You are on page 1of 1

Ang Epekto Sa Akin Ng Pandemya

By

Maraming tao ang naapektuhan ng pandemyang ito. Ang ilan ay nagkasakit,


nagutom, nawalan ng trabaho, nagkahiwalay nang matagal, at nawalan ng mga mahal
sa buhay. Maraming oportunidad na rin ang nawala at marami ang nag bago sa mga
dumaan na taon. Sa biglaang pagbabagong ito marami ang hindi agad at hindi pa rin
nakakabangon. Ngunit, lahat man tayo ay apektado iba-iba pa rin ang ating mga
pinagdadaanan at lahat ng ito ay makabuluhan.

Ang pandemyang ito ay naapektuhan ako sa maraming paraan. Bilang


kabataan na nasa taon kung saan maaari kong madiskubre ang aking sarili, matuto sa
aking pagkakamali, at matuto tumayo sa aking mga paa. Pakiramdam ko ay pinagkait
ito lahat ng pandemya. Lahat ng mga karanasan na ito ay biglang nawala. Pakiramdam
ko ay nawalan ako ng oras para isagawa lahat ng ito. Hindi lamang yan ang epekto nito,
naapektuhan din ang aking pag-aaral. Ang dating pag-aaral na nagaganap sa paaralan
ay ngayon sa bahay na lamang. Noon guro pa ang aking kaharap, ngayon ang aking
kompyuter na lamang. Lubos akong nahirapan dahil hindi naman ito ang aking
nakasanayan. Ang pagiging malayo sa aking mga kaibigan, kaklase, at guro ay
nagdulot sa akin ng pag-iisip na “kailangan ko na gawin lahat ng ito mag-isa”. Sa
pamilya naming hindi kasingganda ng iba, kailangan ko maging matibay para sa aking
mga kapatid at sa mga magulang kong may mataas na pangarap para sa akin.

Naging mahirap man ang pandemyang ito para sa akin. Natuto naman
akong mas pahalagahan ang mga bagay na mayroon pa ako. Ngayon ay lubos akong
nagpapasalamat sa araw-araw na binigay sa atin ng ating Panginoon. Ang hangad ko
lamang ay matapos na ang pandemyang ito at bumalik na ang lahat sa normal kung
saan ang mga tao ay pwede mag sama-sama ng hindi labag sa batas.

You might also like