You are on page 1of 1

Kailangang may magbago

Pagbabago. Ang natatanging bagay na kailaman hindi natin kontrolado.Sa pagsabay natin
dito sa mundong ating ginagalawan,kaantabay nito ang mga pagbabagong hindi natin
mapipigilan sa pag-alpas.

Isa na rito ang mga kabataan. Halos kalahati ng ating populasyon ay kinabibilangan sa
kategoryang iyon at kasunod ng pag-arangkada ng ating panahon ay ang paglala ng mga
pagbabagong hindi natin maisasagi sa ating isipan kung tayo ay nataong nabuhay noong unang
panahon.

Kung ating babalikan,ang mga kabataan noon ay pulos konserbatibo, mataas ang
dignidad, masipag at may pagpapahalaga sa edukasyon, may paggalang sa kapwa lalo na sa
pamilya, mapagmahal sa kalikasan at sa lipunan. Iilan lamang ito sa mga natatanging katangian
na nagpatunay sa tinuran noon ni Gat. Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.

Ngayon, mga kabataan ay ibangiba na. Mga pasaway, mapusok, walang disiplina, moral
at pagpapahalaga sa kalikasan,lipunan at pamilya. Walang respeto sa mga nakatatanda at sa mga
nakababata, naninira nang sariling katawan sa mga bisyo, droga at mga krimen. Nambabastos sa
mga kababaihan, nabubntis nang walang asawa at nakikianib sa mga masamang gawain.

Bunga nito ay nagiging sakit na sila sa ulo ng mga autoridad at pabigat na sa pamayan.

Bakit nga ba humantong sa ganito kasukaulan ang kalagayan ng mga kabataan? Ano nga
ba ang pinaka-ugat ng lahat ng ito?

Sa aking sariling perspektibo at pagmamasid, ang makabagong panahon mismo ang


bumago sa lahat. Sa paggamit ng mga modernong teknolohiya at mga kagamitan,naging mulat
ang mga kabataan sa mga hindi pa nararapat malaman ng mga ito. At doon ay papasok ang
kuryosidad na magtutulak sa mga ito sa mas mabigat na responsibilidad, ang maagang pag-
asawa at pagkakaroon ng anak. Ang ilan naman na hindi umaabot rito ay may pangit ng
kalalabasan. Sa simpleng paggamit lamang nito ay unti-unti nang nabubuhos rito ang atensyon at
maaagaw na ang isipan sa mas makabuluhang bagay tulad ng edukasyon. Sa pagkahilig rito ay
maaaring makahatak ito ng mga hindi angkop sa mga kaibigan, kaibigang mag-iimpluwensya sa
baluktot na gawain, ang paggamit ng droga at pagbibisyo. Kalakip na nito ang pagsama ng ugali
na makakapagpawala sa tamang respeto at paggalang na dapat sana’y kaugnay na ng buhay.

Nawawalan na rin ng panahon sa pakikipag-ugnayan sa Panginoon at imbes na gawing


banal na lugar at dasalan ang simbahan, bagkus ay ginagawa itong lugar ng tagpuan ng mga
magkasintahan.

Oo, hindi natin maitatanggi ang mga benepisyong dulot ng makabagong estado ng
lipunan. Ngunit marapat bang magpaapekto tayo sa mga negatibong bunga nito?

Palala na nang palala ang lahat. At lalo lamang lalalim ang sugat na maaaring iwan nito
at sa huli ay magmarka sa atin. Matagal nang problema ito na matagal na ring dapat
nasolusyunan. Ang kinabukasan natin ang nakasalalay at pati narin ang susunod pang
henerasyon. Kailangang may magbagp. Isang positibong pagbabago.

You might also like