You are on page 1of 1

Talumpati sa Filipino 10:

Paksa: “Tugon ng mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan”


Title: “Iiba ngunit iisa”

Sa paglipas ng panahon, patuloy tayong binago, binabago at hinahamon ng ating lipunan.


Marami na ring isyung panlipunan ang umusbong sapagkat nagkakaroon ng kamalayan at
sariling opinyon ang mga tao ukol rito. Isang halimbawa nito ay ang diskriminasyo. Bagaman
ilang taon na ang lumipas nang ito’y bigyan ng aksyon, bakit kaya mayroon pa ring nakararanas
nito? Ako nga pala si Lara Quinsay, halina’t sama-sama tayong bigyang solusyon ang isyung
ito.

Unang-una sa lahat, ano nga ba ang diskriminasyon? Ito ay paghihiwalay ng isang


tao sa kapwa tao na tila naiiba sa karamihan o kaya’y hindi pasok sa kaniyang pamantayan at ng
lipunan. Marahil narinig niyo na itong paulit-ulit, na tayo’y pantay-pantay sa paningin ng Diyos
at patuloy niyang minamahal. Nakalulungkot mang isipin na sa kabila nito, laganap pa rin ang
diskriminasyon ma pa-kasarian, edad, lahi, edukasyon, at relihiyon di lamang sa Pilipinas ngunit
sa buong mundo.

Maari bang magtaas ng kamay ang mga nakaranas na mahusgahan. Sitsit diyan, sitsit
doon. Ito ang sasabihin ko sainyo, mga kabataan. Wala tayong magagawa kung ganoon ang
tingin at opinyon ng iba sa atin. Hindi ako ikaw at hindi ikaw ako. Ganoon tayo ginawa ng
Diyos at para sa kaniya, tayo ay perpekto. Hindi natin kailangang maging tulad niya. Ang
kailangan lang natin ay maging tayo.

Sa ganitong perspektibo, magkakaroon tayo ng mas bukas na isip at puso. Iba-iba tayo at
hindi natin iyon mababago, ngunit pare-pareho namang may pangarap na magandang hinaharap.
Ayon kay Dr. Jose Rizal, tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya tayo’y magkaisa at
magtulungan sa pagbuo ng magandang kinabukasan.

You might also like