You are on page 1of 2

Krizlyn Mae D.

Mondala Grade 10 SUN

Droga At Kabataan
Droga….ito ang kadalasang ginagamit ng mga kabataan ngayon.
Ano nga ba ang mga epekto nito sa kanila? Anu-ano ang dahilan
kung bakit sila gumagamit nito? Sino-sino ang nakaka
impluwensiya sa kanila upang gumamit nito?

May dalawang uri ng droga legal at illegal. Legal na droga kabilang


dito ang sigarilyo at alak na kadalasang ginagamit ng mga
kabataan ngayon. Sa illegal na droga kabilang ang shabu na
pangunahing ginagamit ng mga kabataan ngayon. Ang mga dahilan
kung bakit gumagamit ng droga ang mga kabataan ay una dahil sa
impluwensiya ng kaibigan, pangalawa nagbibigay ito ng kasiyahan
sa kanila, pangatlo dahil sa kuryusidad at panghuli ay dahil sa
depresyon,sa panahon ngayon maraming kabataan ang may
kinakaharap na problema kaya ang iba ay gumagamit ng droga
upang mawala pansamantala ang dinadala nilang sakit.

Ang mga epekto ng droga ay maagang pag bubuntis sa mga


kababaihan dahil gaya ng sinabi ko kanina legal na droga kabilang
ang alak at alam naman natin kung ano ang epekto nito na
maaaring mag resulta sa maagang pagbubuntis. Dahil dito masisira
ang kanilang buhay at hindi na nila makakamit ang kanilang
pangarap. Ang iba ay nag reresulta sa depresyon na maaaring
humantong sa pagpapakamatay. Ang pinakamalungkot na epekto
ay maraming kabataan ang namaatay araw-araw natin itong
nakikita at naririnig sa telebisyon. Bilang isang kaibigan maaari
kang makatulong sa iyong kapwa kabataan sa paglaban sa droga.
Una maging kaibigan sa lahat, pangalawa maging magandang
halimbawa at huli ay pwede kang mag bigay kaalaman sa kanila
tungkol sa droga at ang mga epekto nito na nakasisira ng buhay.
Krizlyn Mae D. Mondala Grade 10 SUN

Kaya para sa aking kapwa kabataan maging responsible huwag


ninyong subukang gumamit ng droga. Dahil kaya nitong sirain ang
buhay ninyo at ang pangarap ninyo.

You might also like