You are on page 1of 8

School : Peace Vilage Elementary School Grade Level: Grade 5

Name of Teacher: Angelie E.Fernandez Learning Area: Filipino


Date and Time of Teaching:Pebrero 27 at 29, 2023 Quarter: 3rd Quarter WEEK 4

WEEKLY LEARNING PLAN IN FILIPINO 5

MELC: Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F5PS-III-e-3.1)


Nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan. F5PB-Ie-18
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto. F5PS-IIIf-h-6.6
Day Objectives Topic/s Classroom- Based Activities Homeroom-Based
Activities
1 Knowledge: Naibabahagi Pagbabahagi A. Pagbabaybay Panuto: Sumulat
ang isang pangyayaring sa isang 1. timeline 4. mestisa tungkol sa iyong
nasaksihan pangyayaring 2. diskriminasyon 5. tauhan kaarawan sa
Skills: Nakagagawa ng nasaksihan 3. negosyante pamamagitan ng
isang timeline batay sa Paggawa ng Pagbasa ng pangungusap pagbuo ng talata. Sa
nabasang kasaysayan isang timeline Basahin ang pangungusap at bumuo ng mga katanungan mula sa pangungusap.
Attitude:Napapahalagahan batas sa Aking Kaarawan
ang tamang pagsasalaysay nabasang Naging _______ ang
ng napakinggang teksto sa kasaysayan Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong aking nakaraang
pamamagitan ng tamang pangalan ni Dr. Jose Rizal. kaarawan. Naghanda
pagsulat ng napakinggan. ang aking ina ng
B. Paghahabi sa layunin ng Aralin _________na pagkain
para sa aking mga
Kilala niyo ba kung sino ang nasa larawan? kaibigan. Bumili
naman ang aking
Ninang ng________
cake. Pagkatapos
ng________ salu-salo,
nagkaroon ng palaro.
Isang_______pabitin
ang ginawa ng aking
tatay. Nagsabit dito
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin ang aking Ate
PANUTO: Basahin ang talambuhay ni Dr Jose Rizal at gumawa nang timeline tungkol dito. ng________ laruan.
(Tingnan sa slide deck) Ang________ kong
kaibigan ang nakaabot
Panuto: Kunin ang mahahalagang pangyayari nang buhay ni Dr Jose Rizal at gumawa nang ng bola sa pabitin.
timeline tungkol dito. Lahat ng dumalo
ay_________ pagkat
may uwi silang laruan.
Naibigan ko ang mga
regaling ibinigay sa
akin ngunit
ang_____________S
ko ay ang walking doll.
D.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Ang buong mag-anak
Pagpapaliwanag ng Aralin: ay subali’t nasiyahan
Ang timeline ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga sila dahil nagging
pangyayari sa pamamagitan ng linya. Maaaring ayusin ang timeline ayon sa oras, petsa, o masaya ang lahat.
pangyayari na may maikling paglalarawan o detalye tungkol dito. Makatutulong sa higit na pag-
unawa ng mga mag-aaral kung lalagyan ng larawan kaugnay ng paksa ang time line.

TANDAAN:
Sa pagsasalaysay ng karanasan gumamit ng mga salitang naglalarawan upang maging kawili-
wiling pakinggan ang kwento. Isaayos ang mga pangyayari sa wastong pagkakasunod-sunod.
Gamitin ang malaking titik at mga bantas na kailangan

E. Paglinang sa Kabihasan
Panuto: Sumulat ng mga pangungusap sa mga kahon ng mga mahahalagang pangyayari na
iyong nasaksihan na nais mong ibahagi.

1.
2.
3.
4.
5.

F. Paglalahat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ano ang inyong natutunan sa pagbabahagi ng inyong nasaksihan? Bakit kailangan na maibigay
natin ang mga detalye ng isang pangyayari?

Bakit mahalaga na alam mo ang tamang pagkakasunod-sunod ng isang pangyayari?

G.Paglalahat ng Arallin
Paano ang tamang pagbabahagi ng pangyayari?
Ano ang timeline?
H.Pagtataya ng Aralin
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

__________1. Pinangangak si Dr. Jose P. Rizal


__________2. Siya ay natotong magbasa
__________3. Pumasok siya sa Ateneo Municipal de Manila
__________4. Pumunta sa Europa
__________5. Nga-aral ng ibang linguwahe
__________6. Inilimbag ang Noli Me Tangere
__________7. Inilimbag El Filibusterismo
__________8. Itinatag ang La Liga Filipina
__________9. Tinapon siya sa Dapitan
__________10. Hinuli siya at pinatay
Day Objectives Topic/s Classroom- Based Activities Homeroom-Based
Activities
2 Nasusukat ang kaalaman IKALAWANG A. Pagbibigay panuto
sa Filipino 5 ng mga mag- LAGUMANG B. Pagsasagot
aaral sa ikalimang baitangs PAGSUSULIT C. Pagwawasto
D. Pagkuha ng mga marka
Day Objectives Topic/s Classroom- Based Activities Homeroom-Based
Activities
3 A. Natutukoy ang Pagsasalaysay PRE-READING
tamang paraan ng muli ng Panuto: Basahin ang mga sumusunod na salita.
pagsasalaysay muli napakinggang 1. usa
ng napakinggang teksto 2. uso
teskto (CATCH UP 3. bibo
B. Naisasalaysay muli FRIDAY) 4. saba
ang napakinggang 5. tuta
teksto Pagbasa ng pangungusap
C. Napapahalagahan Basahin ang pangungusap at bumuo ng mga katanungan mula sa pangungusap.
ang pagsasalaysay
muli ng Dahil sa lumalaganap na red tide, pinagpayuhan ang mga mamamayan na iwasan ang
napakinggang pagkain ng mga pagkaing may shell o kabibe tulad ng tahong at talaba upang hindi malason,”
teksto sa ang balita sa radio.
pamamagitan ng
sariling salita B. Paghahabi sa layunin ng Aralin
Awitin natin:
https://www.youtube.com/watch?v=tvJ86wZdHzg

https://www.youtube.com/watch?v=9hFMgAkPpZw

https://www.youtube.com/watch?v=8jT7EUQH19A

https://www.youtube.com/watch?v=IqMVXE-ytq8

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


 Magtatanong ang guro sa mga bata ng mga bagay na nagsisimula sa titik Uu, Bb, Tt, Kk.
 Isulat sa pisara ng guro ang mga salitang binigay ng mga mag-aaral.
 Muling kikilalanin ng mga mag-aaral ang titik Uu, Bb, Tt at Kk sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga letrang nabanggit at pagsasabi ng pangalan at tunog nito.

D.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan (para sa mga


frustration)
m + u = mu
s + u = su
u + sa = usa
u + so = uso
su + si = susi
mu + sa = musa
u + ma + sa = umasa
u + si + sa = usisa

ba, be, bi, bo, bu


a + ba = aba
i + ba = iba
bi + bo = bibo
ba + so = baso
sa + ba = saba
ba + o = bao
ba + ba + e = babae
i + ba + ba = ibaba
ma + ba + ba = mababa

ta, te, ti, to, tu


ta + o = tao
ta + sa = tasa
ta + ma = tama
ta + bo = tabo
ta + bi = tabi
ti + to = tito
tu + ta = tuta
tu + tu+ bi = tutubi
ma + ta + ba = mataba

ka, ke, ki, ko, ku


a + ko = ako
ka+ ma = kama
ka + mi = kami
ka + si = kasi
sa + ko = sako
ke + so = keso
ka + so = kaso
ka + sa + ma = kasama
ka + bi + be = kabibe
bu + ti + ki = butiki
bi + tu + ka = bituka

Post Reading:

E. Paglinang sa Kabihasan
Gawin Natin
NR/FR
 Bigyan ng kopya ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na salita at pangungusap. Hayaan
silang basahin itong mag-isa.
usa sumama
uso mausisa
musa ang susi
susi sumasama
umasa ang usa

May usa si ama. Iisa ang usa. Ang usa ay umaasa. Ang usa ay sumasama sa ama.
TANONG:
1. Sino ang may usa?
2. Ilan ang usa?
3. Ano ang gingawa ng usa?
4. Saan pumunta ang usa?
5. Paano alagaan ang usa?
aba ang bao
bibo ang baso
baso sa ibaba
saba mababa

Emi, ang bibe ay babae. Bibo ang bibe mo. Isasama ang bibe sa ibaba. Maamo ang bibe ni
Emi.
Tanong:
1. Kanino ang bibe?
2. Saan isasama ang bibe?
3. Anong katangian mayroon ang bibe?

ang tuta si tita


sa itaas ang tutubi
sa tabi matataba

May tutubi sa mesa. Sa ibaba may tuta. “Tito, tita tumabi ang tutubi sa tuta”
Tanong:
1. Saan may tutubi?
2. Ano ang nasa ibaba?
3. Sino ang tumabi sa tuta?

Pakinggan at unawain ang talata sa ibaba: (para sa nakakabasa INDEPENDENT at


Instructional)

May Pera sa Balat ng Talaba

“Dahil sa lumalaganap na red tide, pinagpayuhan ang mga mamamayan na iwasan ang
pagkain ng mga pagkaing may shell o kabibe tulad ng tahong at talaba upang hindi malason,”
ang balita sa radio. “Kundangan kasi, may mga ng tahong at talaba pa. Sana wala na ang mga
iyan para wala na ring malalason pa,” ang reaksyon ni Crisanto pagkarinig sa balita sa radio.
“Anak, sa mga pagkaing iyan makakukuha tayo ng bitamina at sustansiyang kailangan upang
hindi tayo magkaroon ng sakit na goiter,” ang sagot ni Aling Sencia na kanyang ina. “ At kaya
naman nagkakaroon ng red tide ay dahil na rin sa pagkakalason o pagdumi ng tubig na tayong
mga tao na rin ang may kagagawan.” “Bukod pa po roon, mayroon pa po bang ibang
pakinabang na nakukuha sa talaba?” ang tanong ng anak sa ina. “Noong araw,anak, noong
wala pang polusyon sa tubig, sa Navotas at Malabo ay sagana sa pag-aani ng talaba. Dahil sa
linamnam ng lasa, kinagigiliwan ito ng balana. Kahit saang lugar, nagkalat ang taniman ng
talaba.Kaya maginhawa ang pamumuhay ng mga tao. Malakas pagkakitaan ng mga tao ang
talaba.Maging ang mga bata ay kumikita rin.Kung panahon ng tag-init na walang
pasok,naghihimay kami ng talaba.. Sa pamamagitan ng kutsilyo, inaalis namin ang laman sa
balat nito. Binabayaran kami sa nahihimay naming talaba.Kapag malakas kang maghimay,
marami kang perang kikitain. Subalit kailangan din ang lubos na pag-iingat upang hindi
masugatan ng kutsilyo o ng balat ng talaba ang iyong mga kamay.Dahil sa paghihimay ng
talaba, nakakaipon kami ng pera tuwing bakasyon.. Kaya sa halip na kami’y mainip, nagiging
lubhang kapakipakinabang ang aming bakasyon. Dahil sa balat ng talaba, kumikita kami at
nakaiipon ng pera para panggastos sa darating na pasukan. “ Inay, kapaki-pakinabang din po
pala ang balat ng talaba noong araw,” ang nakangiting wika ni Crisanto. “Oo, anak. Noong araw
na hindi pa nalalason ang ating tubigan,” ang malungkot na sagot ni Aling Sencia sa kanyang
anak.

Panuto: Mula sa binasang talata. Ibigay ang pangunahing diwa nito.


Mga Tanong
1. Iulat ang balitang narinig sa radio.
2. Ano ang sanhi at bunga ng red tide?
3. Anong uri ng sakit ang goiter?
4. Saan-saang bayan sagana sa talaba?Ano kaya ang dahilan at sagana sa mga lugar na ito?
5. Noong kabataan ni Aling Sencia, paano sila kumikita kung bakasyon?Isalaysay ito.
6. Anong ugali ang ipinakita ng mga kabataan sa paghihimay ng talaba?Magagawa mo rin ba
ang gayon? Sa paanong paraan?
7. Makikilala mo ba ang mga salitang hiram sa kwento? Maipaliliwanag mo ba ang kahulugan
ng mga ito?

F. Paglalahat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Bakit mahalaga maunawan at maintindihan ang napakinggang teksto?

G.Paglalahat ng Arallin
Paano gawin ang pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto?

H.Pagtataya ng Aralin
Panuto: Pakinggan at unawain ang teksto “May Pera sa Balat ng Talaba”. Gamitin ang graphic
organizer sa pagsasalaysay muli gamit ang sariling salita.

You might also like