You are on page 1of 8

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG

Ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang
mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa
kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya.

Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang
nakaugalian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y
nagpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman ay isang
magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay
natatago ang isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y mapapangiti at isasaloob: Saan
kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang
katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.

Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.

Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang bayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita.

Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay
nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na ang mga hari at mga pinuno na pinagkatiwalaan
ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa
kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating
mga ugat ay magbalatkayo ng maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang-
asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang
mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na landas ng katwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga
matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,
mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa paningin.

Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matuto kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa
pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
RANCE REYANN
BSED FIL 1202

I. Pamagat

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG

ll. Awtor

Ang sanaysay na ito ay Isinulat ni Emilio Jacinto noong unang panahon, kapanahunan ito ng mga

kastila. Itinuring si Jacinto na utak ng katipunan sapagkat ang mga akda niya ay tungkol sa

lipunan kanyang ginagalawan. Ang Ningning At Ang Liwanag ay isang akdang isinulat niya

upang maisaliwalat ang mga kaganapan noong unang panahon.

lll. Pagsusuri

A. Uri ng Akda

Ang akdang “ Ang Ningning at Ang Ang Liwanag” ay isang uri ng pormal na sanaysay

sapagkat gumamit ang awtor ng malalim na mga salita. Ito ay malapit sa damdamin sapagkat

napakaloob dito ang mga kaganapan sa sariling bayan. Pinapakita dito ang tunay na kaganapan

sa lipunan. Naging masining ang awtor sa kanyang pagkakalahad ng mga impormasyon. Batay

ito sa tunay na pangyayari at walang kuro-kurong naganap. Ito ay makatotohanan na batay sa

tunay na nagaganap sa isang lipunan.


B. Istilo

Ang ginamit na mga salita ay matatalinhaga, upang maikubli ang tunay na kahulugan ng

sanaysay.

“Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit

sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.” Na ibig sabihin ay tunay na masakit ang

tama ng araw lalo na kung tatama ito sa isang bubog na lalong magpapainit dito.

“Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning.” Sa normal na interpretasyon

nangangahulugan itong hahanapin lamang ang Ningning pawang nawawala ito, ngunit kung

papansin mabuti ay may natatago itong ibig sabihin. Pinapahiwatig sa linyang ito na wag tayong

magpasilaw sa bagay na meron dito sa mundo maaring pera, kayamanan o alas ang

pinapahiwatig ditong ningning, at nais ng mambabasa na hanapin ang liwanag o ang tamang

landas at huwag maging sakim.

C. Teoryang Pampanitikan

Sa Ang Ningning At Ang Liwanag, ang ginamit na pananalig dito ay Teoryang Realismo na

kung saan ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa

kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang

totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang

sinulat.Sinisiyasat nito ang mga sistema at pwersang panlipunan na patuloy na nagpapahirap sa

tao. Sa sanaysay ni Emilio Jacinto nais niyang ilahad ang mga kagananapa noong panahon na

iyun, nais niyanh ilarawan paano mabuhay ang isang lipunan sa Panahon ng kastila.
Tunay na inilarawan niya ang mga pangyayari at pawang mga katotohanan lamang ang

kaniyang nilahad dito. Naging batayan niya ang kanyang nakikita sa kanyang lipunan na

ginagalawan. Sa kanyang pagmamasid ay nabuo niya ang akdang ito.

D. Nilalaman

“Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng

mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit

sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya. Ating hanapin

ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning.”

Sa panimula ng sanaysay, mapapansin na binigyan kahulugan lamang Ningnig at ang liwanag.

Kung ating susuriin, sa pormal na kahulugan ang Ningning ay isang rason kung bakit tayo

nasisilaw, bakit sumasakit ang ating mata pag isang bagay ay nag niningning, ang liwanag

naman ay siyang kailangan natin upang tayo ay makakita na kaylangan ng ating mata upang

makakapa tayo sa dilim. Mapapansin na agad ang pagkakaiba ng dalawang salita ito. Ginamit ng

may akda ang Ningning at liwanag upang mabigyan ng simbolismo ang pagiging sakim sa

kayamanan ang mga Pilipino. Sa linyang ito “Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng

paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng

mga bagay-bagay” Ipinabatid sa atin ng may akda na nakakasira ang ningning tulad na nangyari

noong unang panahon, sa panahon ng mga kastila ang mga Pilipino ay nasilaw sa ningnig ng

mga dayuhan na siyang nagdala sa kanila sa kapahamakan. Kaya nabanggit din dito na ang

liwanag ay kailangan upang makita ant mga bagay-bagay, ibig sabihin nito na buksan ang mga
mata at hanapin ang liwanag, hanapin ang mga masasamang gawi at dulot ng mga Espanyol sa

ating mga Pilipino.

“Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning”

Sa linyang ito pinapabatid sa atin na huwag mag bulag-bulagan sa mga nangyayari, hanapin at

alamin ang mga bagay na tama at mali na ginagawa ng mga dayuhan, huwag papadaig sa

kanilang mga yaman o kapangyarihan.

“Sa katunayan ng masamang nakaugalian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na

hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y nagpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang

nakalulan. Datapwa’y marahil naman ay isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang

ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong

sukaban.”

Kung pag-aaralan ng mabuti ang bahagi ng sanaysay na ito ay lubos na may katotohanan

sapagkat tunay na tayong mga Pilipino ay lubos ang pagsamba sa mga taong may mga

magagarang sasakyan. Tayo ay naaliw at manghang-manghang sa ganitong mga gamitan. Iniisip

natin na kung may ganito ang isang tao ay mayaman at makapangyarihan na ito. Sa kasulukuyan

ay nararanasan natin ang ganito, mas pinapahalagahan ang mga mayayaman o yung mga taong
may mga mararangyang kagamitan, hindi na pinapansin kung sila ba ay may mga mabubuting

puso.

“Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa

liwanag.

Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang bayan ay namumuhay sa hinagpis

at dalita.”

Ipinakita ng may akda kung paano tangkiliin ng mga Pilipino ang ningning ng Espanyol. Ang

sariling liwanag ay naglaho at naging madilim sapagkat mas binibigyan pansin ang kagandahan

dulot ng Espanyol sa mga Pilipino. Nalimutan ang sariling atin, sapagkat may lumitaw na bago

sa paningin nasawalang bahala ang kultura at kagisnan ng mga Pilipino. Naging mangmang tayo

at naimpluwensyanhan ng mga dayuhan na ating mismong pag-aari ay nakalimutan. Tunay na

masakit isipin ang ganitong sitwasyon, ang sariling ningning at liwanag natin ay naging ningning

at liwanag na ng iba. Kapalit noon ay ang pagdurusa ng bawat Pilipino.

“Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman

ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na ang mga hari at mga pinuno na

pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi ang

mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng

kapangyarihang ito.”

Maraming kasakiman ang ginawang ng mga Espanyol sa ating mga Pilipino at dahil doon mas

lalo silang nagnignig, sa kanilang mga pagpapamalupit, mga kasamaang ginagawa. Tayong mga

Pilipino ay naging bulag sa katotohanan. Nalason ang ating isipan ng mga dayuhan kaya tayo ay

naniwala sa kanila na sila ay kakampi natin, ngunit mali tayo dahil sa mga pinuno at mga
makapangyarihan na ating hinalal ay lalo tayong naghirap, yung akala natin na tayo aahon at

magiging masagana ay hindi nangyari. Tayo ay naging alipin, sunod-sunuran sapagkat walang

lakas na ipaglaban ang ating karapatan. Maraming nagdusa sa naging resulta sa pamamalagi ng

may kapangyarihan. Sila ang naging batas, at tayo lamang ang naging alipin nila.

“Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo

ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at

magandang-asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning pagkat di natin

pahahalagahan, at ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na

landas ng katwiran.”

Sa kasakiman ng mga Espanyol marami silang ginawa upang pumanig sa kanila ant mga Pilipino

tulad na lamang ng pag-aalis ng kultura natin at palitan ng kanilang kultura. Nawalan ng

pagtingin ang mga Pilipino sa sariling atin sapagkat namangha sila sa dalang kakaiba ng mga

Espanyol na. Mas pinahalagahan ang kulturang hiram kesa kulturang atin, dito palang

naipapakita na ang Ningning ay nasa dayuhan at ang liwanag natin ay nawawala na.

Ang huling linya ng sanaysay “Ay, Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na

kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

Na pawang nais ipabatid sa atin ng may akda na gumising tayo sa katotohanan na nagyayari sa

paligid. Bigyan pansin ang sariling atin at nais niyang kumilos ang bawat Pilipino. Huwag

magpapadaig sa ningning na meron ang iba sapagkat may sarili tayong ningning at liwanay na

dapat pagtuonan ng pansin. Nais niyang tayong mga Pilipino ay maging tulay, ang kumilos

upang ang ganitong mga bagay ay maiwasan.


E. Konklusyon

Ang sanaysay ni Emilio Jacinto na Ang Ningnig at Liwanag ay isang akda na kung saan

naglalaman na tunay na pangyayari sa lipunan. Ipinakita dito ng may akda ang tunay nagaganap

sa lipunan. Ito ay lubos na isinuwalat ni may akda na walang pinapanigan, walang kuro-kurong

naganap pawang obserbasyon lamang sa kanyang paligid. Napakaloob dito na lubos na

nahihikayat ang mga Pilipino sa aking ningnig at liwanag ng dayuhan. Dahil dito maraming

masamang dulot sa atin, hindi natin nakita ang magiging bunga. Ito na ang aral sa atin ngayon sa

kasalukuyan na huwag magpaaninang sa ningning at liwanag ng iba.

You might also like