You are on page 1of 11

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakasusulat ng liham na
nagbibigay ng mungkahi /

Nakapagmumungkahi ng mga
magagandang babasahin
Panimulang Gawain

Maliban sa aklat ninyo na


ginagamit sa paaralan, anu
ano ang mga babasahin na
binabasa ninyo?
Pagganyak

Kung kayo ay gagawa ng


liham , ano-ano ang mga aklat
o magagandang babasahin ang
inyong imumungkahi ?
Magkaibigan sina Daniel at Parker .
Mahilig silang magbasa ng mga kuwento
kaya naman ay sinasabi nila kung ano ang
pamagat na nabasa na nila. Hinanap ni
Parker ang aklat na sinasabi ng kaibigan
ngunit nabili na. Sumulat siya sa
namamahala ng tindahan na nagmumungkahi
na magkaroon ng sipi . Narito ang kanyang
liham:
847 Dama de Noche St.
Lungsod ng Pasig
Oktubre 31, 2016

G. Henry P. Derarte
Manedyer
Palmones Publishing
Lungsod ng Quezon

Ginoo:
Ako po ay mag-aaral na mahilig magbasa ng mga aklat. Pumunta po ako sa
inyong pamilihan ngunit wala na po ang aklat na tungkol sa mga isda. Iminumungkahi

ko po sana na magdala po kayo ng mga aklat pa tungkol dito. Sabik na po akong


mabasa ang mga iba’t ibang isda.

Lubos po akong umaasa na ako ay inyong pagbibigyan.

Gumagalang,
Parker Solis
Pagtalakay

Sagutin ang mga tanong mula sa kuwentong


binasa.
1. Sino ang magkaibigan? ( kaalaman )
2. Ano ang pinag-uusapan nila?(kaalama )
3. Saan pumunta si Parker? ( Kaalaman )
4. Bakit siya gumawa ng liham? ( Pag-
unawa )
5. Ano ang iminumungkahi niya na dalhin sa
pamilihan?
6. Kung kayo ay pamimiliin, ano ang
magagandang babasahin ang inyong
imumungkahi?
( Paglalapat )
7. Ano ang mararamdaman mo kung may
nakita kang nagbabasa ng aklat?
(Ebalwasyon )
Pangkatang Gawain

Pangkat 1
Sumulat ng liham na nagmumungkahi na
magkaroon ng pagbubunot ng ngipin
sa inyong paaralan.

Pangkat 2
Sumulat sa punungguro ng paaralan na
nagmumungkahi na magkaroon ng sipi
ng bagong diksyunaryo at Atlas
sa silid-aklatan.
Pangkat 3
Sumulat ng liham para sa Puno ng
Barangay na nagmumungkahi na wala ng
magpapatugtog nang malakas pagsapit ng Ika- 10
ng gabi.

Pangkat 4
Sumulat ng liham para sa manedyer ng
restawran na nagmumungkahi maglagay ng
babasahin sa isang sulok upang hindi mainip ang
kustomer habang naghihintay.
Isahang Gawain

Sumulat ng liham na
nagmumungkahi na dapat
gawin upang mapanatili ang
kalinisan sa paaralan tuwing
rises .
Takdang Gawain

Sumulat ng liham na
nagmumungkahi na basahin
ang aklat tungkol sa bagong
ortograpiya ng wikang Filipino.
Malalaman sa bagong
ortograpiya ang mga bagong
salita na naiba na ang mga
baybay.

You might also like