You are on page 1of 9

Pagbibigay paksa sa kuwento

o usapang narinig
Sumulat ng mga salita hinggil sa salitang pangalawang
buhay. Ipaliwanag ang kaugnayan nito.
Panuto :Alamin ang pinakamalapit na kahulugan.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
1. Malakas ang hangin pero umaambon-
• mahinang ulan ambon lang.
• patimpalak
2. Napagkasunduan naming mag-ensayo
• takot na takot para sa nalalapit na
paligsahan.
• Kakainin 3. Napakalakas ng kantiyaw ng aking
• tukso kaibigan.
4. Kabang-kaba ang kabarkada ko.
• agos
5. Lalamunin kayo ng agos ng ilog.
Grade 5 ako noon nang maganap ang isang pangyayari na hinding hindi ko
malilimutan. Bumabagyo noon, signal no. 1. Malakas ang hangin pero umaambon-ambon
lang.Anim kaming magkakabarkada at magkakasama rin sa dance troupe sa aming paaralan.
Napagkasunduan naming mag-eensayo ng sayaw para sa nalalapit na paligsahan. Sa Wawa, Orion
kami nag-eensayo, sa may damuhan. Mayroong malapit na ilog sa lugar na aming pinag-
eensayuhan.
Pagkatapos naming magpraktis ay nagkayayaan na maligo sa ilog. Malakas ang agos
ng tubig at mistulang ipu-ipo sa lakas. Nagturuan kami kung sino ang unang tatalon. Dahil malakas
ang kantiyaw ng aking mga kaibigan, tumalon ako. Hindi naman ako kinakabahan. At nang nasa
tubig na, hindi ako makalutang kahit anong langoy at kawag ko. Pakiramdam ko ay may
humahatak sa akin nang pailalim. Langoy ako nang langoy pataas subalit puro dilim lang ang
aking nakikita.
Isa lang ang nasa isip ko, ang makaluntang. At saglit pa’y ayun nakita ko rin ang
liwanag. Nakalutang din ako sa wakas! Tuwang-tuwa ako nang makaahon. Nakita ko na talagang
malakas ang agos ng tubig. Kabang-kaba ang mga kabarkada ko. Ang tagal ko raw sa ilalim ng
tubig. Akala nila hindi na ako makakaahon. Walang sumunod sa akin dahil natakot sila. Meron
isang mama na nagdaan at nagsabing “Huwag na huwag kayong tatalon sa ilog at tiyak na
lalamunin kayo ng agos.” Noon ko napag-isip-isip na masuwerte pa rin ako at hindi ako tuluyang
nalunod. Pakiramdam ko ay ikalawang buhay ko na ito. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos at
pinahintulutan niya akong makaligtas at muling mabuhay.
Sagutin ang mga tanong:
1. Anong pangyayari ang hindi makakalimutan ng tauhan sa kuwento?
2. Ano ang naramdaman ng tauhan nang siya ay makaligtas? Ang
kanyang mga kaibigan at? Bakit?
3. Magbigay ng isang pagkakataon na nangyari sa iyo ang ganitong
pangyayari?
4. Ano ang nais iparating ng tauhan sa kanyang kuwento tungkol sa
kanyang naranasan?
5. Paano tayo makakaiwas sa mga ganitong pangyayari?
6. Ilahad ang iyong naging damdamin pagkatapos mapakinggang ang
kuwento?
Pangkatang Gawain

Panuto : Basahin ang sumusunod na balita. Isulat sa patlang ang


pangunahing kaisipan o paksa nito.
Pangkat I (Balita # 1)

Umaapela ang pangulo sa mga negosyante at pribadong sektor na suportahan


ang kampanya para sa pangingilak ng pondo ng pamahalaan para sa paglahok ng pambansang atleta
sa nalalapit na Asian Games. Ang kampanya ay may layuning ipakita ang pagiging matulungin ng mga
Pilipino, partikular pagdating sa larangan ng palakasan.
Paksa: _________________________________________________________

Pangkat II (Balita # 2)

Ipinahiwatig ng Kalihim ng Repormang Agrario na posibleng


mabawasan ang tatlong ektaryang ipinagkaloob sa mga magsasaka sa ilalim ng
CARP. Lumulitaw na hindi naman nasasaka lahat ng mga magsasaka ang lupang
ipanagkaloob sa kanila dahil na rin sa kakulangan ng puhunang kailangan para sa
pagtatanim.
Paksa:
_________________________________________________________
Pangkat III (Balita # 3)

Bunga ng lumalagong populasyon ng bansa, hindi lamang ang DOH


kundi maging ang DepED ang humuhikayat sa sambayanan na planuhin ang pamilya.
Ipinaliwanag ng departamento na ang pagkukulang ng mga silid-aralan at kagamitan tulad
ng aklat ang kinahaharap na problema ng bunga sa sobrang dami ng mag-aarl.

Paksa: _________________________________________________________

Pangkat IV (Balita # 4)

Tinanggihan ng NFA ang kahilingan ng mga militanteng grupo na


babaan ang presyo ng bigas bunga ng lumalalang kahirapan ng maliliit na mamamayan.
Sinabi ng pamunuan ng NFA na maibaba lamang ang presyo ng bigas kung sobra-sobra
na ang suplay nito at hindi na aangkat ang bansa ng bigas.

Paksa:
_________________________________________________________
Sagutin ang mga tanong:
1. Kung isa ka sa mga kaibigan ng tauhan
sa kuwento, ano ang gagawin mo?

2. Nakaranas ka na ba ng tinatawag na
“pangalawang buhay”. Isalaysay ito sa
klase.
TAKDANG ARALIN

Panuto : Sagutin ng mahusay ang mga tanong. Isulat ang sagot sa


inyong kuwaderno.

Ano ang dapat maging realisasyon ng isang taong


nabigyan ng pagkakataong mabuhay muli?
Iugnay ang kaisipan sa kuwentong binasa “Kung sa
Diyos ikaw ay may panana lig, anumang hamon, hindi ka matitgatig.”

You might also like