Company


Kailan: Setyembre 5, 2017
Saan: SHS Building
Oras: 10:15 A.M

Mga Dumalo:

1. Bernie A. Narvasa – president ng kompanya


2. Jurey Jason Villarta – kinatawan ng ABS-CBN
3. Prince Vincent Palanas – kinatawan ng GMA
4. Nestle Lirasan – kinatawan ng TV 5
5. Mga kasapi ng kompanya

Mga Hindi Dumalo:

1. Recson Mangolare (miyembro ng kompanya)


2. Ern Pangasian (miyembro ng kompanya)
3. Christofel Doblas (miyembro ng kompanya)

1. Pagsisimula ng Pulong
Pinanguluhan ni Christel Villacampa ang pagpupulong sa pamamagitan ng
pagdadasal at sinimulan ni Nova Gale Bayon-on ang pagpupulong tungkol sa pagpili ng
produkto at advertising company.

Tinalakay ang mga sumusunod na adyenda:

1. PAGPILI NG PRODUKTO
Nagbigay ng mga pagpipiliang produkto ang presidente ng kompanya na si
Bernie A. Narvasa para sa botohan kung anong produkto ang gagamitin. Ito ay ang
Sunsilk o Head & Shoulders. Nagsuhestiyon ang isang miyembro ng kompanya na si
Eugene Codis na may basehan bas a pagpili ng produkto para sa pag endorse sa TV
advertisements. Marami sa mga miyembro ng kompanya ay nagbigay reaksyion sa
kung ano ang gagamitin na produkto. Ito ang iba’t ibang reaksyon.

-Gusto ni Bb. Wenalyn Grace Llavan ang produkto ng Sunsilk dahil ayon sa kanya,
mabango at patok sa mga babae katulad niya. At siyempre Sunsilk user siya simula sa
kanyang kabataan.

-Inimungkahi ni G. Dennis Suralta na dapat ang produkto ng Sunsilk ang gamitin


dahil nagpapaganda ito at maging mahalimuyak ang buhok sa mga gumagamit nito.

-Gusto ni Bb. Decerie Ruiz ang produkto ng Head & Shoulders dahil cool ito at
tumatanggal sa mga kumakapit na dandruff
Lokasyon: Mababang Paaralan ng Malabon
Petsa: Ika-27 ng Oktubre taong 2017
Oras: 3:00 n.h.
Tagapangasiwa: Punong Guro Letty Pascual
 
I.                    Introduksyon
II.                  Pagtala ng Bilang ng dumalo
III.                Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda

1.        Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween


a.       Skedyul ng klase
b.      Balangkas ng programa
c.       Listahan ng mga magpeperform

2.       Pagpaplano sa pagdiriwang ng Pasko


a.       Palamuti sa eskwelahan
b.      Petsa ng Christmas Party
IV.                Karagdagang impormasyon
V.                  Pangwakas na salita

Buod ng Florante at Laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa


may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay
makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang
kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si
Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang
mahal.

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang


Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon
ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang
mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa
muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang
pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang
diyamante.  Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng
gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya
ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang
magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng
liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro,


pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga
tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa
hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan.
Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang
pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng
Albanya at agawin sa kanya si Laura.

Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong


Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante.
Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si
Flerida.

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap.


Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si
Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may
dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito
at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang


madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa
gubat.

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan


ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa
Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni
Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

You might also like