You are on page 1of 2

Buhay mo, Buhay ko:

Ang mag-aaral o estudyante ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang
estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay. Pag narinig
mo ba ang salitang mag-aaral o pag aaral ano agad ang nasa iyong isipan? Mahirap, madali,
masipag, may determinasyon at may lakas na loob na harapin ang mga pagsubok sa loob ng
eskuwelahan, pero hindi lahat ay nadadaliaan, hindi lahat nahihirapan nasa isang tao na
lamang iyan kung paano nya i hahandle o i mamanage ang hirap na madadaanan niya sa
kaniyang pag lalakbay, hindi rin lahat nang bata na kasing edaran ko lamang ay nasa
eskwelahan na may ibat iba namang dahilan minsan ay sa kawalan nang panustos at
madalas naman ay sadyang tinamad na lamang pero ako bilang isang simpleng anak nang
isang magbubukid, bilang isang bata na nakikita ang hirap nang magulang buong loob kong
haharapin ang hirap nang pag aaral matulungan at masukliaan ko lamang ang pag hihirap
nang aking mga magulang.
Ang buhay ko bilang isang mag-aaral ay napakasaya dahil dito ko nalaman o natotohan
lahat ng hindi ko pa alam, dito ko nakilala ang mga mabubuting kaibigan ko at dito ko
naipapakita ang tinatagong kakulitan/talent. Pero minsan napapagod at nahihirapan rin
naman nga ako at minsan ay gusto ko nang sumuko, hindi madali ang buhay ng isang mag-
aaral sapagkat lahat dumadaan sa pagsubok pero sa kabila ng lahat malalampasan mo
parin naman dahil may panginoon at mga magulang na gumagabay sa akin idagdag mo pa
ang aking mga kaibigan na walang sawa ang pagsuporta at pag pasaya sakin. Pero sabi nila
kung may problema, may solusyon kaya naman dapat patuloy parin ang buhay kahit ano
man ang mangyari. Ang pagiging mag-aaral ay hindi madali pero masaya, ito rin naman ay
magagamit sa mo habang ikaw ay nabubuhay.
Sa buhay ng isang tao hindi mawawala ang buhay estudyante. Simula pagkabata,
maituturing mo na ang sarili mo bilang isang mag- aaral. Dito pumapasok ang
responsibilidad ng ating mga magulang na tayo'y kanilang pangaralan. Maraming
nagtatanong kung ang pagiging mag-aaral daw ba ay mahirap o masaya. Masasabi kong
depende sa kung anong sitwasyon ang naranasan mo. Sa apat na sulok ng silid- aralan,
maraming pwedeng mangyari. Maaaring ito ay magdadala sayo sa kapahamakan o
kabutihan. Sa pagpasok mo sa paaralan, marami kang makikita at makakasalamuhang mag-
aaral na may iba't-ibang pag- uugali. Mga mag-aaral na posibleng maging kaibigan mo. Mga
mag- aaral na papasayahin at papangitiin ka. Sa pagiging mag-aaral mararanasan mo ang
mga bagay na hindi mo naranasan.
Mas lalaki ang tiwala mo sa sarili mo sa mga aktibidad na inyong gagawin. Matututo kang
makibagay sa mga taong nakapaligid sayo. Sa pagiging mag-aaral gigising ka ng maaga para
lang di mahuli sa klase. At dahil ang mga kabataan katulad ay mahilig sa mga 'online games'
nasasapawan na ang mga libro. Alam naman nating lahat na hindi madali ang pagiging mag-
aaral dito magsisimula ang mga bagay na hindi mo inaasahan. Mga bagay na pwedeng
magdala sayo sa kapahamakan o sa kabutihan.
Karamihan sa ating mga kabataan ay naranasan ang pagiging isang estudyante. Ngunit ang
buhay bilang isang estudyante ay hindi naging madali pero isa ito sa pinakamasayang yugto
bilang isang tao. Maraming pagsubok ang ating mararanasan habang tayo ay nag- aaral ng
mabuti. Ngunit lahat ng pagsubok ay may kaakibat itong kaalaman na ating magagamit sa
kinabukasan na siyang magkapagbabago saating buhay bilang isang tao.
Habang tayo ay nag-aaral pa marami tayong kailangan gawin tulad na laman ng mga
pagsusulit, proyekto at takdang aralin. Mahirap ang lahat ng ito ngunit kapag pagsamahan
natin ito ng pagsisikap ay ito'y ating malalampasan. Masaya ang maging estudyante dahil
makakakilala ka ng mga bagong kaibigan na sasabay sa bawat araw ng iyong eskwela at
mga guro na iyong pangalawang ina na tuturo sayo ng mga aralin na makapagbabago ng
iyong kinabukasan kapag ikaw nag nagsikap upang makamit ang iyong pangarap na
hinahangad. Dito mo rin matutunan kung paano makipaghalubilo sa ibang tao na
makakatulong saiyo upang mahubog ang iyong personalidad at magkakaroon ka ng
kaibigang gagabay at tulong saiyo sa bawat araw na darating. Maraming benepisyo ang
pag-aaral kaya hindi dapat ito ipagpaliban sa iba upang ikaw ay magtagumpay sa mga
bagay na iyong minimithi.
Kapag darating ang araw na ikaw ay makakapagtapos na saiyong pag-aaral ay tiyak na
hindi mo malilimutan ang yugtong ito ng iyong pagkatao. Kaakibat nito ang paghihirap at
kasiyahan. Importante ito para sa ating mga mag-aaral dahil ito ang tutupad sa mga
pangarap na ating hinahangad sa buhay. Nararapat lamang nating pagsikapan ito dahil sabi
nga ng iba ay ang edukasyon ang susi upang mabuksan ang pinto nga pangarap at
tagumpay na nakapaloob ng magandang kinabukasan.

Ang pag-aaral kong ito ay para sa aking magulang, sa aking kinabukasan, kung ako ay
makakatapos sa pag-aaral, iaalay ko ang karangalan sa aking mga magulang na nag-tiyaga,
nag- alaga, gumabay at nagmahal sa akin ng lubusan at para sa akin "Edukasyon ang susi sa
Kahirapan" at ito rin ang tutulong upang makamit ko ang mga mithiin at ninanais ko. Kaya
payong kaibigan lamang " mag aral ng mabuti upang buhay ay bumuti" salamat.

You might also like