You are on page 1of 2

ANG DIGNIDAD NG TAO AY ISANG PARAAN UPANG UMUNLAD ANG

ISANG TAO SA PARAANG HINDI MAKAKASAKIT O MAKAKASAMA SA


IBANG TAO AT NANGINGIBABAW DITO ANG PAGGALANG.........
4.8

“Kapansanan na nagamit para


magtagumpay”
10/14/2014

1 Comment
 

Marami sa atin ay napapatawa kapag tayo ay may nakikitang taong may kapansanan
na tulad ng tulay, pipi, bulag, bingi. Isa si Grace Padaca sa mga taong may kapansanan
na nakaranas ng diskriminasyon mula sa ibang tao. Ngunit sino nga ba si Grace
Padaca? At ano ba ang naging buhay niya?

          Para sa hindi nakaalam si Grace Padaca ay isang mahirap lang, namasukan
bilang katulong, at kaakibat nito ang kanyang kapansanan sapagkat siya ay pilay ngunit
ang ganitong kapansanan ay hindi naging hadlang para sa kanya para harapin ang
lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay at hindi rin ito naging hadlang para
mapagtagumpayan at makamit ang kanyang mga pangarap.

          At mula sa pagiging katulong si Grace Padaca ay naging gobernadora ng


probinsya ng Isabela, bago siya umupo bilang gobernadora marami siyang mga
napagdaanan at naging mahirap ito para sa kanya, para maging gobernadora ngunit ito
ay napagtagumpayan niya at naipakita niya sa lahat ng taona kaya niya, kahit na siya
ay pilay at galing pa sa pamilyang mahirap. At dahil nga napatunayan niya na kaya nia
ang mga bagay na kaya ng mga taong normal, taong walang kapansanan, nagtiwala sa
kanya ang tao, ang pamahalaan dahil hinirang siyang maging comelec commissioner,
ang ganitong tagumpay ay naging dahilan para lubos na magtiwala sa kanya ang mga
tao at gawing idolo ng lahat sapagkat napatunayan niya na kaya niya ng gaya niyang
may kapansanan na gawin ang mga ginagawang bagay ng mga taong normal. Ngunit
ito ay hindi dahilan para mangutya ng iba tulad ng naranasan niya. 

          At ang ganitong pangyayari ay marapat lang na gawing inspirasyon sapagkat


patunay ito na kaya ng tao ang lahat ng  bagay kahit na ito ay may kapansanan o wala
basta ito ay may pagsusumikap at may pangarap na gustong makamit sa buhay. At
ipinakita lang ni Grace Padaca na kapag may naranasan ka sa ibang tao na masama
tulad ng pangungutya ay gagawin mo na rin sa iba sapagkat ito ay mali at ang pagganti
sa kapwa ay isang kasalanan sa panginoon.

Mahalaga ang dignidad sa lahat sapagkat ang mundong ito ay puno na nang mapanglait na mga mata na
bawat galaw mo hindi man nila sabihin, iparinig may nanglalait, tumatawa. etc sayo... mahalaga
dignidad sa tao sapagkat ito ang imahe mo sa lahat ng taong nakapaligid sayo..  

You might also like