You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino V

PAGBASA ( IKATLONG ARAW )

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nasasagot ang mga tanong sa binasang


talaarawan

I. LAYUNIN: Sa loob ng limampung minutong pagtuturo, ang ma-aaral ay


inaasahang
a. Nakasasagot ng mga tanong sa talaarawan
b. Nakapagbabahagi ng isang talaarawan sa klase

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksang Aralin: Nasasagot ang mga tanong sa talaarawan
B. Kagamitan : laptop, manila paper, projector
C. Sanggunian: Bright Minds, http://iekac.blogspot.com/2012/09/diary.html
Diary
III. PAMAMARAAN:
A. Panlinang na Gawain
1. Balik aral
2. Pangganyak
Sino sa inyo ang may diary ?
Ano-ano ang mga dapat ilagay sa diary ?
3. Pagbasa ng Tekstong Lunsaran
September 2, 2012
DIARY
Dear diary,

Unang-ana sa lahat ay masaya ako dahil pinagawa kami


nang aming guro na talaarawan.Dahil nakasanayan ko nang
gumawa nang talaarawan noong high skul.Dito mo itatala ang iyong
pananaw at saloobin sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa
kapwa tao.at dito mo rin kung anong nais mong sabihin o kaya'y
kausapin ang gusto mong makausap.Ngayon umaga na ito ay na
bless ako dahil buhay pa ako at nakakahinga nang maluwag di ba?
Isang himala na iyon.
At ngayon buwan na ito ay itatala ko ang aking
talarawan ,Masaya ito

Jacqueline
4. Pagsagot sa mga Tanong
1. Sino ang sumulat sa talaarawan ( Kaalaman )
2. Bakit masayang-masaya si Jacqueline sa pagsulat ng diary ?
( Pang-unawa )
3. Kung ikaw ay may talaarawan, dapat mo rin bang ibahagi ang
mga magagandang karanasan sa iyong talaarawan ? (
4. Bilang isang mag-aaral, ibabahagi mo rin ba ang paggawa ng
magandang talaarawan ? ( Ebalwasyon )

5. Pangkatang Gawain

Panuto: Basahin ang mga talaarawan at bumuo ng katanungan


para sa nabasang talaarawan
Pangkat I at Pangkat II
Bilang Estudyante
Ano nga ba ang pang-araw-araw na nangyayari sa isang magaaral? Kung ako
ang tatanungin dyan,isa lang masasabi ko di masaya!hehe Grabe lng ang stress,sa
pagpasok ko pa lng palagi akong nagmamadali na pumasok kasi nga ang layo pa ng
bahay namin at mahirap talaga ang sasakyan. Kung san ka nagmamadali may mga
bagay na humahadlang,ayan yung jeep na ang bagal bagal talaga tapos
nagpapagasolina pa,ay naku mauubusan ka talaga ng pasensya.
Andyan ang palaging quiz sa mga subject,na minsan mapagtutuunan mo lng ito ng
pansin pag sinabing magkakaroon ng pagsusulit ukol sa inyong mga
pinagaralan.Minsan nakakainis ang isang subject lalo na at hindi mo talaga ito gusto,
tulad ng love ko sa Math di ba?sa kabaliktaran nga lng,.hehe. Masaya din sa klase,
marami kang matutunan at masaya magkaroon ng maraming kakilala.Mga proyekto
na masaya. Tulad nung Environmental Science ko, nagovernight talaga kami dun sa
project namin na Food Fest na about sa gulay ang ingredients niya. Mga kasama ko
kasi mga Mass Com.,tapos ako lng ang Education student. Mabuti naman mabait
naman sila at doon kop lng naexperience ang hindi umuwi sa bahay!

Pangkat III at Pangkat IV

Nobyembre 17, 2016


Ang sarap sa pakiramdam na kalahok ako sa Radio Broadcasting Filipino-
Elementarya. May mga araw na kailangan kong lumahok sa matinding pagsasanay
sa paggawa ng balita para may maiparinig sa lahat. May mga araw rin na wala
akong perang pamasahe at ang ginagawa ko ay naglalakad patungo sa
eskuwelahan na aming pag-eensayuhan. Pero ang alam ko kapag may tiyaga may
nilaga ika nga. Naniniwala ako sa puspusang ensaya naming sa Radio
Broadcasting-Filipino ay makakamit ko rin ang tagumpay. Naniniwala ako sa aking
kakayahan dahil ang suporta training kong ito ay ang aking pamilya, ang aking guro
at ang Dios na gumagabay sa akin.

Carlo Martin
IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang Talaarawan at sumuslat ng 5 katanungan

Ben Payat

Isang anak nang pagkadalaga,na hindi nakayang alagaan ng ina at itoy


pinagkatiwala sa kanyang lola at mga tiyahin,
Mula pagkamusmos ay dumanas siya ng maltrato mula sa kanila, kahit na sya ay
apo, nasa isip nila na kasalann daw niya kaya di nakapagtapos ng pag-aaral ang
ina. Lagi siyang napapalo ng lola nito, konting mali ay may parusa sa batang
musmos, kahit mga tiyahin, galit sila sa kanya, ang tanging kakampi nya ay ang lolo
nito.
Dumating ang pasukan at nagmakaawa siya na pumasok, napilit ng lolo nito ang
lola niya na papapasukin siya, ngunit dapat bago pumasok si Ben ay kailangan
makaigib at magawa nya ang trabaho sa kusina, dahil sa kagustuhan makapag-aral
ginawa ni Ben ang pag igib, paghugas ng pinag kainan, pakainin mga hayop na
alaga nila, pasok siya sa paaralan na ang baon ay piso lamang, ang dmit ay nag
iisang pares na uniporme at minsan ang tsinelas nito ay magkaiba ang dahon, lahat
ay naawa sa kanya kasi alam nila ang buhay niya, naging magkaibigan kami, at
dahil mabait siyang bata, lagi namin share sa kanya mga baon na pagkain at
makikita talaga ang gutom nito, napakatalino niya, lagi kaming habulan sa bawat
exam.
Ganuon ang buhay na umimnog kay Ben.
Walang pakialam sila lola at tita niya, tanging ang lolo ang laging nagmamahal sa
kanya, natutuwa sa mataas na marka ng apo,
Dahil sa siwasyon nya sa bahay nila, nabuhos ang isip nya sa pag-aaral, sa school
niya kasi nakikita ang pagmamahal ng pamilya na wala sa kanya, ngunit kailan man
ay di siya nagtanim ng galit sa lola at mga tiyahin,
Dumaan ang pagtatapos ng elementarya at naging salutatorian siya, lalong
nakakaiyak kasi wala man lang dumating sa pamilya nito dahil may inasikaso ang
lolo niya, ganun paman ay masayang umakyat ng entablado si Ben payat, may ngiti
at lahat kami ay nagpalakpakan, lumapit siya sa akin at bumati, sinabi niya na baka
di siya makapag high school dahil ayaw ng lola magastos daw kaya papasok siya sa
pagawaan ng hallow blocks, nag iyakan kaming dalawa lalo na at ipapadala ako sa
UPang para mag aral, linggo magkasama kami pumunta sa gawain sa church(born
again)nang kausapin siya ng head pastor na napili siya sa schoolarship ng
kongregasyon, ang tuwa sa kanyang mukha, ayaw pumayag ng lola nito, ngunit
napilitan din.
Umalis ako at tanging text kami nagkaugnayan, pasok sa highschool, pag hapon
ay nasa hallowblock si Ben, para ibigay sa lola na gahaman ang kita, 9 ng gabi
nagtitinda ng balot para may pera siya pag may project.
Wala siyang kapaguran, at lalong naging malapit siya sa Dios.
Pag bakasyon umuuwi ako ay di maubos ubos ang kuwento niya.
Walang pagbabago sa maltrato ng lola niya sa kanya, at ang ina ay tuluyan na
siyang kinalimutan.
Nakapagtapos siya ng high school at dahil matataas ang marka, scholar parin siya
sa University sa umaga, pag hapon sa hallowblock, at balot sa gabi para pantustos
niya sa mga project nya.
Halos di na siya nagpapahinga.
Mabilis na lumipas ang taon at nakapagtapos siya bilang summa cum laude.
At doon ay nakita ng lola niya kung sino na si Ben, naiyak ang lola nito at nagsisi sa
mga ginawa niya sa apo.
Year 2011 nang umuwi ako. At siya po ang tinanghal bilang panauhing pandangal
ng aming paaralan.
Lahat ay naiyak habang nagsasalita sa taas ng entablado.
Nagpasalamat siya sa lola niya at sa kahirapan na kung saan iyon ang naging
lakas niya para iahon ang sarili.
Nagpasalamat siya sa simbahan na kung saan sila ang tumugon sa schoolarship
niya.
Sinabi niya na walang imposible basta may tiwala ka sa Dios at sarili.
Lahat ay umiyak, sino nga ba ang magsasabing siya si Ben, ang batang payat, isang
uniporme, naglalako ng balot, at gumgawa ng hallowblocks, minamaltrato ng lola,
tsinelas ay magkaiba ang dahon dahil sa wala siyang pambili.
Ngayon isa nang professor sa U.P.

Lahat kaming kaklase niya ay yakapan ng magkita kita, may mga nahihiya sa
kanya pero sabi nya ako parin ito, si Ben payat..
Isang batang akala ng marami ay matutulad sa ina,
Ngunit lahat ay nagkamali.

Mga anak ofw sana mabasa nyo ito.


At makita ninyo ang rason kung bakit mga magulang ay nandito ngayon sa ibang
bansa.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumawa ng isang talaarawan at idikit sa inyong kuwaderno

You might also like