You are on page 1of 1

Catherine A.

Prado BSN 1-H

Hindi Basta Babae Lang


By; Catherine Prado

Kahit di mag ayos,


May tigyawat man o ang kilay man ay kapos,
Magulo man ang buhok at sa kolorete ay kapos,
Matinong manamit pero bakit nababastos?

Pag kaibiga’y lalaki, sa mata ng iba’y haliparot,


Kapag short shorts ang suot, tawag ay pokpok,
Ang mga babae’y marurupok,
Pero hindi lahat mapupusok.

Matic na ang respeto sana’y di na namin limusin,


Pero bat ang iba sainyo’y mas natutuwang kami ay bastosin...
Hindi kami baboy na pwedeng baboyin,
At hindi rin pusa na pwedeng icat-calling.

Babae kami, hindi basta babae lang,


Hindi basketball na pwedeng pagpapasa-pasahan lang,
Hindi bubble gum na pag wala ng tamis, idudura nalang.
At mas lalong hindi online games na pampalipas oras lang.

Makuntento na sanang ang puso’y winasak,


Pero bakit pati mukha’y wasak?
Ikaw ba’y nagagalak?
Sa iyong ginawang hinayopak?

Kailan kaya talaga magiging malaya?


Sa mga matang mapangkutya,
At sa mga pasakit na ginagawa,
Di naman kami mahina, may mga bagay lang na sadyang di samin tinadhana.

Kami ay gaya ni Mulan


Na di nawawari ang kalakasan sa kasarian
Kaya din naming gawin ang lalaking gampanan
At kami ay hindi basta babae lang.

You might also like