You are on page 1of 3

Edukasyon sa Gitna ng nakakatakot na Pandemya, Kakayanin para sa

pangarap!

Isang mapagpalang araw sa lahat ng aking tagapakinig. Ako si Cristine Jane V. Cueva,
labing pitong taong gulang,at hayaan ninyong gamitin ko ang oras na ito upang
maghatid sa inyo ng napakahalaga at makabuluhang mensahe para sa mga katulad
kong estudyante. Para sa lahat ng nandirito at nakikinig sa akin hinihikayat ko ang lahat
na buksan ang inyong puso’t isipan nang sa gayon ay mas maramdaman niyo at lubos
na maunawaan ang inyong mapapakinggan.

Alam naman po nating lahat na napakarami ng nagbago simula ng dumating sa buhay


natin itong Covid-19 pandemic at sa mga hindi nakaka alam, pero alam ko namang
alam nyo na, na isa itong nakakahawang sakit at nagbigay sa atin ng matinding
limitasyon sa lahat ng bagay. Napakalaki ng binigay na epekto ng pandemyang ito , lalo
na sa katulad kong estudyante. Para sa akin isa ito sa mga hamong nagpatibay sa akin
lalo na ng ilaan ng mga nakakataas sa kinauukulan sa pamahalaan ang panibagong
alternatibo na gawing blended learning ang maging sistema ng aming edukasyon. Kung
kaya’t bumuo ng mga ganitong paraan ay upang kahit papano hindi maantala ang
edukasyon sa ating bansa.

Sumuong kami sa isang laban na hindi naman namin alam kung ano ba ang
patutunguhan. Walang ideya kung san magsisimula, ni-hindi ko nga alam non pano
gumamit ng computer, kahit nga pag open lang ng laptop di ko pa magawa non.
Sinuong ko ang isa sa mga pinakamalaking adjustment na masasabi kong naging isang
malaking impact sa katulad kong estudyante.Ibig kong sabihin lahat naman ng tao nag
adjust, pero malaki ang naging dulot sa akin bilang mag-aaral, dahil nung una wala
naman talaga akong ideya sa bagong transisyon ng edukasyon.

Nakakalungkot dahil alam kong hindi lang naman ako ang nahihirapan ng ganito.
Nakakalungkot lalo na alam ko ding marami sa katulad kong estudyante ang
mawawalan ng pag-asang makapagpatuloy pa sa kanilang pag-aaral. Marami akong
iniisip na dahilan kung bakit, pero ito na yung pinaka specific para sa akin at
nakasisiguro ako na marami sa amin ang huminto at di na nag aral dahil hindi naman
lahat afford yung mga kakailanganing kagamitan para sa online class diba? Alam ko din
na ang ilan sa amin ay alam nyo na , mas pinili nilang tumulong muna sa pamilya at
unahin muna kung paano ba sila makakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Napakarami sa amin ang nawalan na ng pagasa na matuto sa ganitong moda ng
edukasyon dahil alam naman din na nila na wala silang prebilihiyo upang makapag
patuloy ng kanilang pag aaral.
Ngunit sabi ko nga isa ako sa mga sumugal, piniling ipagpatuloy na tahakin ang daan
tungo sa aking pangarap. Sa una wala ka talagang ideya syempre malilito ka kung sa
huli ba magwowork ba to o parang magiging panandaliang aral lang ba to, ganon yung
mga bagay na pumapasok sa isip ko nung una. Alam ko sa lahat ng una, sa lahat ng
simula mahirap,oo masasabi ko talagang mahirap, at alam ko di naman na mahirap
tong tinahak kong paglalakbay. Maraming mga bagay na humahadlang sa amin na
modular at online class ang moda ng edukasyon. Mapapasabi ka na lang talaga na
“mahirap”. Mahirap matuto lalo na kung walang gurong magpapaliwanag at tatalakay ng
aming mga aralin dahil syempre minsan may mga paksang hindi kaya ng ating pang
unawa. Maswerte ka pa nga kung online class ka dahil kahit papano medyo malapit na
din sa paraan ng pag aaral dati kung saan face to face pa. Pero pag mamalasin ka nga
naman sa online class, mahirap ka ding matuto lalo na maraming mga humahadlang
dito, katulad ng pag wala wala ng internet connection mo talagang mapag-iiwanan ka
ng aralin kapag ganyan ang sitwasyon mo.

Isa pa marami sa atin ang alam kong nahahati ang mga responsibilidad sa
kani-kanilang tahanan hindi katulad dati na sa paaralan tanging kaklase mo lang at guro
ang mga nakakasama mo pag nag aaral ka, ngayon maiisip mo na lang na kung di ka
makafocus sa pag aaral mo dati nung face to face pa dahil maiingay yung mga kaklase
mo, ngayon parang mas lumala pa nga, hindi naman to nangyayari sa akin palagi pero
alam ko sa iba na ganito sa bahay nila, maingay , at para bang walang pakialam sayo
na nag aaral ka at pumapasok ka online, alam nyo yon tila madidistract ka na lang sa
kanila at di na makakafocus sa dinidiscuss ng teacher dahil sa ingay nila, kung dati sa
school nakaka reklamo kapa kung maingay at makulit yung katabi mo o maging yung
buong klase ngayon syempre pamilya mo na yung kasama mo mag aral paano ka
makaka reklamo nyan edi ikaw pa napagalitan sa ginawa mo.

Pero lahat ng yan alam kong sa umpisa lang mahirap. Katulad ko na wala talagang
karanasan sa paraan ng pag aaral ko ngayon dahil elementarya hanggang sekondarya
sa probinsya ako nagtapos ng pag aaral at masasabi ko na malaki talagang hamon ang
mag aral dito sa Maynila. Di man lang ako makahawak ng laptop noon pero alam nyo
yun, yung pakiramdam na natapos ka ng grade 11 ng naka online, para sa akin bagong
achievement ko yon sa buhay na dati di naman talaga ako nag lalaptop at walang alam
sa mga gadyets. Oo, marami ngang mga bagahe ng hamon ang aming pinapasan sa
ekspedisyon ito. May mga pagkakataong kami’y napanghihinaan ng loob, na para bang
gusto na naming sumukot huminto. Nariyan din ang takot sa puso na maaring kami’y
humantong lamang sa kabiguan. Pagkabahala sa tuwing hindi nakikiayon ang
kapalaran sa amin. May iba sa aming naaapektuhan na rin ang kanilang pisikal at
mental na kalagayan dulot ng mahabang oras na pagbababad sa gadget kasabay na rin
ng presyur na aming dala-dala.
Ang edukasyon sa gitna ng pandemya ay tunay ngang mahirap dahil naranasan ko
mismo ang lahat ng ito. Kasabay ng aming sariling mga pakikibaka sa pag-aaral, kami’y
nagpupunyagi rin para sa ating pisikal, emosyonal, mental at espirituwal na kalusugan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito’y nananatili pa rin kaming nakatayo at nagsisikap upang
patuloy na maglakbay. Kaya’t nais kong i-abot ang mensaheng ito sa mga mag-aaral na
tulad kong nakikinig sa talumpating ito. “Kaya natin ‘to. Kakayanin natin para sa ating
mga pangarap.

At para sa ating mga magulang at lalong lalo na sa katulad kong estudyante na


naranasan lahat ng binanggit ko sa aking talumpati. Sa tuwing nauubusan tayo ng lakas
at tapang na magpatuloy, huminto tayo, magpahinga sandali. Lumapit tayo sa kanya na
siyang pinagmumulan ng lakas at siguradong mahahanap nating muli ang pag-asa ng
bukas. Malapit ng maging okay ang lahat kaibigan/kaklase kapwa estudyante.Laban
lang , Kapit ka lang dyan alam kong darating ang araw na sabay sabay tayong
magiging matagumpay sa buhay.

You might also like