You are on page 1of 1

PANSANGAY NA PAGSASANAY SA PAGLINANG 

NG KASANAYAN SA PAGSUSULAT

Paggamit ng Panitikan bilang Lunsaran sa Pagkatuto ng Gramatika


(Dr. Leonarda C. Manuel)

Ipinasa ni: MELISSA A. BENITEZ


Paaralan: Bedania Elementary School

Awtput: Lunsaran na aktibiti para gamitin sa pagtuturo ng gramatika.

Panuto: Basahin ang maikling kwento at salungguhitan ang mga pandiwa.

Unang Araw sa Paaralan


Umaga na at narinig ni Berta ang tilaok ng manok. Tumayo siya agad
at naglakad papuntang banyo. Siya ay naghilamos at tumingin sa salamin. Maya
maya pa ay tinawag siya ng kanyang ina. "Berta! Kakain na." "Opo, inay", sagot ni
Berta. Agad na nagtungo si Berta sa hapag kainan. Umupo siya at sinabi ng kanyang
ina na magdasal muna. Nagdasal si Berta bago kumain. Pagkatapos magpasalamat
sa Panginoon, agad siyang kumain. Mabilis niyang inubos ang kanyang pagkain
at uminom agad ng tubig pagkat alam niya na kapag binagalan niya pa ay mahuhuli
na naman siya sa klase. Pagkatapos kumain ay agad naman
siyang naligo at nagbihis ng uniporme. Nagsuklay at kinuha ang gamit. Nang
makapaghanda na ay nagpaalam na siya sa kanyang ina.
Para makarating sa paaralan, sumakay siya ng tricycle. Nang makarating na
sa paaralan, palibhasa ay unang araw ng pasukan, agad niyang hinanap ang
kanyang silid-aralan at nang makita ito umupo siya sa bakanteng upuan. Maya-
maya pa ay tumunog ang alarm ng paaralan na nagpapahiwatig na oras na ng klase.
Makikita sa labas ng silid-aralan ni Berta ang ilang mga estudyante
na tumatakbo papunta sa kanilang mga silid-aralan. Pagkatapos ng ilang mga
minuto, dumating ang kanyang guro at bumati sa kanila. Tumayo silang lahat at
binati rin ang kanilang guro. Inutusan ng guro ang lahat na magpakilala at pumunta
sa unahan. Gayon nga ang ginawa nila.

You might also like