You are on page 1of 9

ANTAS 12

FILIPINO SA PILING LARANG


(AKADEMIK)
KWARTER 1-LINGGO 7-8
LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 5
PAKSA: Pagsulat ng Talumpati

MELC: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang


halimbawa CS_FA11/12PN-0g-i-91

Pangalan:____________________________ Antas at Seksyon:_____________

Petsa:_______________________________

SIMULAN

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng talumpati at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

Talumpati sa Pagtatapos 2015


Talumpati ni Keith Andrew D. Kibanoff
2015 Valedictory Address

Sa panauhing tagapagsalita, Dr. Andrea Orel Valle; sa Tsanselor ng UP Diliman, Dr.


Michael Tan; sa Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, Dr. Rosario Alonzo; sa ating
Prinsipal, Dr. Ronaldo San Jose; sa mga katuwang na prinsipal, Prof. Zenaida Bojo
at Prof. Melanie Donkor; mga guro; mga kasama sa paaralan; batchmates; sa mga
magulang at panauhin, magandang hapon po sa inyong lahat.

Maraming nadadapa pero iilan lang ang bumabangon. At sa iilang bumabangon mas
kaunti ang natututong maglakad. Heto ang isang kwento kung paano ako nadapa at
bumangon.
Tandang-tanda ko ang araw ng pagtatapos ko sa kinder. Sabik na sabik ako dahil
valedictorian ako’t magbibigay ng speech. Kaya lang absent ako noong araw na
nag-fitting ng toga kaya sobrang laki ng naibigay sa’kin ng school. Natatapakan ko

1
ang toga habang naglalakad at sobrang luwag ng cap sa aking ulo. Noong araw ng
pagtatapos namin, ibinigay sa akin ang mic, nagtalumpati ako, at nag-bow. Ngunit
pagtayo ko mula sa bow, nagtataka ako kung bakit tumatawa ang mga tao. At nakita
ko ang sagot: nandoon na pala ang cap ko sa sahig. At ang masaklap pa, nadapa pa
ako sa pagbaba ng stage. Gustong-gusto ko talagang umiyak noon e. Pero dahan-
dahan akong bumalik sa stage, kinuha ko ang cap, at ngumiti sa mga tao.
Kahit hindi tayo magkakasama noong kinder, sigurado akong may mga
pagkakataong nadapa rin kayo. Marahil naranasan ninyong makaaway ang matalik
nyong kaibigan. Baka minsan rin kayong naagawan ng swing. At siguro, nadapa
kayo habang naghahabulan. Ang mga karanasang ganito ang humuhubog sa kung
sino man tayo ngayon. At itong ”kung sino man tayo ngayon” ay batay sa ating mga
paninidigan.

Siguro naman hindi na bagong konsepto ang paninindigan sa atin. Ang paninindigan
ay ang mga pinaglalaban natin; ang mga bagay na nagsisilbing pundasyon ng ating
pagkatao. In short, ito ang ating mga prinsipyo.
Pero ano nga ba ang pinanindigan natin sa loob ng dalawa, apat, o labing-isang
taong nag-aral tayo sa UPIS? Baka kailangan nating pag-isipan. Pero kung ako ang
tatanungin, noong una pa lang ay nanindigan ako noong lumipat akong UPIS. Ang
totoo kasi nyan, nagdadalawang-isip talaga akong mag-aral dito kasi kumportable na
ako sa dati kong paaralan. At siguro iyon ang problema. Ang sabi ng magulang ko
kapag lagi kang nasa comfort zone, walang challenge at doon titigil yung proseso ng
pag-unlad. Kaya kahit inaway ko sila noong una, pumayag na rin akong lumipat sa
huli.

Naaalala ko ang mga panahong halatang bagong dating lang ako dito. Nagdala pa
ako noon ng sobrang bigat na stroller kung saan pinagkasya ko yata ang bahay ko.
Nag-lip sync ako sa pagkanta ng UP Naming Mahal noong orientation. Nag-panic
ako noong biglang tumayo at lumipat ng room ang mga kaklase ko. Nagpunas ako
ng tumutulo kong pawis dahil di ako sanay na sira ang bintilador. Pero unti-unti
akong naka-adjust sa mga karaniwang ginagawa ng mga tao rito.
Anuman ang naging resulta ng desisyon kong pumasok sa UPIS, ito ay aking
pinanindigan, na pasok sa tema natin: Kabataan, Manindigan sa Matapat na
Paglilingkod sa Bayan.
At hindi ito naiiba sa atin. Ano ba ang pinanindigan natin bilang isang batch? Mula sa
umpisa, ipinakita natin ang ating pagiging ibang klase. Kasi nga tayo’y Akinse, ibang
klase.
Ibang klase tayo sa pagiging maparaan. Ngayong Grade 10, dumaan tayo sa
napakaraming hirap tulad ng thesis, oral defense, talumpati, suring akda,
trigonometry, function, at iba pa na hinamon ang ating time management skills at
ang ating galing sa pagtimpla ng kape. Nagagawa pa rin nating makakuha ng
mataas na grado sa mga output kahit may mga pagkakataong nagka-cram tayo.
Ibang klase tayo sa pagtutulungan. Nakita ko talaga ito noong field trip natin noong
Grade 7. Akala nating lahat normal na field trip lang iyon kung saan aaralin natin ang
ating kasaysayan, pupunta sa mga historical sites, at makikinig sa lecturer. Hindi
natin alam na isang napakasayang adventure ang pinasukan natin noong bumuhos
ang ulan at napilitan tayong lumusong sa baha. Noon ko talaga nakita kung paano
tayo kumapit sa isa’t isa para di tayo maanod ng tubig at sinigurado nating lahat
tayo’y ligtas na nakababa sa bundok. Iyon na yata ang pinakamemorable kong field
trip sa buong buhay ko.

2
At higit sa lahat, ibang klase tayo sa pagiging masayahin at spontaneous. Kaya
nating maghanap ng mga bagay na magpapasaya sa anumang boring na sitwasyon.
Mula sa ating pagbibigay-kahulugan sa “high school rocks”, at sa pagsasabi ng
“yeah” sa lahat ng pagkakataon. Ginulat rin natin ang lahat sa mga kaya nating
gawin. Naipakita natin ito sa production value ng mga performances natin gaya ng
Culmi, Buwan ng Wika, at higit sa lahat, noong nanalo tayong 2nd place sa sobrang
XploxiV nating performance sa Powerdance noong Grade 8. Pati nga tayo di
makapaniwala sa natamo nating gantimpala.

Napansin kong nag-mature na rin tayo sa pagdaan ng mga taon. Naging mas
positibo ang ating pananaw sa buhay. Hindi nga tayo nahirapang tanggapin ang 3rd
place natin sa Powerdance ngayong taon dahil alam naman nating nag-enjoy tayo.
Feeling nga natin tayo ang champion. Dagdag dito, naging mas bukas ang ating
mga isipan sa pagtanggap ng mga pagbabago. Halimbawa, napatunayan nating
maaari pala nating makasundo ang mga taong akala natin hindi natin magiging
kaibigan kapag natuto tayong magpatawad.

Paano ko ba nabuksan ang isip ko? Simple lang: pinanindigan kong magbago.
Naisip kong mas masayang may kasamang kaibigan sa pagtanggap ng karangalan
kaysa mag-isa lang akong nasa taas. Dahil sa pagbibigay ng oportunidad sa iba,
nakatatanggap ka rin ng pagmamahal mula sa kanila.
Itong pagmamahal mula sa iba at para sa iba ang nagtulak sa aking mahalin din ang
bagong ako.
Parang kailan lang, hindi ako marunong mag-commute o magpara ng jeep kasi
hatid-sundo ako. Pero ngayon, kung saan-saan ako nakakarating dahil mas
independent na ako.
Parang kailan lang, mag-isa akong nasa Library noong una kong UPIS Week dahil
sobrang focused ko sa acads. Pero ngayon, sama-sama tayong nagpupursigeng
mag-aral sa Lib para makatapos.
At parang kailan lang, hindi ko maintindihan kung bakit ako nilipat sa UPIS. Pero
ngayon, nakikita ko na ang gusto nilang mangyari sa akin.
Maswerte tayong sa UPIS tayo nag-aral kasi may edge na tayo pagdating sa
kolehiyo. Natutuhan natin ang estilo ng pag-aaral na hindi nalilimitahan ng libro kung
saan mayroon tayong academic freedom. Kaya kahit wala tayong libro, makakagawa
pa rin tayo ng paraan upang maintindihan ang aralin ayon sa ating kuryosidad.
Dagdag dito, magagamit rin natin ang ating kasanayan sa pakikisalamuha sa iba’t
ibang klase ng tao batay sa katayuan sa buhay, relihiyon, at iba pang aspeto
saanman tayo mag-aral. At higit sa lahat, naranasan na rin natin kung paano maging
Iskolar ng Bayan.

Bilang mga Isko’t Iska, kailangan nating panindigan ang mga responsibilidad na
kaakibat ng ganito kalaking karangalan. Pagka-graduate natin, kailangan pa rin
nating dalhin ang mga aral na itinuro sa atin sa UPIS upang maging kapaki-
pakinabang na mamamayan. Panindigan natin ang mga prinsipyong ito:
Honor and Excellence. Maging matapat at ibigay natin ang lahat ng ating
makakaya sa bawat gawain. Huwag tayong magpapabiktima sa katamaran. Normal
lang kasing tamarin paminsan-minsan pero dapat alam mong may hangganan ito.
Dahil wala nang babantay sa atin sa labas kundi ang ating mga sarili.

3
Service. Paglingkuran natin ang bayan nang may paninindigan. Anuman ang mapili
nating larangan sa buhay, panindigan natin. At kung maligaw ka nang konti, hanapin
mo lang ang lakas ng loob upang bumalik ulit sa dati at sa tama. Itong pagsisikap at
pagbangon ay paraan upang mag-give back at pasalamatan ang mga taong
nagpaaral sa atin.
At bilang pasasalamat, nais kong magpasalamat sa Panginoon na lagi tayong
binabantayan, minamahal, at pinapatawad. Lahat ng ginagawa namin ay para sa
higit na kaluwalhatian mo.

Salamat sa aming mga kapamilya na patuloy na nagtutulak sa aming mag-aral. Dahil


pinalaki nyo kami nang maayos, ibinabalik lang namin sa inyo ang pagmamahal na
ibinibigay ninyo. Nais lang namin ay maging proud kayo sa amin.
Salamat sa mga magulang ng batch na walang sawang gumagabay, sumusuporta,
at nagmamahal sa amin. Sa tuwing feeling namin na hindi na namin kaya, lagi
kayong nandyan upang itulak kami sa tamang landas. Kayo po dapat ang
sinasabitan ng medalya. Ang araw po na ito ay para sa inyo.

-FILIPINO SA PILING LARANG (Kagamitan ng Mag-aaral) p.77

Batay sa talumpating iyong binasa, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Tungkol saan ang paksa ng talumpati?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Batay sa pagtatalumpati ano ang tono ng tagapagsalita?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Magbigay ng ilang mga karanasan ng tagapagsalita na nakapagbigay inspirasyon


sayo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tagapagsalita sa kanyang mga tagapakinig?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Ano ang paraan na ginamit sa pagtatalumpati? Paglalarawan,Pagsasalaysay,
pangangatwiran o paglalahad?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

SURIIN

Panuto: Gamit ang concept web, ipaliwanag ang kaugnayan ng paglalahad,


paglalarawan, pangangatwiran at pagsasalaysay sa talumpati.

4
PAGLALAHAD
PANGANGATWIRAN

TALUMPATI

PAGSASALAYSAY PAGLALARAWAN

TALAKAYIN

TALUMPATI

 Isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao at ito ay isang uri ng


akademikong teksto/sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan,
pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran.
 Ang talumpati ay isang tekstong binibigkas kaya dapat madulas bigkasin ang
mga salita at angkop ang haba ng mga pangungusap.
 Ito rin ay nangangailangan ng nakakapukaw ng interes na introduksyon. Sa
gitnang bahagi nito, maaaring gamitin ang paglalahad, pangangatwiran,
paglalarawan at pagsasalaysay. At dapat ito ay may konklusyon o pagtatapos
na naglalagom ng pangunahing punto ng talumpati.

MGA BAHAGI NG TALUMPATI

1. Introduksyon- layunin nito na kunin ang atensyon ng mga tagapakinig at


ipakilala ang nilalaman ng mensahe. Ito ang nagsisilbing paghahanda sa mga
tagapakinig sa talumpating ibabahagi. Maaaring ibahagi bilang pambungad ang
isang anekdota, o nakatatawag pansing pangyayari gaya ng pagpapatawa.
2. Katawan- ito ang paglalahad ng isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang
tinatalakay. Kinapapalooban nito ng mga pangunahing puntos ng talumpati.
Paninindigan- ito ang bahaging ipinapahayag ang katwiran hinggil sa isyu.
Layunin nitong hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig. Nakapaloob pa rin
ito sa katawan ng talumpati.

5
3. Konklusyon- paglalahad ng lagom sa mensahe o pagganyak sa mga
tagapakinig na gumawa ng aksyon.

GABAY SA PAGSULAT NG KATAWAN NG TALUMPATI


 Para sa paglalahad, ang susing salita ay pagpapaliwanag na sumasagot sa
mga tanong na Sino, Ano, Bakit, Saan, Kailan at Paano. Sa paglalahad,
maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaya’y
suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya.
 Nagpapaliwanag din ito ng kahulugan at kahalagahan ng isang konsepto o
salita.
 Para sa pagsasalaysay, ang susing salita naman ay pagkukuwento.
Pagkukuwento ito ng isang pangyayari o mga pangyayaring ugnay-ugnay at
may karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan.
 Para sa paglalarawan, ang susing salita dito ay pagpapakita ng katangian.
Nagpapahayag ito ng mga katangian batay sa limang pandama: pangingin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat.
 Para sa pangangatwiran, ang susing salita ay panghihikayat. Nanghihikayat
itong pumanig sa opinyon ng tagapagsalita. Binubuo ito ng mga matitibay na
argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga tagapakinig.
Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento upang
mapatibay ito at mas makumbinsi ang mga tagapakinig.

-FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) Patnubay ng Guro p. 45-56

GAWIN
A. Ikapitong Linggo (October 25-29, 2021)

Panuto: Sumulat ng isang Talumpati tungkol sa nalalapit na eleksyon. Lagyan ng


pamagat at isulat sa Long Bond paper dapat nasa 1-2 pahina lang ang haba ng
talumpating inyong isusulat.

Sundin ang pormat na ito;

PAMAGAT
_______________________________________________

KATAWAN
(pumili kung anong paraan ang gagamitin sa talumpati kung ito ay paglalarawan,
pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran.)

KONKLUSYON

6
B. Ikawalong Linggo (November 1-5, 2021)

Panuto: Sa linggong ito, kinakailangang bigkasin ang nabuong talumpati (maaaring


isaulo o maaaring basahin) i-record ito gamit ang inyong cellphone at ipasa sa
group chat ng inyong section o sa inyong guro sa asignaturang FPL ( akademik).

Narito ang pamantayan sa pgbibigay ng puntos sa Pagtatalumpati

Gawain sa Pagsulat: Talumpati


Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________

Puntos 10 6 3 1
Pokus at Detalye May isang May isang May isang paksa. Hindi malinaw
malinaw at tiyak malinaw at tiyak Hindi gaanong ang paksa at ang
na paksa, na na paksa, ngunit malinaw ang mga mga argumento.
sinusuportahan ng hindi detalyado suportang
mga detalyadong ang mga impormasyon o
impormasyon o suportang argumento.
argumento. impormasyon o
argumento.
Organisasyon Kawili-wili ang May introduk- May Hindi malinaw
introduksyon, syon, mahusay na introduksyon, ang introduksyon
naipakilala nang pagtalakay, at pagtalakay, at pagtalakay sa
mahusay ang may karampatang pagtatapos o paksa, at ang
paksa. Mahalaga pagtatapos o konklusyon. pagtatapos o
at nauukol sa konklusyon. konklusyon.
paksa ang mga
impormasyon na
ibinahagi sa isang
maayos na
paraan. Mahusay
ang pagtatapos o
konklusyon.
Tinig ng Malinaw ang May intensyon at May kaunting Hindi malinaw
Manunulat intensyon at layunin ang kalinawan sa ang intensyon at
layunin ng manunulat. May intensyon at layunin ng
manunulat. kaalaman ang layunin ng manunulat.
Kapansin-pansin manunulat sa manunulat.
ang kahusayan ng paksa. Limitado ang
manunulat sa kaniyang
paksa. kaalaman.
Pagpili ng mga Malinaw ang Malinaw ang Nasasabi ng Limitado ang
angkop na salita paggamit ng mga paggamit ng mga manunulat ang paggamit sa mga
salita. Angkop salita bagaman sa nais sabihin, salita.
ang gamit ng mga ilang pagkakataon bagaman walang
salita, natural at ay hindi angkop baryasyon sa
hindi pilit. at natural. paggamit ng mga
salita.

7
Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa ng Hindi maayos ang
Gramatika, pagkakaayos ng pagkakaayos ng mga pangungusap mga pangungusap
Bantas, mga salita at mga salita at na may saysay. at hindi
Pagbabaybay pangugusap. pangungusap. Maraming mga maunawaan.
Walang May kaunting pagkakamali sa Lubhang
pagkakamali sa pagkakamali sa gramatika, bantas maraming
gramatika, bantas gramatika, bantas at baybay. pagkakamali sa
at baybay. at baybay. gramatika, bantas
at baybay.
Mga Komento at mungkahi

-FILIPINO SA PILING ( Gabay ng Guro) p.56-57

TAYAHIN
Panuto: Punan nang tamang sagot ang mga sumusunod na katanungan.

_______________ 1. Ano ang tawag sa akademikong sulatin na ang layunin ay


upang ibigkas sa harapng madla o maraming tao?

________________2. Bahagi ng talumpati na naglalahad ng lagom sa mensahe o


pagganyak sa mga tagapakinig na gumawa ng aksyon.

________________3. Bahagi ng talumpati na layunin nito na kunin ang atensyon ng


mga tagapakinig at ipakilala ang nilalaman ng mensahe.

________________4. Bahagi ng talumpati na naglalahad ng isyu at pagpapahayag


ng diwa sa paksang tinatalakay.

________________5. Magbigay ng isang paraan na ginagamit sa pagsulat katawan


ng talumpati.

6-10. Sa nakaraang akademikong sulatin na inyong pinag-aralan Ano ang


pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
9
TAYAHIN
1. Talumpati
2. Konklusyon
3. Introdusyon
4. Katawan
5. Paglalahad,
Pangangatwiran,
Paglalarawan,
pagsasalaysay
6-10.Nakabatay sa guro
angpuntos sa kanilang
sagot
*Nakabase sa guro ang magiging puntos sa bawat sagot.
SURIIN
*Nakabase sa guro ang magiging puntos sa bawat sagot.
SIMULAN
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like