You are on page 1of 1

Pagkalulong sa masamang bisyo (Alak at Sigarilyo)

Ni: Jolina Marie L. Baldoza


Grade 9 - Garnet

Sabi ni Dr. Jose P. Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Pero ano ang
napapansin natin sa mga kabataan ngayon? Hindi kaya manghihinayang ang ating bayani sa
mga nabitawang salita?

Pabata ng pabata ang mga nalululong ngayon sa masamang bisyo. Kabilang dito ang
paninigarilyo, pag-iinom ng alak, paggamit ng mga ipinagbabawal ng mga gamot gaya ng
marijuana, shabu, pagsusugal at iba pa. Ito ay mga halimbawa ng mga masasamang bisyo na
dapat iwasan ng mga tao lalung-lalo na ang mga kabataan, tayo. Hindi lang ito nakakaapekto
sa ating kalusugan, sinisira pa nito ang ating mga pangarap sa buhay at kinabukasan.

Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng paghina sa ating mga baga, pagkakaroon ng ubo


na hindi normal, nagdudulot ng pagiging mabaho ng hininga at ang mas nakalala pa nito
paghumantong ito sa kanser. Hindi lang sa pisikal na aspeto ito nakakaapekto, pati na rin sa
emosyonal na aspeto. Sa kabilang banda, ang labis nap ag-iinom ng alak ay nagdudulot ng
kawalan ng sapat na kaisipan upang magawa ang angkop at tamang desisyon. Maaaring
magsanhi ng aksidente sa kalsada, makakahanap ng kaaway sa paligid at iba pang masamang
mangyari dahil sa wala sa tamang pag-iisip.

Sa madaling salita, walang mabuting maidudulot sa tao ang mga bisyong nabanggit.
Ito ay maaaring magdulot ng pagkasira ng relasyon sa pamilya, pagkasira sa pag-aaral,
kahirapan, sakit at ang masakit pa sa lahat maging sanhi sa pagkawala ng buhay ng isa tao.

Maraming dahilan bakit ang isang tao ay nalululong sa bisyo. Isa na dito ang
kahirapan sa buhay, walang magandang relasyon sa pamilya, nahawa sa mga nakapaligid na
tao o kaya mga kaibigan na may bisyo at napasama sa mga masamang bisyo.

Sapat na gabay at patnubay ang nararapat na maibigay sa mga kabataan ngayon na


nalulong sa masasamang bisyo. Hindi pa huli ang lahat. May panahon pa na baguhin ang
sarili at ibahin ang direksyon sa buhay. Kaya hinihikayat ko ang lahat na gabayan o bigyang
pansin natin ang isang kabataan na tulad natin upang maiwasan at maproteksyunan ang ating
mga sarili sa masasamang impluwensiya sapagkat ito ay walang maidudulot sa ating
kinabukasan. Tulungan natin ang isa’t-isa para sa magandang kinabukasan at para sa
kaunlaran ng ating pamayanan.

You might also like