mga salita ay maging madulas. Ito ay ikinakabit sa pagitan ng dalawang salita. Anyo ng Pang-angkop 1. NA – katagang inilalagay sa pagitan ng dalawang salita na ang una ay nagtatapos sa katinig. Halimabawa: bundok na mataas bahay na malaki 2. NG – katagang ikinakabit sa hulihan ng salitang nagtatapos sa patinig kasunod ng isa pang salita.
Halimbawa: batang malikot
ateng mabait 3. G – titik na ikinakabit sa dalawang salita na ang una ay nagtatapos sa n. Halimbawa: sangguniang bayan luntiang bukid Pag-ugnayin ang mga pares ng salita. Tukuyin ang wastong pang-angkop para sa bawat isa. Isulat na muli ang pinag-ugnay na salita. 1. Balon ______ malalim 2. Bahay ______ bato 3. Pantalon ______ maong 4. Damo _______ ligaw 5. Puti ________ damit B. Lagyan ng tamang pang- angkop ang mga sumusunod. 1. Medyas _________ butas 2. Mesa _________ mababa 3. Kahon __________ maliit 4. Sapatos _________ luma 5. Ina __________ mahal