You are on page 1of 1

Ilogon, Jessa Marie Grade 11- St.

Michael ICT

Subject: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Kabataan, Isipin mo ang iyong Kinabukasan

“Kabataan pag-asa ng bayan”, Kasabihan na sadyang nakatatak na sa ating mga isipan.


Ano nga ba ang ating kinabukasan?

Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa.
Iaahon natin ito sa kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway
natin ang bandilang ating bayan patunay na tayo’y malaya sa anumang pang-aalipin ng mga
dayuhan. Ito ay ilan lamang sa mga katangian at kaugaliang inaasahan natin na taglay ng bawat
kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan. Pero ano na ang nangyari sa mga kabataan ngayon
tila’y nagbago na?

Mga kabataang kakaiba at nakakabahala na ang ugali at kilos. Mga kabataang hindi lang
basta kabataan. Ano ba ang nangyayari sa kanila? Sila ngayo’y mapupusok, matatapang, walang
takot, walang pakundangan, walang pakialam. Nagbago na nga ang mundo.Marami sa mga
kabataan ngayon ang sinisira ang buhay. Pinapaaral ng mga magulang ngunit ano ang ginagawa?
Ayon! Gimik don! Gimik dito! Natuto ng mga bisyong hindi dapat gaya ng pag-iinom ng alak,
paninigarilyo, at ang ibang mga babae ay sa murang edad ay nabubuntis na. Nasaan na ang
tinatawag na moralidad? Di nyo ba alam na dugo at pawis ang puhunan ng ating mga magulang
para lang tayo ay makapag-aral at mabigyan ng magandang kinabukasan? Alam niyo ba na kung
gugustuhin lamang natin ay mapapaganda natin ang ating mga hinaharap? Ayun nga kay Francis
Magalona, “Nasa palad mo ang kapalaran, kabataan para sa kinabukasan. Oras ay ginto, gamitin
ng mahusay dahil ang oras ay walang hinihintay. Maging responsable at isipin ang naghihintay
na bukas. Dahil kung magiging tulog ka lamang sa katotohanan, ano pa ang naghihintay sayong
bukas? Tiyak wala kang mararating.

May nakalaan ang Diyos para sa atin, bakit hindi natin ito subukang hanapin, abutin?
May magandang kinabukasan ang naghihintay sa atin pero bakit pa kakapit sa patalim? Hindi
lahat ng problema ay madadaan lamang sa ganyan. Tingin sa kabila baka may naghihintay sa
iyong sagot sa lahat ng problema. Kaya kung pwede subukan natin muli, baguhin ang ating sarili,
ang ating nakasanayan dahil hindi pa naman huli ang lahat. Kahit ilang beses man madapa,
babangon at haharapin ito na may paniniwala sa Diyos.

Kaya mga kabataan, makinig! May bukas pa, subalit bakit pa hihintayin ang bukas kung
pwede naman ngayon na. KKK! Katatagan, Katalinuhan, at kaayusan. Iyan ang sagot sa
magandang kinabukasan. Kaya ngayon pa lamang… “Kabataan, Isipin ang kinabukasan”.

You might also like