You are on page 1of 2

Cuasay, Princess Nicole P.

Talumpati

11-STEM A

Pamumuhay ng kabataan noon at ngayon : Kabataan sa makabagong panahon

“Kabataan ang pag-asa ng bayan” isang katagang kadalasang naririnig natin sa matatanda na nag mula kay Dr. Jose
Rizal (1879) Ngunit sa makabagong panahon ngayon, kung saan kalimitan na lamang ang mga kabataan na kagaya ni Dr. Jose Rizal,
may pag-asa pa nga ba ang ating bayang ginagalawan? “Kabataan sa makabagong panahon” sapagkat gusto kong usisain kung ano
nga ba ang pinagkaiba at pinagkaparehas ng kabataan noon at ngayon. Kung bakit nasasabi ng nakakatanda na malayo na ang agwat at
pinagkaiba ng noon at ngayon at kung minsan pa ay nag- dadalawang isip kung kabataan pa nga ba ang pag-asa ng bayan. Ano na nga
ba ang mayroon sa kabataan ngayon at bakit lagi silang napapansin ng nakakatanda? Paano nga ba mamuhay ang mga kabataan noong
unang panahon? Nasa tamang landas pa nga ba ang mga kabataang Pilipino ngayon? Mula kay Ollson (2015) “Unti-unti nang
nagbabago ang panahon, unti-unti nang nagiging moderno at sibilisado. Kinakain na ng modernisasyon ang mga buhay ng tao at ang
mundo. Isa na rin naaapektuhan ang kabataan. Pindot dito, pindot doon.” Para sa akin kaya nya ito sinabi ay dahil sa isang pindot lang
ay makukuha mo na ang gusto mo, makukuha ang kailangan mo at mahahanap mo ang hinahanap mo. Tila pinagpalit na nga natin ang
tradisyon at kultura para sa mga bagong teknolohiya, maging ang paggamit ng sariling wika ay nagbago na. Tinangkilik na natin ang
mga bagong usbong na wika na “jejemon”, “gay lingo” at iba pa. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal (1889), "Ang hindi magmahal sa sariling
wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda." Pero ngayon, tuluyan na itong nakalimutan at binura sa isip ng kabataan, Sa ngayon
pati ang pag-aasawa at pagbubuntis nang maaga ay pinoproblema na ng kabataan, kaya naman hindi na nakapagtataka kung ano ang
mga nangyayari sa kabataan ngayon. May mga maagang namamatay, mga nalululong sa droga at iba pa kaya naman hindi natin
masisisi ang matatanda sa pag-iisip nila ng mga masasama sa kabataan. Dahil sa mga ito, unti-unti na ngang nawawalan ng pag-asa
ang bayan. Sa paglipas ng panahon at sa pagtakbo ng oras, hindi natin namamalayan na ang teknolohiya na ating kinokontrol ay siya
nang kumokontrol sa atin. Ang modernisasyon at mga teknolohiya ang tutulong sa atin patungo sa maunlad na pamumuhay, pero ito
rin ang maaaring magpapabagsak sa maunlad na bayan. Kung ating ihahambing ang kabataan noon at sa ngayon ay masasabing sila
noon ay nabuhay sa mas simpleng mundo. Namulat sa mas payak na pinagkakalibangan at malaya sa impluwensya ng teknolohiya.
Kung noon, ang kanilang pananaw ukol sa pagsusumikap ay ang pagbabanat ng buto, pagtitiis ng hirap, pagsunod sa magulang at
seryosong dedikasyon tungo sa kanilang ninanais na pangarap at tagumpay, ang kabataan naman ngayon ay may sariling paraan ng
pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga bagay na may kabuluhan. Ibayong pagsisikap pa rin ang kailangan pero sa gitna ng mga
makabagong teknolohiya na madali at magaang na pamumuhay ang maaaring makamit ng mga kabataan sa henerasyong ito pero
karaniwan ay mababaw ang nagiging pananaw dahil na rin sa pinadaling mga sistema dahil sa makabagong teknolohiya.
Samakatuwid, ang bawat henerasyon ay may pagkakaiba. “Ang kabataan noon at ngayon ay mayroong ilang pagkakapareho sa kabila
ng mga pagkakaiba sa kanilang karanasan at pamumuhay.” Alinsunod kay Mariqui & Sayde (2010), pare-pareho ang kanilang
pagnanais na magtagumpay at makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kahit sa iba't ibang panahon, ang kabataan ay mayroong
hangaring umunlad at magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang kabataan noon at ngayon ay may pangangailangan sa edukasyon
at pagpapalawak ng kanilang kaalaman. Kahit sa panahon ngayon, ang ilang kabataan ay patuloy na nagpapahalaga sa kanilang mga
tradisyon at kasaysayan bilang bahagi ng kanilang pagkakakilanlan. Sa ganitong paraan, bagamat may mga pagkakaiba sa kanilang
pamumuhay at pananaw, nananatili pa rin ang ilang mga halaga at layunin na nag-uugnay sa kabataan noon at ngayon. Kaya naman
bilang isang kabataan at itinuturing din na “pag-asa ng bayan”, dapat maging responsable sa lahat ng bagay o oras. Dapat isaalang-
alang ang iyong kinabukasan kung anuman ang gagawin mo na maaaring makaapekto sayo at isiping mabuti kung ito ba ay may
magandang maidudulot. Lagi rin tayong sumunod sa mga payo ng ating mga magulang dahil para rin naman sa kapakanan natin ito.
Bilang isang miyembro ng ating lipunan, maging mapagmasid tayo sa ating kapaligiran o mga bagay-bagay dahil ito ay maaaring
magdulot din sa atin ng kaalaman at karunungan na tutulong gumabay sa iyong sarili. Magtapos muna ng pag aaral para sa magandang
kinabukasan nang matamo mo ang lahat ng iyong kagustuhan, at para masuklian na rin ang paghihirap at sakripisyo ng iyong mga
magulang. Tayong kabataan ay maging magandang ehemplo sa mga susunod na henerasyon, upang ang ating lipunan ay maiahon.

Rekomendasyon

Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at pagbabago sa lipunan, Narito ang mga mahahalagang gabay para sa kabataan . Una ay
balansadong teknolohiya. Iwasan ang labis na paggamit ng “social media” at “online gaming”. Maglaan ng oras para sa ibang
aktibidad tulad ng pagbabasa at sports. Ikalawa ay patungkol sa edukasyon at kaalaman, itaguyod ang edukasyon at patuloy na pag-
aaral sa iba't ibang larangan para sa mas magandang kinabukasan. Ikatlo naman ay mental na kalusugan, nararapat alagaan ang
kalusugan ng isipan, maglaan ng oras para sa pahinga, at huwag matakot humingi ng tulong sa mga propesyonal. Ikaapat naman ay
makilahok sa komunidad, ang isang mamamayan ay dapat maging aktibo sa komunidad, “mag-volunteer”, at magbigay ng
positibong kontribusyon sa lipunan at ang panghuli ay ang interpersonal na kasanayan, magkaroon ng kakayahan makipag-ugnayan
at makipagkaibigan sa iba't ibang tao, ipakita ang respeto at empatiya. Sa mga simpleng hakbang na ito, magkakaroon ang kabataan ng
mas malalim na pang-unawa sa sarili at mas malawak na oportunidad para sa kanilang tagumpay at kontribusyon sa lipunan.

Reperensyal

https://en.wikipedia.org/wiki/Kabataan

https://www.mcecleanenergy.org/tl/because-of-youth/

https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/5355/

https://spus.edu.ph/ang-kabataan-ang-pag-asa-ng-bayan/

https://marydenapril.wordpress.com/2015/08/12/hello-world/

You might also like