You are on page 1of 1

Buod ng “God’s Not Dead”

Ang kuwentong ito'y tumutukoy sa mga tao na pinaglaban ang kanilang


pananampalataya sa Diyos sa kabila ng nakukuha nilang pagpapahirap o panghuhusga
ng kanilang kapwa. Ginampanan ito ng isang mag-aaral na nagngangalang Josh
Wheaton na kung saan ay pinaglaban ang kanyang pananampalataya sa Panginoon
laban sa kanyang guro na si Jeffrey Radisson at napalawak o naibahagi rin niya ito sa
kanyang mga kamag-aral. Si Josh ay kumuha ng klase na "philosphy" sa ilalim ng
propesor na si Jeffrey, sa kanilang unang klase ay inatasan ng propesor ang kaniyang
mga estudyante na isulat sa isang papel ang mga katagang "God is Dead", lahat ng
estudyante ay isinulat ito maliban na lamang kay Josh kaya binigyan siya ng
pagkakataon ng kanyang guro na makipagdebate laban dito at ang mga iba pang mag-
aaral ang magpapasya kung sino ang mananalo. Sa dalawang beses pagdedebate ay
laging kinokontra ng guro ang sinasabi nito, ngunit nang sumapit ang ikatlo, ipinaglaban
na ni Josh ito ng lubos, kaya naman may isang mag-aaral na nagngangalang Martin
ang nagsabi ng "God's Not Dead" at sumunod naman ang iba, sa huli si Josh ang
nanalo. Dahil sa hindi paniniwala ng propesor sa Diyos ay hiniwalayan ito ng kanyang
karelasyon, ngunit ng mabasa niya ang sulat ng kanyang ina ay hinabol niya ang
kanyang karelasyon ngunit huli na ang lahat dahil siya'y nasangkot sa isang aksidente
ngunit bago pa pumanaw ay tinanggap niya ang Panginoon. May ibang tao rin ang
nakasama sa istorta tulad muslim na naging kristiyano, babaeng may kanser na
nabigyan ng panibagong pag-asa, at marami pang iba.

You might also like