You are on page 1of 2

Ang aking Sarili

(Komposisyong Deskriptib)
P UBLIS HED ON   February 26, 2016
Ako ay isang simpleng tao. Oo, ganun ang turing ko sa sarili ko. Dalawampung taong
gulang na ako ngayon. Ito ang aking ipinagmamalaking edad habang sinusulat ko ang
akdang ito. Kung sa mukha’t mukha lang ang pagbabasehan ng aking katauhan ay
palagay ko hindi naman ako pahuhuli. Ang ibig kong sabihin ay hindi naman ako panget.
Sa madaling salita ay katamtamang itsura. Medyo payat din ako, nasa 5’0 ang taas at
mapusyaw ang aking balat. Itim ang buhok ko, may brown at singkit na mga mata. Isa ko
pang katangian ay ang maganda kong mga ngipin. Alagang-alaga ko ba naman. Bukod
dito ‘yung labi ko naman ay tama lang at mamula mula. Hindi siya makapal at hindi rin
namang gaanong kanipis. Sa pangkalahatan, ang lahat naman ay naaayon sa hubog ng
aking mukha at katawan. ‘Yun nga lang, hindi lahat ay perpekto, hindi lahat ay kanais-
nais at hindi lahat ay magaan na dalhin sa katawan. Kung anu ‘yon, tiyak na maisusulat
ko sa pagdaan ng mga panahon.

Kung ugali naman ang pag-uusapan, marami ako nyan. Sabi ng iba mabait daw ako. Oo,
tama naman sila. Mabait ako sa taong mabait sa akin. Kung mabait ang isang tao sa’yo
dapat ganun ding kabaitan ang ipakita mo sa kanya.
Madami din akong kaibigan dahil ng pala-kaibigan ako. Matulungin ako sa aking mga
kapatid at magulang. At higit sa lahat ay mapagmahal akong anak. Marami pa siguro
akong ugali na hindi ko pa nababanggit sa akdang ito. Siguro mababanggit ko rin yon sa
ibang mga pagkakataon. Kung talent naman ang pag-uusapan, masasabi kong mayroon
din naman ako. Ang pagkanta ay itinuturing kong isang talento na galling sa Diyos. Sa
mga talentong pinasabog sa mundo, nasubukan ko na rin namang sumayaw lalo na kapag
may kasiyahan sa aming angkan.

Ito ay isa lamang maikling pagpapakilala ng sarili ko. Sa pagdaan ng mga panahon,
madadagdagan pa 
Its because our community is not thet clean and organized as I am expected.
Thats why our community is not an ideal one.

You might also like