Professional Documents
Culture Documents
Tagalog To Men
Tagalog To Men
Si Santiago ay nakikita bilang isang palakaibigang binata na mausisa at masigla. Siya naniniwala sa
Diyos kahit na umalis siya sa monasteryo, at mahilig siyang maglakbay, kaya naman siya naging pastol. Ang
karakterisasyon ni Santiago ay nakikitang naiimpluwensyahan ng mga nakakasalamuha n'ya sa setting
habang s'ya ay naglalakbay upang mahanap ang kayamanan. Siya ay nagiging malakas at determinado
habang siya ay nananatili sa kristal na mangangalakal sa Tangier, na mareklamo sa lahat ng oras; at handa
siya na makipagsapalaran sa kan'yang buhay, tulad ng pag-amin niya tungkol sa kan'yang panaginip sa mga
tribesman na sumubok para manakawan siya. Si Santiago ay unti-unting nagbago sa isang binata na matalino,
matiyaga, at matapang habang siya ay naglalakbay at nananatili sa Al-Fayoum. Nakilala niya ang babaeng
mahal niya at dakilang Alchemist sa paglalakbay upang mahanap ang kayamanan, ngunit hindi niya mahanap
ang kayamanan sa lugar na nabanggit sa kan'yang panaginip, ang Pyramids. Sa halip, natagpuan niya ang
kayamanan sa kan'yang sariling bansa, Andalusia.