You are on page 1of 1

“Lamok”

Si Edna ay freshman sa isang matandang unibersidad sa maynila. Isang araw habang


sa kalagitnaan ng klase ay biglang tinawag siya ng kalikasan. Tumayo si Edna at
lumapit sa kanyang prof. upang magpaalam sandali. Napili ni Edna na gamitin ang
pinakamalayong bahagi ng kubeta. Habang nakaupo, biglang nakaramdam ng pagka-
irita si Edna dahil pakiramdam niya ang daming lamok na paikot-ikot sa kanyang
ulunan. Hawi dito, hawi doon. Nang matapos ang babae sa paggamit ng banyo ay
dumiretso siya sa hugasan. May nakita siyang naglilinis sa may lababo at ang kanyang
wika "sakto nandito si Manang, mapagsabihan nga".

Si Manang ay isang janitress at matagal na siya nagtratrabaho sa unibersidad na iyon.


Ang unang bati ni Edna ay "Manang, mag-spray naman kayo dito sa banyo, ang daming
lamok doon sa huling bahagi ng banyo. Ikot ng ikot sila sa buhok ko." Ang tugon naman
ng matanda "Iha walang lamok sa banyong ito kasi lagi ko tong nililinis". Biglang
nakaramdam ng pagkayamot si Enda at winika na lang sa sarili, "Eh ako mismo
naramdaman ang mga lamok sa aking ulunan, Ano ba yan!". Nang palabas na si Edna
ng banyo biglang nagwika ang matandang janitress at sinabing "Iha sa gawing hulihan
ng banyong ito may isang babaeng nagbigti noong nakaraang taon dahil sa depresyon"

Realization:

Hindi pala lamok ang humahaging sa ulunan ni edna kundi ang paa noong babaeng
nagbigti noong nakaraang taon.

You might also like