You are on page 1of 1

Pag-asa sa Gitna ng Pandemya

(ni Samantha Jeka Bianca C. Asna)

Isang malaking dagok sa mundo ang pagdating ng pandemya kung saan


sinubok ang katatagan ng bawat isa. Maraming naihintong mga ginintoang
pangarap. Marami rin ang nawalan ng pag-asa na magpatuloy para sa kanya-
kanyang hinaharap. Kamusta na ba? Kamusta naba ang mga taong lubos na
naapektohan ng naganap at nagaganap pang pandemya? Nakabangon nangaba? o
patuloy parin nagsusumikap para masalba ang kanilang mga pamilya? Marahil
kayo ay sawa na sa pinagdadaanan ng bawat isa. Marahil kayo ay pagod na
lumaban para maging masaya. Kaya ang tanong, makakamit pakaya ang Pag-asa sa
Gitna ng Pandemya?
Magmula ng dumating ang pandemyang ito ay napaka laking lungkot ng
mga tao. Maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho, guro na gusting-gusto
na magturo, at mga mag aaral na ayaw pa huminto. Mayroong mga matatandang
hindi na makalabas para bumili ng gamot, ni hindi manlang alam sa problemang
ito ano ang sagot. Maskin sa sa simbahan ang mga tao ay hiindi pinagbibigyan.
Upang makagawa ng kung ano mang kilos ay kailangan ng card ng bakuna.
Marami ang ayaw pero marami din naman ang naniwala para lamang sakanyang
Gawain ay makagawa.
Nang dahil sa pandemyang ito, naging mapayapa ang mundo. Walang
nakakalabas saan man at dito. Marami ring mabuting nadulot ang pandemyang ito
kagaya ng mas nag karoon ng oras ang tao sa kanya-kanyang pamilya nito. Mas
natutunong manalig ang mga tao. Ngunit kahit sa positibong epekto ay lubos na
nayurakan paarin tayo sa problemang dala nito. Maraming nalagas na mga buhay
at marami ang pumiling magkaroon ng maduming kamay, nagnanakaw at
pumapatay para lamang sa pandemyang ito ay mabuhay. Kaya ito na naman tayo,
nag iisip na naman kung paano. Paano tayo tatayo sa pagkakadapang ito?
Pero habang tumatagal, unti-unti ng nag hihilom ang sugat na dulot ng
pandemyang kay tagal. Marami nang nakabalik sa trabaho at pag-aaral. Marami
narin ang nakita na ang kanilang mga minamahal. Nakamit narin ang pinaka
hihintay nap pag-asa, salamat sa Dios at hindi tayo pinaasa na kung tayoy
mananalig lamang at maniniwala sa kanya ay malalampasan natin ano mang dagok
at problema sa buhay kagaya na ng pandemya.

You might also like