You are on page 1of 1

Name: Mariel Daniella P.

Riquero

Grade and section: 12 – Citrine (STEM)

“LANDAS SA IYONG SARILING LIBRO”


Marahil marami sa inyo ang hindi pa nakakaalam,

na buhay ko’y madalas ko maihambing sa libro na ang lumathala ay si bathala.

Libro ko’y nagsimula sa kwento,

na tanging pamilya ko lamang ang karakter na aking paborito.

Ngunit sa pagtagal ng aking kwento,

itong mga karakter pala’y may sarili libro’t kwento.

Tila sa kakaunting pahina natutunan ko agad na bawat tao,

ay may sariling kwadro at di laging naririto.

Sa paglipat ng aking mga pahina,

iba’t iba ang nadarama at aral ay natatama.

Tila ngayo’y narito tayo sa iisang pahina,

Pahina na pinagtagpo ang ating mga landas at oras.

Kayo’y aking karakter sa yugto na ngayon’y aking nilalakbay,

Nilalakbay ang ating mga landas na di laging magkasabay.

Tila sa mga oras na kayo’y naging parte ng aking salaysay,

Kayo’y naging aking gabay sa maraming bagay.

Sa yugto na kayo’y naririto, tila inyong kwento’y isa sa aking paborito.

Ang palihis ng ating mga landas at pag usad ng ating mga libro,

Hiling ko’y ito naway matapos sa nais nyong yugto.

Ngunit bago matapos ang aking pagbigas,

Nais ko sa isang karakter ay magwakas.

Sa iyong pagpasok sa aking kwento at patuloy ang pangugulo,

tila nais ko na iyong pangalan ay patuloy na mabanggit sa aking kwento.

Puso mong puno ng kabutihan at pagkilala sa kataasan taasan,

ang nagturo sa aking ng maraming kalaalaman.

Totoo pala talaga na lahat ng bagay ay may dahilan,

At may dahilan kung bakit ikaw’y aking patuloy na takbuhan at sandalan.

Sa mga landas na ating tatahakin, gabay nawa sa isat’t isa ang hanapin.

Sikreto natin ay patuloy na maalala at maging ating takbuhan.

Magkaiba man ang ating libro ngunit ito’y maging konektibo.

Nawa’y ang kataastaasan patuloy na ika’y itala sa aking libro,

Libro, na tanging pagtitiwala sa bawat pahina at may akda ang mahalaga.

You might also like