You are on page 1of 1

"ANG KABATAAN NOON

AT NGAYON"

Ang bawat isa sa atin ay may iba't ibang katanungan na bumabalakid sa ating isipan

tungkol sa kabataan noon at ngayon. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal "Ang kabataan ang pag-

asa ng bayan", ngunit ano na nga ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Bakit

unti-unti ng nawawala ang mga gawain ng mga kabataan noon? Ang kabataan ngayon ay

sila pa rin ba ang pag-asa ng ating bayan o sila na lang ang siyang nagbibigay ng

problema sa ating bayan?

Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, mabilis din nagbabago ang pagtakbo ng panahon.

Ngunit sa mabilis na paglago ng ekonomiya at ang pag- unlad ng kaalaman ng isang tao,

mabilis ding nabago nito ang ikot ng mundo. Tila baga biglang napalitan ang mabubuti

ng masasama. Ang dati ay nagbago at dahil marahil sa pagbabago ng estilo ng

pagpapalaki ng mga magulang sa makabagong henerasiyon. Ngunit, hindi naman sa

lahat ng pagkakataon, sa magulang dapat ang maging sisi, kundi sa mga kabataan din

mismo. Kakaiba na ang mga tao sa paligid ngayon. Hindi na alam ng mga magulang kung

ano at sino ang iyong mga sinasamahan o kung anong klase ng mga tao ang naging

kasama ng kanilang mga anak. Kaya lingid man sa kanilang kaalaman ang unti-unting

pagbabago sa iyong pag-uugali, wala naman silang direktang paraan upang

masolusyunan ito. Isa sa mga dahilan kung bakit nagbabago ang isang kabataan ay dahil

sa makabagong teknolohiya at makabagong paggamit ng mga bagay-bagay


Ang kabataan noon at ngayon ay may malaking pagbabago at pagkakalayo sa kilos, gawi,

ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay

higit na magalang, masunurin dahil sa isang tingin lang ng magulang sa kanilang anak

tumatahimik na o kaya'y sumusunod na agad. Ang mga kabataan noon ay lubhang

taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa, may respito sa kapwa, mga walang

bisyo at maka-Diyos; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay di na gaanong

nagbibigay galang at pinipilit ang sarili na maki-uso at magbago. Pagdating sa

pananamit, lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at lubhang matapat sa pagsunod

sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay may disiplina sa

sarili habang ngayon ay di na gaanong napapansin o sinusunod ang mga magagandang

bagay o asal

You might also like