You are on page 1of 4

Paksang Aralin: Kasaysayan ng Sanaysay

Antas: Baitang 11 Senior High School


Haba ng Pagtalakay: 70 minuto

I. Analisahin ang iyong mga mag-aaral (Analayze Learners)

Katangian ng mga mag-aaral: Nakadisenyo ang paksang araling ito para sa mga mag-aaral ng Baitang 11,
Senior High School na nasa Humanities and Social Science (HUMMS) strand. Ang pag-aaral ay limitado
lamang sa tatlumpong mag-aaral (30) nang masiguro ang tamang bilang at maibaling lamang sa kanila
ang atensyon sa gagawing pag-aaral. Labing lima (15) sa kanilang klase ang babae at labing lima (15)
naman ang lalaki. Inaasahang maipapamalas ang magkaiba nilang pagtatutuo. Ang piling mag-aaral ay
may sapat na kaalaman sa pakay ng pagsusulat ng sanaysay.

II. Ilahad ang mga layunin sa pagtuturo (State Standards and Objectives)

Inaasahang maipapamalas ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:


a. Mababatid ang kahulugan, katangian, mga batayang kaalaman at uri ukol sa sanaysay
b. Napapahalagahan at naisaalang-alang ang pagsulat ng sanaysay.
c. Nagkakaroon ng kasanayan upang makabuo ng isang pangmalakasang piyesa.

III. Pumili ng Angkop na Estratehiya, Metodo, Midya at mga Materyales (Select


Strategies, Methods, Media, and Materials)

Estratehiya at Metodo. Mahusay na mailalarawan ang pamamaraan at metodo gamit ang pagkatutong
batay sa pagtuklas, isa na rito ay ang ispekulatibong tumutukoy sa pagkilala ng mga senaryo, mga
estratihiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat.

Midya at Materyales. Gamit ang PowerPoint presentation sa paglalahad ng makabuluhang pag-aaral


ukol sa sanaysay upang mas maipaliwanag ng maayos ang leksiyon. Nakatutulong din ang pananaliksik
sa internet at paggamit ng mga online site tulad ng Course Hero, Online Library at iba pa.

IV. Gumamit ng Teknolohiya, Midya at iba pang Materyales (Utilize Technology,


Media, and Materials)

Ihanda ang mga materyales. Planado nang nakahanda ang PowerPoint presentation at Course Hero
pati na ang ang kompyuter. Natitiyak din ang daloy ng internet connection.

ASSURE model_SherwinAporbo_Kasaysayan ng Sanaysay


Ihanda ang kapaligiran. Marapat na nasa tamang lugar na hindi nakakasagabal sa pag-aaral.
Panatilihing malinis at nakahanda na ang mga gagamitin. Mas mainam magkaroon ng tinatawag na “Plan
B” nang sa gayon masigurado ang lahat.

Ihanda ang mga mag-aaral. Sa pag-aaral ay hindi lang dapat guro ang naghahanda kundi pati na rin ang
mga mag-aaral. Mainam na may sapat silang nalalaman bago simulan ang klase. Nangangailangan ng
pagbabalik-aral bago pa ituloy ang talakayan, bagkos pinapaalalahanan din dapat ng guro ang wastong
paggamit ng bantas, istruktura, at gramatika lalo na sa pagsulat ng sanaysay.

V. Hingin ang partisipasyon ng mga mag-aaral (Require Learner Participation)

Nakatuon sa pakikilahok ng mga mag-aaral ang maaaring maipakita mula sa malaki at maliit na
pangkatang gawain.

Malakihang Pangkatang Gawain. Basahin at unawaing mabuti ang apat na sanaysay sa ibaba. Hahatiin
sa dalawang pangkat ang klase at pumili ng tig-iisang paksa.
 Kahalagahan ng Wikang Filipino ni J
 Iba ang Pinoy ni Princess O. Canlas

ASSURE model_SherwinAporbo_Kasaysayan ng Sanaysay


Sino Ako? Ang Pangarap Ko Sa Buhay

Ang aking ina, ama, kapatid, tiyahin, tiyuhin, pinsan, at mga kaibigan. Silang lahat ay Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap.Ito
aking nakasama sa luob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ng nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan.Ang
aking pamilya, ganuon din naman ang aking mga kaibigan. Alam ko ang mga bagay na
aking pangarap ay makapunta sana sa ibang bansa.
hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing
madalas nilang kinakain. Ganuon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang Gusto ko doon magtrabaho dahil malaking tulong ito sa aming
malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung mamaahon sa kahirapan.Sa kabilang dako naman,alam ko na hindi ito
sino talaga ako, bilang ako? matupad kapag hindi ako makatapos ng high school ganoon din sa
Ako, isang simpleng tao. Gaya ng iba mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap kolehiyo.Kaya,pagbutihin ko na ang pananaw ko ngayon sa
na walang katapusan. Kapag mayroon na akong mga ninanais na bagay na aking buhay.Mag- aral ako sa ALS habang nagtatrabaho ng kahit ano
nakamit ay mayroon na namang bagong pangarap na uusbong sa aking puso at isip. nakakabuti sa aming pamilya at makatulong sa pag-aalaga sa aking
Maiksi lamang ang buhay at walang sandali ang dapat sayangin.
mga bunsong kapatid.Sana makapasa na ako ngayon sa pasulit dahil
Ako, sa aking pagkakakilala sa aking sarili, ay isang tao na hinding hindi titigil sa isang
bagay na aking nasimulan. Sa paaralan, tahanan, sa trabaho, o saan mang lugar ako magpatuloy ako sa kolehiyo upang makatapos ng kurso.
mapunta ay hinding -hindi ako mag-iiwan ng isang bagay na aking sinimulan na hindi Sa ngayon ako po ay patuloy na umaasang maisakatuparan ang
natatapos. tanging pangarap.Alam kong ang aking mga pangarap ay kayang
Pagdating naman sa aming tahanan, kasama na sa aking pamilya ay tunay kong abutin sa tulong ng Poong Maykapal at sa mga taong nakapaligid sa
maipagmamalaki ang tunay na ako. Maasahan ako sa mga gawaing bahay na hindi na akin para maisakatuparan ko ang matagal ko nang pinapangarap na
kinakailangan pang utusan upang kumilos. Sa mga suliraning pampamilya naman ay
pumasa sa pasulit.
mayroon na akong parte na buong puso kong ginagampanan upang malampasan ang
mga problemang iyon sa tulong ng iba pang miyembro ng aking pamilya.
Pagdating sa ibang tao, sino nga ba ako? Ako, bilang isang kaibigan, sa tingin ko ay Sanaysay tungkol sa pangarap tagalog mula sa millionmiler.com
sapat na ang tunay na ako, upang matawag na isang mabuting kaibigan. Masaya sa
oras ng tawanan, at malungkot naman sa mga panahong may suliranin ang isa sa aking
mga kasama. Marami na akong nakasama at nakasalamuhang iba’t ibang uri ng mga
tao, ngunit walang nagtatagal sapagkat sa lahat ng ayoko ay iyong mga taong may
dalawang mukha o yung mga tinatawag nilang “plastic”. Ako kaya kong sumayaw at
sumabay sa lahat ng uri ng tugtugin, upang makisama. Kaya kong baguhin ang ang ilan
sa mga bagay na aking nakaugalian upang magustuhan ng iba. Hindi ko nais na
maraming makikisama sa akin ngunit balatkayo naman ang aking pinapakita. Ang nais
ko’y tanggapin ako sa paraan ng kung sino talaga ako. Hindi na baleng ilan lamang ang
aking mga nakakasama, nakatitiyak naman akong tunay ang mga ito. Nariyan rin ang
aking mga pamilya na alam kong hinding-hindi tatalikod sa akin.
Sabi nila walang ibang nakakakilala sa atin ng lubusan kundi ang ating sarili lamang.
Ako kilala ko kung sino si ” Ako” at kung ano ang tunay na”Ako”. Ikaw kilala mo ba
kung sino si “Ikaw”at kung ano ang tunay na”Ikaw”.

Sanaysay tungkol sa sarili ni Jim Lloyd.

Mula sa mga nabasang halimbawa na sanaysay, inaasahang makabuo ang bawat pangkat sa kahit anong
klase ng graph batay sa mga sumusunod:

1. Ano ang iyong reaksyon nang nabasa mo ang halimbawa ng sanaysay na kahalagahan ng wikang
Filipino?
2. Ano naman ang nilalaman o tungkol saan ang sanaysay na Iba ang Pinoy?
3. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang binasang sanaysay na “Sino ako?” At “Ang
pangarap ko sa buhay”?
4. Sa paanong paraan mo mahihimok ang iba na bumasa ng sanaysay?
5. Magsulat ng sariling sanaysay tungkol sa “Ano ang mas mahalaga, ang Pag-ibig o Pera?”

ASSURE model_SherwinAporbo_Kasaysayan ng Sanaysay


Maliit na Pangkatang Gawain. Hahatiin sa pitong pangkat ang klase. May sampong inilaang pamagat sa
ibaba, ang gagawin lamang ay pipili ang pitong grupo ng tig-iisang paksa at gawan ito ng sanaysay.
Pagkatapos makagawa ay pahusgahan sa guro, kapag nagawa ng tama at nasunod ang mekaniks ay i-
upload ito sa Course Hero o maaaring sa Scribd library. Subalit kung mapatutunayang ninakaw lamang
ang gawang piyesa ay hindi na ito tatanggapin pa.

Ang mga maaaring pagpilian ng mag-aaral ay ang mga sumusunod:

1. Ang Haligi at Saklay


2. Pandemya
3. Ang Guro sa Harap at Likod ng Pisara
4. Ano ang mas mahalaga, ang Pag-ibig o Pera?
5. Lumulubong Utang ng Bansa
6. Social Media
7.Palimos ng Pag-ibig
8.Sa Dako Paroon: Ang Buhay na Walang Hanggan
9.Kamao
10.Bagsig ng Kalikasan

VI. Suriin at rebisahin (Evaluate and revise)


Tatayain ng guro ang mga nabuong sanaysay sa pamamagitan ng pamantayan sa pagwawasto:

3 ang pinakamataas at 1 naman ang pinakamababa

3 2 1
Nakagawa ng balangkas para sa maayos na kaisipan
Kakikitaan ang sanaysay ng mga elemento
Nadali ng sanaysay ang mga mambabasa dahil sa malawak na
saklaw nito
Naisaalang-alang ang teknikalidad ng sanaysay
Napatunayang may saysay ang sanaysay

Sakaling pumasa sa pamantayan ang nabuong sanaysay ay mabibigyan ng guro ang mag-aaral na
panahon na upang i-upload ang nagawang sanaysay. At kung bakasakaling hindi pumasa sa pamantayan
ay marapat baguhin ulit ng mga mag-aaral.

ASSURE model_SherwinAporbo_Kasaysayan ng Sanaysay

You might also like