You are on page 1of 2

Sheryl P.

Tuazon 12-SIMPLICITY October, 4,


2021
FILIPINO- Piling Larang-Akademik
Panapos na Pagsubok-Replektibong Sanaysay

SABAY

“Sa lahat ng oras at sa lahat ng pagkakataon, kinakailangan nating makibagay sa


anumang nangyayari sa ating paligid para maka-usad”.
Dalawang taon na ang lumipas mula ng magsimula ang paglaganap ng Covid sa mundo.
At sa dalawang taong nagdaan ay binago ang dati’y normal na siklo ng buhay. Nagkaroon ng
“new normal” na kung saan hindi maaaring makalabas ang tao ayon sa kanyang kagustuhan
maliban na lamang kung importante. Ang limitadong bilang ng mga taong lumalabas sa kanilang
tahanan ay kinakailangang sumunod sa mga “heath protocols” ng pamahalaan upang hindi
lumobo ang bilang ng nahahawa sa sakit. At bukod sa mga ito, nabago ang noo’y dating sistema
ng edukasyon. Mula sa pagpasok sa eskwelahan at dati’y pakikinig sa guro, ngayo’y paggising
ng maaga upang harapin ang ilang modyuls na inihanda ng mga guro para sa pagpapatuloy ng
pag-aaral.
Hindi ko mabilang ang mga pagbabagong idinulot ng pandemya sa aking buhay bilang
isang estudyante. Marahil kapareho ng iba, talagang nahirapan akong makisabay sa panibagong
sistema ng edukasyon- ang “Modular Distance Learning”. Mula naman kasi sa aking pag-
uumpisang matuto ay nakamulatan ko na ang araw-araw na pagpasok sa eskwela. Gigising ng
maaga at maghahanda para hindi mahuli sa klase at makikinig sa guro buong araw, kasama ang
aking mga kamag-aral. Naging isang parte na iyon ng siklo ng aking buhay mag-aaral. Kaya
naman nang biglaang iniba ang dating sistema ng edukasyon dahil sa isyung pang-kalusugan,
hindi ko ikakailang nahirapan ako ng husto. Hindi ko na kinakailangan pang gumising ng maaga,
oo’t nasiyahan ako sa parteng iyon, ngunit sa parte ng pagkatuto, lubos akong nanlumo. Unang-
una’y hindi naging madaling para sa aking isanayin ang sarili na mag-aral sa bahay. Alam naman
nating iba ang paaralan at iba ang bahay. Kung pag-uusapan ang mga bagay na maaring
makagulo sa pag-aaral, tiyak nasa bahay iyon, kung saan malaya tayong gawin ang anumang
magustuhan. May mga pagkakataong nahihirapan akong makapag-pokus dahil sa ingay ng kapit-
bahay at sa ibang pagkakatao’y dahil sa napakaraming gawaing-bahay. May ilang beses ding
mas pinili kong manood at matulog kaysa sagutan ang mga nakatambak na modyuls, sa
kaisipang wala naman nagbabantay sa akin at malaya akong gawin kung ano man ang aking
gustuhin. Ang naging resulta? Kadalasahan akong nahuhuli sa pagpasa at nakakuha din ng
talagang mababang marka. Ikalawa’y ang kawalan ng koneksyon sa internet. Hindi naman kasi
sa lahat ng oras , makikita ang sagot sa modyuls lamang, dahil kadalasan pa ay kinakailangan
mong kumunsulta sa internet para mahanap ang mga sagot sa iilang tanong. Bukod pa rito’y
nagbibigay anunsyo sa klase sa pamamagitan ng “messenger” na gumagamit rin ng internet.
Hindi naging madali ito para sa akin at sa mga katulad kong mag-aaral, dahil sa kawalan ng
internet sa aming lugar. Kadalasan, kailangan pa naming pumunta sa katabing barangay para
magkaroon ng “access”. At sa paglabas-labas na iyon para lamang kahit papaano’y may
maisagot, kinakailangan pa naming gumastos at ihanda ang sarili sa anumang pwedeng makuha
sa labas. Ikatlo naman ay ang hirap sa pag-aaral ng mag-isa lamang. Katulad ng ibang mag-aaral,
nasanay akong naka-depende sa guro upang malaman at maunawaan ang anumang paksang
pinag-aaralan. Nasanay akong may gurong nagpapaliwanag sa akin ng mga dapat kong malaman
at mapagtatanungan kung may mga bagay akong nais malaman. At sa biglaang pagbabago,
napilitan akong unawain lahat sa aking sarili lamang at sa tulong ng iilang kaibigan. Katulad ng
mga nauna, isa rin ito sa mga naging pagsubok sa aking buhay mag-aaral.
Ngunit ika nga nila, kinakailangan lang nating sumabay sa mga pagbabago para di
mahirapan. At sa tulong ng Diyos, unti-unti akong nakasabay. Sa gitna ng ingay sa bahay ay
nagawa kong sanayin ang aking sariling makapag-pokus at hati-hatiin ang oras sa paglilinis ang
pag-aaral. Gayundin naman, bagamat walang koneksyon ng internet sa aking lugar, natuto akong
mag-lista ng mga bagay na dapat ikonsulta sa internet, matapos sagutan ang lahat ng modyuls. Sa
ganitong paraan ay nagawa kong tipirin ang oras at makapag-ipon ng sobrang pera. Bukod pa
rito’y, natuto rin akong mag-aral sa sarili lamang. Bagama’t nasanay akong naka-depende sa
guro, unti-unti kong nakita ang aking sariling nagsususmikap matutunan ang mga aralin, na
kalauna’y nakasanayan ko na rin.
Marami ang nagbago, at hindi sa isang iglap, naging normal para sa akin ang lahat.
Ngunit sa kagustuhan kong makasabay at pagsusumikap na malampasan ang mga pagsubok na
kinakaharap, matagumpay akong nakakasabay sa ngayo’y normal na daloy ng buhay.
Kinakailangan lang nating iwasan ang pagiging negatibo at bagkus tingnan ang mga bagay sa
isang positibing perspektibo- isang pagsubok na kailangang malampasan upang makapagpatuloy,
magawa ang dapat magawa, matapos ang kailangang matapos, at makamit ang inaasam na
tagumpay!

You might also like